Chapter 33

2624 Words
JILLIAN Maaga akong nagising kinabukasan o mas tamang sabihin na hindi talaga ako masyadong nakatulog. Pagising-gising ako lalo't ang gulo ng lalaking 'yon sa kabilang kwarto. Pakiramdam ko nga sa mahabang upuan natulog si Marco dahil rinig na rinig ko ang pagmumura niya mula sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam kung sino ang kaaway niya or kung ano ang ikinagagalit niya. Nabubuang na ata. "Stop doing that Marco, will you?" sabi ko habang nakayuko pa rin, nakatitig sa aking plato at patuloy na kumakain. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng hapag, nag-aagahan. Kanina pa ako 'di mapakali sa aking kinauupuan dahil harap-harapan akong tinititigan ng bastos na Marco na 'to habang nakakalukong nginingisian. Nagpapalipat-lipat pa naman ang mapanuksong tingin din ni Inay sa aming dalawa. Pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan nila ako. Naabutan ko silang dalawa masayang nagtatawanan sa kusina kanina. Hindi ko alam kung anong nakakatawang pinag-uusapan nila. Nag-over think pa tuloy ako na baka ako dahil kaagad din silang tumigil pagkakita sa akin at hindi na umimik pa pagkapasok ko. Nakasunod pa ang mga mata nila sa akin. Na para bang outsider ako at naligaw ng kusinang napasukan hanggang sa makaupo ako sa upuan ko sa harap ng mesa at nagsimulang kumain. Naka pwesto si Inay sa gitnang dulo ng mesa, sa kanan niya si Marco at sa kaliwa naman ako. Ayaw ko sanang sumabay kumain sa kanila pero baka lalong manghinala si Inay sa mga ikinikilos ko. Kahit subrang awkward ng sitwasyon kinaya ko. Sinikap kong magkunwaring parang walang something na nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan pamulahan ng mukha sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa ni Marco. Sabayan pa ng lintik na puso kong sumisirko-sirko na sa loob. "Doing what?" maang-maangan niya pa. "Gawking at me!" sighal ko sa kanya. "Jillian... 'yang boses mo, nasa harapan tayo ng pagkain." sita sa akin ni Inay. "E ito po kasing ampon niyo iniinis ako e." katwiran ko sa kanya. "Tinitingnan ka lang naman ni Marco. Anong masama doon?" "Magkaharap tayo Kamahalan kaya sayo talaga ak--Woah!" bahagyang napaatras pa ang kanyang upuan ng itutok ko sa kanya ang hawak kong tinidor. "'Yan... diyan ka magaling na bwesit ka." nanggigigil na sikmat ko sa kanya. "Ang dami mo ng atraso sa akin na lalaki ka, akala mo lang. Hmmp.. ang sarap mong tusukin." nilapit ko pa lalo sa kanyang mukha ang tinidor na aking hawak ng ngisian niya ako pero hindi man lang siya nasindak sa ginawa ko. He gently laughed. "Bakit inaano ba kita?" "Maang-maangan ka pa--" "Jillian..." tawag ulit sa akin ni Inay. Marahas ko siyang nilingon. "Kinakampihan niyo po kasi lagi ang lalaking 'to kaya namimihasa, lumalaking bastos--" "Hindi ka naman inaano ni Marco ah." sabad niya. I heard Marco's evil smirked. Matalim ko siyang sinulyapan sabay lapag ng hawak kong tinidor sa ibabaw ng aking plato saka nag-walk out. Hindi naman ako mananalo sa kanila. "Jil..!" "Jillian..!" Sabay pang tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin. Malalaking hakbang at nagdadabog akong lumabas ng bahay. Dumeritso ako sa kakahuyan papunta sa burol. Nakitaan ko na nga siya pero bakit parang tuwang-tuwa pa ang budol gang na 'yon? Nagtatakang tanong ko pa sa aking sarili habang binabaybay ang daan papunta sa burol. Hindi kaya sinadya niya 'yon? Pero bakit niya naman ipapakita sa akin 'yong--? Umiling ako sa negatibong pumasok sa aking isip. Imposible. Knowing him, malabong sinadya niya 'yon. Talagang palpak lang ako at hindi man lang kumatok muna ng pintuan. Sugod lang ako ng sugod. Tuloy nakita ko ang dapat 'di makita! Goodness s**t! Dalawang beses kong tinampal ng kamay ko ang aking noo sa tinatakbo ng aking utak saka pinagpatuloy ang aking paglalakad. Ngunit kaagad din akong natigilan ng maramdaman kong parang may nakasunod sa akin. Dahan-dahan akong naglakad saka nakiramdam sa paligid. Hindi ako lumingon sa aking likuran, mata lang ang ginamit ko. Nang makita ko sa peripheral vision kong may nakasunod nga sa akin, binilisan ko na ang paglakad at kaagad nagtago sa likod ng malaking katawan ng punong kahoy pagdating ko sa unahan. Napangiti ako ng marinig kong tumakbo ang lalaki papunta sa gawi ko. Umikot ako sa kabila ng lumampas ito sa pinagtataguan kong punong kahoy saka mabilis ang mga kilos na sinugod ito. Malakas kong tinadyakan ang likod ng kanyang tuhod kaya napaluhod ito sa damuhan. Handa na ang turning kicks ko ng bigla itong lumingon sa akin. "Marco?!" bulalas ko ng makita ko ang mukha niya. Naiwan sa ere ang nakataas kong isang paa. Nang mahimasmasan ako sa gulat kaagad kong hinamig ang sarili at dinaluhan siya. Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat. "S-Sorry... hindi ko alam na ikaw. Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nangasim ang kanyang mukha sabay upo sa damuhan at inunat ang kanyang mga binti. "f**k it Love... ang lakas mo pala sumipa." sabi niya habang hinihimas ang likod ng kanyang tuhod. "Pakiramdam ko parang nabali yata 'yong buto ko." My lips stretched at what he said. Lumuhod ako sa harapan niya sabay hawak sa binti niyang sinipa ko kanina. "Patingin nga." sabi ko saka sinipat iyon at marahan na menasahe. "Masakit pa ba?" sabi ko. Nang hindi siya umimik kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Natigilan pa ako ng salubungin ako ng seryosong mukha ni Marco at matiim na nakatitig sa akin. Naghinang ang mga mata naming dalawa. Ilang minuto namayani ang katahimikan. Tanging ang malakas na kalabog ng dibdib ko habang nakatitig sa isa't isa ang naririnig kong ingay na nangingibabaw sa huni ng mga ibon at pagaspas ng dahon ng mga puno dahil sa hangin. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na kamay ni Marco na humawak sa aking kamay. Kaagad akong napatingin doon. Napasunod ang aking mga mata ng dalhin niya iyon sa kanyang mga labi at mabining hinahalikan. "I don't believe in courtship Jillian. It's just a waste of time. If I love a girl, I'll tell her right away. But for you I'll make an exception. Just love me now and I will court you forever." madamdaming sabi niya habang nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin. "Eh?" tanging nasambit ko. He chuckled. "Mahal kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "M-Mahal mo ako?" ulit ko. "Hindi ba obvious?" Kaagad kong binawi ang kamay kong hawak niya. "Hindi." umiling pa ako. "Ni hindi mo nga ginawa 'yong panliligaw na sinasabi mo." nakairap kong sabi sa kanya sabay tayo. "Pinapainit 'yong ulo ko pwede pa. Araw-araw mo ngang ginagawa 'yon e." Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo siya saka pinagpag ang kanyang pang-upo. Napatingala ako sa kanya. "Honestly, aside from sending flowers and chocolates, I don't know how to court a girl." nakatawang sabi niya saka nilapit ang mukha sa akin. Hinawakan pa ng kamay ang aking baba. "Pero para sayo gagawin ko ang lahat maging akin ka lang." Bumuka ang aking mga labi pero walang anumang salitang lumabas doon. Bigla akong na-mental block sa mga pinagsasasabi niya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or ginu-good time niya lang ako. But damn... parang gusto kong kiligin kung totoong mahal niya nga ako. Hanggang sa namalayan ko na lang na magkahinang na ang mga labi naming dalawa ni Marco. Giving me a gentle kiss, almost a feathery kiss. Nananantiya kung papalag ba ako o hindi. Para niya akong tinatakam. Naitulos ako sa aking kinatatayuan at hinayaan lang siya sa kanyang ginagawa. Dumoble pa lalo ang lakas at bilis ng paghampas ng dibdib ko. Wala sa sariling napahawak ako bigla sa kanyang damit ng maramdaman kong parang nanghihina ang aking mga tuhod sa ginagawa niya. I didn't protest when his arm encircled around my waist and pulled me even closer toward his body. Then using his other arm, he grab my nape and deepened the kiss. I can already felt his tongue swirling inside my mouth. Makes my knees even more weaker. I closed my eyes with the sweet sensation engulfed my whole body then kissed him back. "Mmmmm." our moaned muffled inside our mouth while passionately kissing each other. Lalong lumalim ang paghalik niya sa akin kasabay ng paghigpit ng malabakal niyang braso na nakapulupot sa aking bewang at pagdiin ng katawan ko sa kanya. Then suddenly I felt his hard bulge poking at my belly. Nagulantang ako at kaagad nahimasmasan. Malakas ko siyang naitulak sa kanyang dibdib. Napaatras siya. Ganun din ako. Pareho pang nakabukas ang mga labi naming dalawa. We were both panting while staring at each other. "T-This is not right, Marco." "Alin ang hindi tama?" Umiiling na napahawak ako sa aking ulo. "Umuwi ka na lang." sabi ko sabay hakbang. Nilampasan ko siya pero kaagad niya rin napigilan ang aking braso. "Saan ka pupunta?" "Dito lang." tipid kong sagot sa kanya sabay bawi ng braso ko pero hindi niya iyon pinakawalan. Muli ko iyon hinatak pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya doon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mag-usap tayo, Jillian." "Wala tayong dapat na pag-usapan." sabi ko sabay piksi ng aking braso pero nasaktan lamang ako sa ginawa ko. "Bitiwan mo na ako Marco, please." "Si Kevin ba ang dahilan kaya umiiwas ka sa akin?" Natigilan ako sa tono ng boses niya at uri ng titig niya sa akin. Nagtatagis ang kanyang mga bagang. Galit na galit na hindi ko mawari. Nakita ko ring umigting ang mga ugat sa kanyang leeg. "Aw--Marco nasasaktan ako!" hiyaw ko ng maramdaman kong parang bakal na iniipit ang braso ko sa subrang higpit na hawak niya. Parang napapasong nabitawan niya naman iyon kaagad. "Haist..." naluluhang hinimas ko iyon. Namumula at mahapdi. Bumakat ang apat niyang daliri sa balat ko. "Umuwi ka na. 'Wag ka ng susunod sa ak--" "I'm sorry." sabad niya sabay abot sa akin pero umiwas ako sa kanya. "Hindi ko sinasadya, Jillian. Sorry." Tiningnan ko lang siya saka tinalikuran. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam at hindi ako sigurado kong pag-ibig nga itong nararamdaman ko. Pero sa tuwing nakikita ko silang masayang magkasama nina Cheena at Blessie ay kumikirot ang dibdib ko. Naiinis ako at subra-subra ang galit na nararamdaman ko. Ganun ba ang pakiramdam ng nagseselos na sinasabi ni Inay? Kung oo, e 'di nagseselos nga ako at mahal ko si Marco. So what now? Anong mangyayari sa amin? Pa'no kung mangyari din sa akin 'yong nangyari kay Inay? Mariin akong pumikit sa kirot na biglang humiwa sa aking puso. Na para bang kahapon lang nangyari ang panlolokong ginawa ni Itay sa amin. Hindi pwede. Kailangan ko siyang iwasan dahil kung hindi... delikado ang lagay ko sa kanya. Baka magsisi rin ako sa huli kung makikinig ako sa sigaw ng puso kong parang nababaliw na sa kanya. Tuliro ang aking utak na naglakad papunta sa burol. Malayo-layo na ang nilakad ko ng lingunin ko si Marco. Kaagad akong napahinto sa paghakbang ng makita kong nakasunod pa rin siya sa akin. "Diba sinabi kong umuwi ka na?" nakapamewang kong sabi sa kanya. He sighed. "Hindi ako uuwi hanggat hindi kita kasama." "May pupuntahan nga ako." "'Di sasamahan kita sa pupuntahan mo." "Hindi nga pwede. Bakit ba ang kulit mo?" "Bakit ba ang sungit mo?" I rolled my eyes then sighed. "You're unbelievable." He smiled. "You're beautiful." Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "You know what, you're annoying!" "You look even more beautiful when you get angry." "Pwede ba Marco..." naiinis ko ng sabi sa kanya sabay turo ng daan pabalik sa bahay. "...umuwi ka na. Ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo." "Kaya pala tadtad 'yong mukha ko sa dingding ng kwarto mo." "Hindi ikaw 'yon!" napipikang singhal ko sa kanya. "Pilingero ka talagang budol gang ka." Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Umusok ang ilong ko sa subrang inis sa kanya ng halos umalog pa ang kanyang mga balikat kakatawa. Inilang hakbang ko lang siya saka pinagtutulak pauwi. Nakatawang umatras naman siya kada tulak ko sa kanya. "Sinundan mo pa talaga ako dito para inisin ako ha!" singhal ko sa kanya. Tawa lang siya ng tawa. Ang sarap sa pandinig ko ang tunog ng tawa niya pero mas pinagana ko ang aking utak. Kaagad ko siyang tinalikuran at kumaripas ng takbo. Dumaan ako sa kabilang daan. Huli na ng ma-realized ko na doon ko pala nilagay ang patibong ko sa mga lalaking nagtatago dito sa kakahuyan para manmanan kami ni Inay. "Aaaaaaah!" malakas na sigaw ko ng bigla akong lumutang sa ere ng patiwarik. Nakatali ang aking dalawang paa. Hindi ako magkandaugaga sa paghabol sa maluwang na damit kong tuluyan ng nahubad sa aking katawan. Nahawakan ko pa ang dulo no'n pero umalpas pa rin iyon sa kamay ko. Tanging maikli na maong shorts at itim na bra na lang ang suot ko. Darn! I felt hopeless and ashamed in front of Marco almost naked. "Jillian!" "Tulungan mo ako! Ibaba mo ako dito!" sigaw ko pero parang tangang nakatingala lang siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga. Mariin akong napapikit ng makaramdam ako ng hilo saka muli siyang sinigawan. "Marco!" Kaagad naman siyang nahimasmasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Kung sa ibang sitwasyon matatawa ako sa itsura niya pero sa ganitong kalagayan ko mas nakakatawa ang itsura ko kaysa sa kanya. "Sino bang hinahanap mo?! Tulungan mo akong makababa dito!" "Pa'no ka napunta diyan?!" "Malamang naapakan ko 'yong patibong!" "Patibong? Sino ba ang gumawa ng patibong?!" "Ako--" Malakas na naman siyang napahalakhak. "Isa, Marco! Tatamaan ka talaga sa akin!" "Gumawa ka pang patibong kung sarili mo lang din naman ang huhulihin mo." "T'ngina ka! Bilisan mo na!" He grinned. "Uuwi na ako. Bye." sabi niya sabay talikod. Ano? Bigla akong nag-panic nang maglakad nga siya pauwi. "Bwesit ka Marco!" "Yes I am!" "Marco ano ba, 'wag mo akong iwan dito!" "Bahala ka diyan! Ginawa mo 'yan kaya alam mo kung pa'no ka makakababa diyan!" "Seryoso ka?! Huminto siya sa paghakbang saka nilingon ako. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Help me please, Marco." nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Umiling siya. "Ayoko nga." sabi niya saka muli akong tinalikuran. "Marco ano ba?!" sigaw ko pero nagbingi-bingihan ang hinayupak. "Marco! Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo man lang ako tulungan? Iiwan mo pa talaga ako ditong nakabitin." He was halted and walked back. "Anong gagawin ko para maibaba kita diyan?" Nakangiting tinuro ko sa kanya ang dulo ng baging na tinali ko sa katawan ng punong kahoy. "Putulin mo 'yon--Ay hindi, kalasin mo 'yong tali." Tiningnan niya lang ang tinuro ko saka muli akong tiningala. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Dalian mo na!" "Kakalasin ko lang 'yon sa isang kondisyon?" My jaw dropped. "My goodness Marco... may nalalaman ka pa talagang kondisyon!" "Ayaw mo?" sabi niya sabay talikod. "E 'di wag--" "Oo na! Ano ba 'yon?!" Nakakabwesit siyang ngumisi. "Isasama mo ako kung saan ka pupunta." "'Yun lang?" "Bakit kung hihilingin ko bang pakasalan mo ako papayag ka ba?" "Hindi! Okey na 'yong una." he laughed. "Dalian mo na!" Umiiling siyang tumalima. Naglakad papunta sa tinuro kong puno at kinalas ang nakataling baging. "Ang higpit ng pagkakatali. Hindi ko kayang kalasin." wika niya. "Uuwi muna ako, kukuha ng itak--" "Meron diyan nakasuksok sa gilid ng ugat ng puno!" Nagpalinga-linga siya. Hinanap ang itak na sinasabi ko. Nang makita niya iyon kaagad niyang kinuha iyon at mariin pang tinitigan. "Sandali lang!" sigaw ko ng akmang iitakin niya na ang baging. Naiwan sa ere ang kanyang kamay na may hawak na itak sabay lingon sa akin. "Babagsak ako sa damuhan kapag pinutol mo 'yan!" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa damuhan na babagsakan ko saka muling hinarap ang baging. Walang pakundangan na hinampas iyon ng itak. Malakas akong napasigaw ng maputol iyon kaagad. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD