Chapter 32

2669 Words
THIRD PERSON POV KEVIN Malalaking hakbang na lumabas ako ng kakahuyan. Pagdaan ko sa bahay nina Jillian naabutan ko pang nakatayo sa labas si Marco. Nakakuyom ang mga kamao habang nakatiim bagang na nakatitig sa akin. I gave him an evil smirked then walked pass him. Tinungo ko ang kinapaparadahan ng aking kotse. Pumasok ako at naupo sa driver seat then start the engine. Kaagad kong pinaharurot iyon palayo sa lugar. Dumeritso ako sa hideout. "What's these foolishness you did again, Kevin?!" dumadagundong na sigaw sa akin ni Dad pagkapasok ko sa loob ng malaking kwarto. Nagulat pa ako ng may biglang lumipad na baso pagkabukas ko ng pinto. Buti na lang nakita ko kaagad at mabilis na nakailag. Kung hindi baka nasapol ako sa ulo. Nilingon ko si Bugart, ang tauhan ni Dad na nakita ko kanina sa kakahuyan, duguan ang mukha sa gilid habang pigil-pigil ang magkabilaang braso ng dalawa pang tauhan ni Dad bago ko muli itong hinarap. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. I sighed. "Si Julius ang may atraso sa inyo. Bakit kailangan niyo pang idamay ang mag-ina?" Inilang hakbang niya lang ako saka malakas akong sinikmuraan. Arrgh... Napahawak ako sa akin tiyan saka dahan-dahan na umayos ng tayo. Galit na galit na dinuro niya ako. "I never gave you permission to asked me any questions!" singhal niya sa akin. "Bakit hindi mo ginagawa ang pinag-uutos ko sayo ha?! Kung wala kang mahanap na lead sa mag-inang 'yan kung nasaan si Julius pwes gamitin mo sila para lumabas ang hinayupak na 'yon!" "Mahihirapan kayong ipadukot ang mag-ina. I told you magaling siya sa taekwondo pati ang mga kaibigan niya at may mga armas din sila. Plus si Del Carpio--" "Del Carpio?" nagtatakang sabad ni Dad. "Jeff Marco Del Carpio. Nakatira siya ngayon sa bahay nina Jillian." Natigilan siya. "Sh*t... pa'no nangyari 'yon? Kaya pala hindi ko maaninag ang anino ng lalaking 'yon sa mga events dahil nandun siya sa bahay ng mga Montecellio." sabi niya saka malalaking hakbang na bumalik sa kanyang mesa. Binuksan niya ang drawer saka may kinuha doon na brown envelop. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa saka ako binalingan. "Bumalik ka sa Manila. Hanapin mo 'tong pulis. Dalhin mo siya sa Hideout dahil kung hindi lahat tayo malilintikan kay Red dragon. Naiintindihan mo ba ako?" hindi ako umimik sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatitig sa picture ng isang babae na nilabas niya mula sa envelop. Hindi ko siya kilala pero may kakaibang pakiramdam na biglang tumama sa puso ko habang tinititigan ko ang mukha niya. Parang... "Naiintindihan mo ba ako, Kevin?!" Napapitlag pa ako sa lakas ng boses ni Dad. I heaved out a deep sighs again then stared at him. "Sino siya? Bakit kailangan--" "Don't ask me anything about her. Just do what I said!" singhal niya sa akin saka tinuro ang nakangiting litrato ng pulis. "Nasa likod ng picture na 'yan ang buong pangalan niya at address kung saan mo siya matatagpuan." Kinuha ko ang isang wallet size na picture sa ibabaw ng table saka tiningnan ang pangalan no'ng babae. Police Sergeant Cristal Jane Lopez... Salubong ang mga kilay na nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Anong atraso ng police na 'to at pinapadukot mo sa akin?" "Hindi siya ang may kasalanan kundi ang ama niya." I knew it... Pagak akong tumawa. Pailalim ko siyang tinitigan. "You're incredible, alam mo ba 'yon? Minsan napapahiling ako na sana hindi mo na lang ako pinulot sa lansangan. Siguro mas napabuti ang buhay ko doon kaysa--" "'Wag kang magmayabang Kevin dahil kung hindi sa akin wala ka ngayon sa kinatatayuan mo. Baka matagal ka ng natigok sa gutom sa lansangan." Mapait akong ngumisi. "Yeah right..." "Siguraduhin mo lang na gagawin mo 'yang pinapagawa ko sayo." "Hindi pa rin ako naniniwala na may kinalaman si Julius sa pagkamatay ni Mom--" malakas na suntok sa aking panga ang nagpatigil sa aking pagsasalita. Kaagad niya akong kwinelyuhan. Nangangalit ang mga ngipin at nakatiim bagang niya akong tinitigan. "Siya ang tinuturo ng suspek na nag-utos kaya 'wag na 'wag mo akong marasunan diyan na hindi ka naniniwala." halos hindi bumuka ang kanyang mga labi na sabi niya saka pabalang akong binitawan. "Wala ka talagang silbi kahit kailan. Wala kang utang na loob! Mas inuna mo pa 'yang lintik na puso mo kaysa mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mommy mo!" I sneered. "Sa tagal ng panahon na nakasama ko sila never ko silang nakitaan ng masamang ugali." katwiran ko pa sa kanya saka seryoso siyang tinitigan. "Hanggang ngayon ba hindi man lang sumagi diyan sa utak niyo na baka isa sa mga kalaban mo ang pumatay kay Mom at si Julius lang ang pinagbintangan lalo't na linked siya sa asawa ni Mr. Chua?" "Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Umiling ako. "Try investigate. Dig deeper, hindi 'yong naga-rely ka lang sa sinabi ng suspek. Naturingan ka pang Mayor pero parang wala kang utak. Sa panahon ngayon, maraming tao ang napapaikot ng pera." sabi ko saka siya tinalikuran. "Anong sabi mo?!" galit na sigaw niya sa akin. "Saan ka pupunta? Nag-uusap pa tayo Kev--" "Hindi ka pa rin ba tapos?" sabad ko sa kanya saka muli siyang nilingon. "Please lang Mayor... tigilan niyo na ang mag-ina. Wala silang alam kung nasaan si Julius at matagal na silang pinabayaan. Ako ng bahala maghanap ng hustisya sa pagkamatay ni Mom. At ito na rin ang huling utos mo na susundin ko." madiin kong sabi sa kanya at muli siyang tinalikuran. Nanggagalaiting tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Deri-deritso ang lakad ko palabas, nagtungo ako sa aking kotse. Muli kong pinaandar iyon at nilisan ang lugar. ***** JILLIAN Ilang minuto pa akong nanatili sa kakahuyan bago ako umuwi ng bahay. Natigilan pa ako sa katahimikan na sumalubong sa akin. Walang anumang ingay akong naririnig mula sa loob at labas ng bahay. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang tao. Saan sila pumunta? Umuwi na ba sila? Tanong ko pa sa aking sarili saka humakbang papasok sa aking kwarto. Kumuha akong malaking t-shirt, maong shorts at undergarments sa drawer. Muli akong lumabas ng kwarto saka nagtungo sa kusina. Nagkagulatan pa kami ni Inay pagkapasok ko sa loob. Nakaupo siya sa harapan ng mesa at nagsusulat. "Nay... Nasaan na po sina Cheena at Blessie?" tanong ko sa kanya saka kinuha ang sabonera ko. Natitigilang nakatitig siya sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa at huminto ang kanyang mga mata sa mga damit na hawak ko at sabonera. "Umuwi na sila..." sabi niya. "...saan ka pupunta?" "Ha? Bakit umuwi na po sila kaagad?" "Malamang nabubwesit sayo." nakatawang sabi niya saka pinagpatuloy ang pagsusulat. Natawa rin ako sa sinabi niya saka sinilip ang sinusulat niya. Nang makita kong listahan iyon ng mga na-harvest na pananim, nakangiting nagkibit-balikat ako saka lumabas ng kusina. "Teka... Jillian, sandali lang!" narinig ko pang sigaw ni Inay pagkalabas ko ng bahay pero 'di ko na siya pinansin pa. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko rin makita ang anino ni Marco. Hmp... malamang kasama no'ng dalawa. Naiinis ko pang sabi sa aking sarili. Nagdadabog na dumeritso ako sa likod ng bahay, sa may paliguan. Kaagad kong binuksan ang pintuan no'n ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko si Marco sa loob. Nakahubo't hubad. As in walang saplot! Napanganga ako sa aking nakita. Right there my innocence vanished when I saw his. Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanyang baba. Holy crap! Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawala sa sarili habang nakangangang nakatitig doon. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ako makakurap man lang. Pati ang paghinga nakalimutan ko rin. Wala akong naramdaman ng mga oras na 'yon maliban sa parang biglang namanhid ang aking buong katawan. "Ji-Jillian..." Hanggang sa napakurap-kurap ako matapos kong marinig ang nag-aalalang boses niyang tinawag ang pangalan ko sabay takip niyon ng kanyang mga kamay. Parang tangang dahan-dahan pa akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Nakanganga rin siya at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin. Gulat na gulat at hindi makapaniwalang nagtitigan pa kaming dalawa. May nabanaag pa akong pag-aalala at takot sa kanyang mga mata pero mas nangingibabaw sa aking utak ang katutuhanan na tumunganga ako sa harapan niya habang matamang pinapasadahan ang kabuuan niya. Then realization hit me. Napalunok ako. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na tili ko sabay bato sa kanya ng hawak kong sabonera. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa bahay. Muntik pa akong masubsob sa bilis ng takbo ko makalayo lang sa kanya. Hingal na hingal at habol ang aking paghinga. Subrang lakas ng kalabog at bilis ng t***k ng puso ko na para bang may nagra-riot na sa loob. Nanginginig din ang aking buong katawan. Nanghihinang napahawak ako sa hamba ng pintuan. "Jillian--" "Nay!" nanginginig pa ang mga labing bulalas ko sa kanya sa subrang pagkagulat. Napahawak pa ako ng kamay sa aking dibdib at bahagyang napaatras. "Anong nangyari sayo? Okey ka lang? Nakita mo ba si Ma--" "Na-Na-Nakakita akong A-Ana-Anaconda doon sa paliguan!" sigaw ko sabay abot sa kanya ng mga damit na hawak ko saka tumakbo papunta sa kakahuyan. "Anong anaconda, Jillian?! Saan ka pupunta?!" Narinig ko pang sigaw ni Inay sa akin pero wala ako sa katinuan ngayon para sagutin pa siya. Mabilis ang aking pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa burol. Huminto ako sa harapan ng punong kahoy ng Oak. "Ha..." sunod-sunod akong bumuga ng hangin sabay hawak sa katawan nito. "Damn... a-ano 'yong n-nakita ko?" tanong ko pa sa aking sarili sabay sabunot sa aking buhok. "T'ngna ka Marco... bakit hindi ka man lang kasi nag-lock ng pinto... argh..." sambit ko saka paulit-ulit na inuntog ang aking ulo sa katawan ng punong kahoy para mawala ang imahe na 'yon sa aking utak. Ngunit habang tumatagal lalo iyon umuukilkil sa aking utak na parang sirang plaka. "T'ngna talagaaaaa!" sigaw ko saka pabagsak na naglupasay sa damuhan. "Nakakahiyaaaa! Anong iisipin no'n sa akin? Pa'no ko na siya haharapin ngayon? Aaaaah..." nagwala ako sabay bangon. "Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya?" napapadyak ako. "Ayyy... ano ba yan..." naiinis na ginulo ko ang aking buhok na para bang mabubura no'n ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa burol habang kinakalma ang aking sarili sa nangyari pero kahit naririnig ko na ang huni ng mga kuliglig ay hindi ko pa rin iyon makalimutan. Naiiyak na bumangon na ako mula sa pagkakasalampak sa damuhan. Pinagpag ko ang aking pang-upo saka iginala ang paningin sa buong paligid. Makailang ulit pa akong humingang malalim bago nagsimulang humakbang pabalik sa bahay ng makita kong papadilim na. Malayo pa lang tinatanaw ko na ang bahay kung may tao ba sa labas. Nang masiguro kong walang tao pa-tiptoe akong lumapit doon. Nakabukas ang pintuan kaya walang ingay akong nakapasok sa loob. "Jillian--" "Ayy--Pusakal!" napatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Marco sa likuran ko sabay takbo papasok ng aking kwarto. Nanginginig pa ang aking mga kamay at pabagsak ko iyon na naisara. Hindi pa ako magkandaugaga sa pagpihit ng lock no'n. "Jillian anong nangyayari sayo?" "Nay!" pakiramdam ko nalaglag ang puso ko ng bigla akong hawakan ni Inay sa aking braso. "Bakit ka naman po nanggugulat diyan, Nay?" "Anong ako? Ikaw nga itong bigla na lang pumasok dito sa kwarto tapos pabagsak mo pa 'yan sinaradong pinto." tumigil siya sa pagsasalita saka mariin akong tinitigan. "Nagkita ba kayo ni Marco? Kanina pa 'yon nag-aalala sayo. Saan ka ba pumunta at hindi ka niya mahanap?" "Ha?" tanging nasabi ko. Nangunot lalo ang noo ni Inay habang mataman akong tinititigan. "A e, ano kasi..." damn... ano bang sasabihin ko kay Inay? Natatarantang tanong ko pa sa aking sarili habang nag-iisip ng pwede kong idahilan sa kanya ng sunod-sunod na katok sa labas ng kwarto ang gumambala sa amin. Napahawak ako ng mahigpit sa seradura. "Jillian..." tawag pa sa akin ni Marco. Oh NO... Not now please... Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi habang nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Inay na halos mag-isang linya na ang mga kilay na makahulugang nakatingin sa akin. "Kumakatok si Marco sa labas, bakit hindi mo pagbuksan?" sabi ni Inay. Hilaw akong ngumiti kay Inay sabay harap sa pinto. Naku po... Mariin akong pumikit at nagpakawala ng malalim na bumuntong-hininga bago pinihit pabukas ang pintuan. Nag-aalalang mukha ni Marco ang sumalubong sa akin. I tried to smiled at him pero ngiwi ata ang kinalabasan no'n. Hindi ko alam at wala akong pakialam pa dahil natatalo ako ng subrang hiya sa kanya. Damn.. kung pwede lang sana bumukas ang lupa sa kinatatayuan ko at lamunin na ako ng buo kanina ko pa hiniling. Yumuko ako. "M-Marco, may--may kailangan ka?" kandautal na tanong ko sa kanya. "Saan ka pumunta kanina? Hinanap kita sa kakahuyan pero hindi kita nakita. Pinuntahan ko rin sina Tay Pio, nagtanong-tanong ako sa kanila pero wala ring nakakita sayo. Nag-alala ako sayo, akala ko kung napano ka na." "Ha e, doon lang naman ako sa malaking puno malapit sa sapa tumambay kanina." "Galing din ako doon." "Ah, baka umalis na ako dun ng pumunta ka..." sabi ko saka nang-angat ng tingin sa kanya pero kaagad din akong napayuko ng magtama ang aming mga mata. "...ah baka nagkasalisi tayo... yun... yun nga siguro ang nangyari kaya ganun... 'di mo ako nakita." then I bit my lower lip. Hindi siya umimik sa sinabi ko. Mukhang hindi kumbensido pero hindi na siya nagkomento pa. Which is good. Ilang minuto rin lumipas ang katahimikan pero alam ko at ramdam ko ang titig niyang nakatutuk sa akin. Nilingon ko si Inay sa likuran ko. Nagtatakang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Marco. Sukat doon bigla akong napaayos ng tayo. Nginitian ko ito ng makahulugan niya akong tinitigan sabay baling kay Marco. "Kumain ka na ba? Ipaghahain kita." sabi ni Marco saka akmang tatalikuran ako para tunguhin ang kusina pero kaagad kong nahawakan ang kanyang braso. Napatingin siya doon kaya parang napapasong kaagad ko naman iyong binitawan. "Ah... hindi ako nagugutom, busog pa ako." sabi ko sabay turo ng higaan. "I-Inaantok na ako, matutulog na ako ha. Matulog ka na rin." kaagad ko siyang tinalikuran. Muli kong nginitian si Inay bago humakbang papunta sa pinakadulo ng papag, 'yung hindi niya tanaw. Inabot ko ang kumot ni Inay at agad na nagtalukbong. "Anong... nangyayari do'n kay Jillian? Parang takot na takot 'yan kanina pagkagaling doon sa paliguan." mayamaya narinig kong tanong ni Inay kay Marco. "Diba ikaw 'yong nandun kanina? Anong anaconda ang sinasabi niyang nakita niya?" Naitulos ako sa higaan matapos kong marinig ang huling tanong ni Inay. "Ho? Anaconda ho?" gulat na bulalas pa ni Marco. "E 'yon ang sabi niya ng makita ko siya sa labas ng bahay bago nagtatakbo papunta sa kakahuyan." Narining kong pagak na tumawa si Marco. "Tuko lang po 'yon Nay. Nagha-hallucinate lang si Jillian dahil wala pang kain." muli siyang tumawa. "Sige na po Nay, matulog na po kayo. Baka naiistorbo ko na si KAMAHALAN sa ingay ko. Mukhang tulog na tulog pa naman na." sabi niya habang pinagdidiinan ang nakakabwesit niyang tawag sa akin. Nagngingitngit ang aking kalooban pero wala akong magawa. Hindi ako pwedeng maghuramintado at baka malaman pa ni Inay 'yong kahiya-hiyang nakita ko. Tapos ang hinayupak mukhang tuwang-tuwa pa na nakitaan ko siya! Nakakapang-init ng ulo! "Ah, ganun ba. Sabagay takot nga 'yon si Jillian sa tuko. First time niyang makakita no'n e." nakatawa pang sabi ni Inay. Kaagad akong napangiwi at napatakip ng kamay sa aking mukha sa naririnig kong usapan nila "Sige na Marco magpahinga ka na rin." "Sige po Nay. Goodnight." sabi niya. "Goodnight Jillian!" pahabol niya pa saka ko narinig ang kanyang mga yabag papunta sa kabilang kwarto. "Tuko pala ha..." narinig ko pang sabi ni Inay. Lalo tuloy akong napangiwi. Naramdaman kong lumundo ang foam at init ng titig ni Inay sa aking likuran. Mariin kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulugan ko na iyon. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD