Chapter 31

2944 Words
JILLIAN Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Pagkatapos ng nangyaring iyon sa pagitan naming dalawa ni Marco ay sinikap kong iwasan siya. Ang kaso masyadong makulit kaya naglalagi na lang ako sa burol. Dumagdag pa si Kevin na araw-araw na lang nasa bahay. Bahala silang dalawa ni Marco magrambulan. Parehong may sapak. Hindi ko rin masyadong kinakausap si Inay at subra-subra ang hiyang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang makahulugang ngisi niya sa akin. Daig niya pa si kupido kung makapag-match. Dati si Kevin tapos ngayon sa aming dalawa naman ni Marco. E ang luko mukhang salawahan naman. May pa sabi-sabi pang gusto niya ako tapos kaliwa't kanan niya naman sina Blessie at Cheena. Balak ata kaming pagtutuhugin na tatlong magkakaibigan. Tapos ang mga kurdapya kung makakapit kay Marco akala mo mga pinaglihi sa tuko. Nakakabwesit! "O, ang aga ng gising mo Nak ah." nakangiting bati ni Inay sa akin paglabas ko ng kwarto. Humikab ako habang kinukusot ang aking mga mata. "Alas otso na po Nay, maaga pa ba 'yon sayo?" sabi ko saka nag-inat. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pananakit ng aking buong katawan. She chuckled. "Hindi ka ba nakatulog kakaisip kay Marco--" "Nay naman e, puro na lang si Marco ang bukambibig niyo. Pwede po ba tigilan niyo na rin ang pagma-matched sa akin sa lalaking 'yon?" "Twenty-five ka na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Minsan isipin mo naman ang sarili mo hindi 'yong puro ako na lang lagi. Matanda na ako Jillian. Mas mapapanatag ang loob ko kung--" "Nay..." saway ko sa kanya. "Fifty-two ka pa lang po. Marami pang kanin ang kakainin mo kaya 'wag kang magsalita ng kung ano-ano diyan. Kinikilabutan ako sayo e." sabi ko saka tinalikuran siya. Dumeritso ako ng kusina para maghilamos at nag-toothbrush. "Kahit isa sa kanila piliin mo. Pareho naman ako boto sa kanila pero mas bet ko na ngayon si Marco." Bigla kong nalunok ang toothpaste na nasa bunganga mo matapos kong marining ang pangalan na binanggit ni Inay sa huli. Inabot ko ang tabo at nagmumog saka hinarap siya. "Nay, wala po akong gusto sa kanilang dalawa." "Ayy wala ba? So, bakit ka nakikipaghalikan kay Marco--" "Nay!" naeeskandalong sabad ko sa kanya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at baka may nakarinig sa kanya. Mariin niya naman akong tinitigan. I sighed. "Aksidente lang po 'yong nangyari." "Walang nabubuntis na aksidente lang, Jillian." Whaaat? Napanganga ako sa sinabi niya. Naguguluhang napatitig ako sa kanya saka umiling. Tinakpan ko ang hawak kong toothbrush saka binalik sa lalagyan. Muli kong hinarap si Inay. "Pa'no pong napunta tayo sa pagbubuntis e nag-kiss lang naman po kami ni Marco?" "Hindi mo ba alam na sa kiss nagsisimula ang lahat?" nakapamewang niyang tanong sa akin. "Nag-summa c*m laude ka pa naman kung hindi mo alam 'yong tungkol diyan." natigagal ako sa sinabi niya. Tinawanan niya ako sa naging reaksyon ko. Umiling-uling pa siya habang nakatitig sa akin. "Parang love 'yon Jillian. Na nagsisimula sa simpleng paghanga lang. Kapag tumagal doon na papasok yung nagugustuhan mo na siya hanggang sa nauuwi sa pag-ibig." Napamulagat ako sa paliwanag ni Inay. Matagal ko siyang tinitigan. Nilapitan ko pa siya saka sinalat ng aking kamay ang kanyang noo. "Hindi ka naman po mainit, Nay. Pero bakit parang masyado ka yatang makata ngayon?" sabi ko. Kaagad niya naman akong sinamaan ng tingin sabay tabig ng kamay kong nakahawak sa kanyang noo. Napahalakhak ako. "Seryoso ako sa sinabi ko." "Wala naman pong kumontra sayo Nay. Tsaka seryoso din po ako--" "'Wag mo akong sagot-sagutin ng pabalang diyan Joyce Jillian at tatamaan ka talaga sa akin." Lalo akong napahagalpak ng malakas na tawa sa sinabi niya pero kaagad din akong natigilan ng mangibabaw sa boses ko ang malakas na tili ni Cheena at Blessie. Animo'y nag-tse-cheers ang dalawa... eh? "Anong meron sa labas at ang ingay po ata no'ng dalawa? Tsaka bakit ang aga-aga nandito sila?" Malalim na bumuntong hininga si Inay. "Nagsisibak ng kahoy sina Marco at Kevin." "Ano?" gulat na bulalas ko kay Inay. "Bakit po inutusan niyong magsibak ng kahoy si Marco e hindi naman 'yon marunong?" "Hindi ko sila inutusan. Sila ang nagkusa." Napahilot ako sa aking sentido sa sinabi niya. "Ano bang nangyayari do'n sa dalawa at parang nagpapaligsahan? Parang mga siraulo." sambit ko sa aking sarili. "Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga or ano?" sabi ni Inay. Kaagad akong napatingin sa kanya. Salubong ang kanyang mga kilay habang matamang nakatitig sa akin. Parang napipika or iwan. 'Di ko ma-eplain ang itsura ni Inay dahil naka-focus ang utak at tainga ko sa labas ng bahay. Curious ako kung anong nangyayari doon. "Pero sa nakikita kong mga kilos at mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo sa tuwing lumalapit sayo si Marco sa tingin ko mahal mo siya--" "Nay!" "'Wag mo akong sigawan, hindi ako bingi." "Kasi naman ang lakas po ng boses niyo. Baka may makarinig na iba maniwala diyan sa sinasabi niyo." "Bakit hindi ba totoo?" pailalim niya akong tinitigan. "Kung makaselos ka dun sa dalawa wagas." "Ako? Nagseselos?" nakatawa ko pang turo sa aking sarili. "Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam ng umiibig e, ang magselos pa kaya?" Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang minuto siyang nanatiling nakatitig sa akin saka malalim na bumuntong hininga. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at ginagap ang mga palad ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat kilos niya. Marahan niya iyong pinisil. "Hindi lahat ng lalaki kagaya ng iyong Itay, Jillian." seryoso niyang sabi sa akin. "'Yong dalawa sa labas na nagpapakitang gilas pa para masungkit ang matamis mong oo..." huminto siya sa pagsasalita saka hinatak ako papunta sa bintana sa sala. Tinuro niya sa akin ang dalawang pawisan sa pagsisibak ng malalaking kahoy. "...sa panahon ngayon sa tingin mo may ganyan pang lalaki na kahit paulit-ulit mo ng nilalayuan at pinagtatabuyan ay patuloy ka pa ring sinusuyo? Sino ka sa tingin mo para habol-habulin nila? Anong meron ka para magkaganyan sila sayo?" Binawi ko kay Inay ang kamay ko saka pinagkrus ang dalawang braso sa aking dibdib. "Nagkakaganyan sila dahil may gusto silang makuha sa akin. Alam ko pagkatapos no'n iiwan din nila akong luhaan. 'Wag po kayong magpapauto sa dalawang 'yan, Nay." She heaved out a deep sighs. "Sa tingin ko hindi naman... lalo na kay Marco na matured na mag-isip. Nagpaalam pa siya sa akin na liligawan ka niya. Kung iba-iba matagal ka na no'n ginapang lalo't doon ka pa rin natutulog sa mahabang upuan sa kwarto niya kahit magaling na siya. Tapos ipinagtapat niya pa sa akin ang tungkol sa buong pagkatao niya... tsaka isa pa mukhang takot sayo ang batang 'yon kaya nagustuhan ko siya kaysa kay Kevin na bata pa at chick boy." "Bakit parang puro papuri ang naririnig ko sayo tungkol kay Marco, Nay tapos si Kevin puro negative naman? Ano pong gayuma ang pinakain sayo ni Marco at bumalimbing po ata kayo ngayon? Pinu-push mo pa talaga ako sa kanya ah." She gently laughed at what I said. Napanguso ako sa ganda ng tawa ni Inay at sayang nakikita ko sa kanyang mukha. Habang tumatagal na nakakasama namin si Marco dito sa bahay lalong lumalaki naman ang namumuong takot dito sa puso ko. Takot na baka maisipan na ng lalaking 'yon na iwan na kami at bumalik sa dati niyang buhay lalo't magaling na siya. Kahit anong pilit kong isantabi ang nararamdaman kong takot tungkol doon hindi ko mapigilan sa tuwing nakikita ko si Inay. Dahil siya itong pinakauna sa lahat na masasaktan. Napamahal na siya kay Marco. Grabe siya kung mag-alala sa lalaking 'yon. Hindi ko alam kung bakit na-attached masyado si Inay sa kanya ng ganun ka bilis. Sabihin na nating mabuting tao nga ito pero sa nakikita kong trato ni Inay sa kanya na daig pa ito 'yong tunay na anak kaysa sa akin ay malaking palaisipan sa akin. Sa pagkakakilala ko kasi kay Inay hindi siya ganun, hindi siya basta-basta nakikipaglapit ng loob sa isang tao lalo't lalaki at estranghero pa. "Tawagin mo na 'yong apat doon sa labas ng makakain na tayo. Anong oras na hindi pa nag-aalmusal." sabi niya saka humakbang papunta sa kusina. Nasundan ko na lamang siya ng aking tingin. Ilang minuto pa akong nanatiling nakatayo doon habang nakatanaw sa pintuang pinasukan niya bago lumabas ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Nakatalikod sa gawi ko sina Cheena at Blessie, nakaharap si Marco, nakatagilid naman si Kevin. Balak ko sanang gulatin ang dalawa ngunit kaagad din akong napahinto sa paghakbang matapos kong makita ang pawisang katawan ni Marco. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Wala siyang pang-itaas na damit. Naka-basketball shorts lang siya at nakapaa habang nagsisibak ng kahoy. Naga-flex pa ang kanyang mga muscles sa braso kada hataw niya ng palakol sa malaking kahoy. My jaw dropped when my eyes landed on his toned abs, down to his hairy v-shaped... Oh my pandesal... parang ang sarap magkape! Bigla akong pinagpawisan ng malapot sa tinutumbok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulalang nakatitig doon ng maramdaman ko ang mainit na kamay na dumampi sa gilid ng aking mga labi. "You're drooling love." Napakurap-kurap ako sabay tabig sa kamay ni Marco na marahan ng humahaplos ngayon sa ibabaw ng aking mga labi. Lumapad ang kanyang ngiti sa ginawa ko. Malakas kong tinulak ang kanyang mukha na subrang lapit na sa akin. Bwesit nakakahiya! Ano bang nangyayari sa akin at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya? Damn... kaya pala parang lumalapit 'yong pandesal sa harapan ko kanina. Tapos ako parang timang naman na na-hypnotized sa ganda ng kanyang katawan at harap-harapan na pinaglalawayan siya! Darn.. Wala sa sariling nasapo ko ang aking noo habang nakangiwing nakatingin kay Marco na tuwang-tuwa na nakatunghay sa akin. Nagpupunas ng towel sa kanyang pawisan na mukha at katawan sa harapan ko. "Ayiiiie... ang haba ng hair ni Kamahalan." "Pinag-aagawan ng dalawang Adonis." Narinig kong kinikilig na kantiyaw pa sa akin nina Blessie at Cheena. Nakapoker face pa ang dalawa ng mabalingan ko sa aking gilid. "Tumigil nga kayong dalawa diyan." sikmat ko sa kanila saka muling tiningnan si Marco. "Luto na ang almusal. Kakain na daw sabi ni Inay." "Tara Kuya Pogi." nakangiting hinatak kaagad ni Cheena sa braso si Marco. "Kailangan mo mag-recharge para sa next battle." Natitigilan naman itong napatitig sa akin. Inirapan ko siya. "Tara Kevs, kakain na daw." narinig kong sabi ni Blessie. Kaagad akong napalingon sa kanilang dalawa na nakatayo na sa aking likuran. Nakatitig sa akin si Kevin habang nagpupunas ng towel sa kanyang mukha. Nakatayo naman sa kanyang tabi si Blessie. "Susunod na lang ako Bless. May importante lang akong sasabihin kay Jillian." sabi ni Kevin. "Sure ka? Baka umuwi ka na naman ng walang paalam." si Blessie. He chuckled. "As if naman hinanap mo ako no'ng umuwi ako--Aww!" daing nito ng kurutin ni Blessie ang kanyang tagiliran. "Dami mong sinasabi. Basta sumunod ka. Magtatampo 'yon si Nay Julie." tiningnan niya ako. "Mauna na kami Kamahalan ah." nakangising sabi ni Blessie sabay talikod. Nakakunot-noong nasundan ko siya ng tingin pero kaagad din akong napabaling kay Kevin ng hawakan niya ang aking kamay. Tiningnan ko iyon bago ako nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa akin. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango ako. Ngumiti siya sabay hatak sa akin ngunit kaagad din kaming dalawa natigilan. Marahas kong binalingan ang taong humawak sa aking kabilang kamay. Nagulat pa ako ng mapagsino iyon. Nakatiim bagang na mukha ni Marco ang sumalubong sa akin pero kay Kevin nakatutok ang nagbabanta niyang mga mata. Akala ko umalis na sila? Nakakunot-noong tiningnan ko sina Cheena at Blessie na kagat-kagat pa ang mga daliri't nakatayo sa tabi ni Marco. Hinatak ko ang kamay kong mahigpit na hawak niya pero hindi niya iyon pinakawalan. Kaagad lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha pagtingin niya sa akin. "Kakain na, saan pa kayo pupunta?" sabi sa akin ni Marco. Pero hindi ko siya sinagot. Muli kong hinatak ang kamay kong hawak niya pero lalo lamang humigpit iyon. Napabaling rin ako kay Kevin ng maramdaman kong humigpit din ang pagkakahawak niya sa isang kamay ko. Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanila ng makita ko ang itsura ko. Dakadipa ako habang mahigpit nilang hawak-hawak ang magkabilaan kong mga kamay. Bwesit na mga 'to. Himutok ko sa aking sarili saka malakas na hinatak ang mga kamay ko pero hindi nila iyon binibitawan. Muli akong nagpumiglas pero ayaw pa rin akong pakawalan. "Ano ba?! Hindi niyo ba ako bibitawan!" singhal ko sa kanilang dalawa. Tila natauhan naman sila sa matalim nilang titigan sa isa't isa saka napapasong binitawan ang mga kamay ko. Napangiwi ako ng makita kong pareho iyon namumula. Pinanliitan ko silang dalawa ng aking mga mata. "Alam niyo kayong dalawa..." inis na pinagduduro ko sila. "...tigilan niyo 'yang ginagawa niyo dahil wala akong gusto sa inyong dalawa. Nagsasayang lang kayo ng oras diyan sa ginagawa niyo. Pinag-aawayan niyo pa talaga ako. Para kayong mga sira!" singhal ko sa kanila. "Grabe ka naman Kamahalan. Ang heartless mo naman." "Oo nga. Kawawa naman 'tong dalawa. Ume-effort na ligwak pa rin." Sabay pang sabi nina Cheena at Blessie. Galit na binalingan ko rin silang dalawa. "Dumagdag pa kayong dalawa!" singhal ko sa kanila. Napatakip pa sila ng kamay sa bibig sa sinabi ko. Pinanlakihan ko sila ng aking mga mata saka dinuro. "'Wag niyo akong pagtatawanan at masasapok--" "Ang sungit-sungit mo naman." sabad ni Cheena saka binalingan si Marco at hinatak sa braso. "Tara na nga Kuya Pogi. Hayaan mo siya. Kung ayaw niya sayo 'di akin ka na lang." nilingon niya ako at inirapan sabay talikod habang hatak-hatak si Marco. Sumunod naman ito sa kanya pati si Blessie na inirapan din ako bago tumalikod. Nagpupuyos ang dibdib ko sa inis habang sinusundan ko sila ng tingin hanggang sa pumasok sa bahay. Napaigtad pa ako ng dumantay ang kamay ni Kevin sa braso ko. "Sorry Jillian." I heaved out a deep sighs saka hinarap siya. "Ano bang importanteng sasabihin mo sa akin?" Natigilan siya sa tanong ko. Napakunot-noo ako ng umayos pa siya ng tayo. Hindi siya umimik. Umiwas lang ng tingin sa akin. He's acting weird. Isip-isip ko pa. "Kevin?" untag ko sa kanya ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita. He cleared his throat. "Magaling na si Marco diba?" tumango ako. "So bakit hindi niyo pa rin siya pinapaalis sa bahay niyo?" "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Kevin?" salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya. "Bakit namin paaalisin si Marco? Kung gusto niyang umalis kusa 'yon aalis at wala kaming balak na palayasin siya ng ganun-ganun na lang dahil sa magaling na siya." "Mag-ingat kayo kay Marco." "Ha?" nagtatakang tinitigan ko siya. "A-Anong... bakit kami mag-iingat kay Marco?" "Dahil hindi niyo alam ang buong pagkatao niya!" Napaawang ang mga labi ko ng pagtaasan niya ako ng boses. Napapantastikuhan ko siyang tinitigan sa kanyang mukha pero hindi siya makatingin sa akin ng deritso. Pakiramdam ko tuloy may tinatago siya na iwan. Pero ano naman kaya? Nitong mga nakalipas na buwan lagi silang nagpapang-abot ni Marco. Dun sa sapa nagsuntukan pa silang dalawa. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Marco bakit bigla niya na lang sinugod si Kevin habang namimingwit kami ng isda sa ilog. Hindi ko sila maawat na dalawa kaya pinabayaan ko na lang sila. Umuwi ako ng bahay. Naiwan sina Cheena at Blessie na galit na galit na nagsisisigaw sa akin at pinabayaan ko daw 'yong dalawa. "'Yan lang ba ang importanteng bagay na sasabihin mo sa akin, Kevin?" Frustrated na napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha saka humawak sa aking mga balikat. "Listen to me Jillian, kailangan niyong paalisin 'yan si Marco dito sa bahay niyo kung ayaw niyong madamay--" "Ano bang pinagsasasabi mo?" sabad ko sa kanya sabay kalas sa mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa mga balikat ko. Niyuyugyog pa ako na para bang nasa ilalim ako ng bangungot. "Kung sinisiraan mo si Marco para makuha ako, pwede ba Kevin..." "NO... It's not that, Jillian--" "E ano?!" sigaw ko sa kanya. "Ano bang pinag-aawayan niyong dalawa ha?" Hindi siya sumagot sa tanong ko. Galit na napatitig ako sa kanya habang nag-aantay ng kanyang sagot ng makita ko sa peripheral vision ko ang isang lalaking nagtatago sa malaking katawan ng punong-kahoy. Napatingin ako doon sabay takbo palapit sa kahoy ngunit tumakbo rin ito palayo. Hinabol ko ito pero ang bilis nito. Nagpalinga-linga ako, kaagad kong dinampot ang walang laman na niyog at binato ito. Nagulat pa ako ng masapol ko ito sa likod. Bumagsak ito padapa sa damuhan. Dadaluhan ko na sana ito ng biglang may malakas na kamay ang pumigil sa braso ko. Marahas kong nilingon si Kevin. "Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinakawalan. Umiling siya habang nanlalaki ang mga matang nakatitig lampas sa akin. Napalingon din ako doon. Muli akong nagpumiglas ng makita kong nakatayo na ang lalaki. Nakatingin sa amin. "Bitiwan mo ako Kevin, ano ba!" singhal ko sa kanya saka muling binalingan ang lalaki pero wala na ito doon. Binitiwan na ako ni Kevin. Nagpalinga-linga pa ako pero 'di ko na makita pa ang lalaki. "Hayaan mo na siya--" "Bakit mo ba ako pinigilan? Tuloy nakatakas." He sighed. "Bumalik ka na sa bahay niyo. Uuwi na rin ako." sabi niya saka ako tinalikuran. Nagtatakang nasundan ko siya ng tingin habang malalaking hakbang na naglakad palayo sa akin. Nilingon ko ang daan na binagsakan kanina no'ng lalaki saka muli siyang tinanaw. Magkakilala ba sila? Bakit parang gulat na gulat siya kanina at nagmamadali ngayon umalis? ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD