Chapter 34

2500 Words
JILLIAN Hinanda ko na ang sarili ko sa sakit na maaari kong maramdaman oras na bumagsak ako sa damuhan pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi iyon nangyari. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata ng maramdaman kong nakalutang pa rin ako sa ere. Tiningnan ko si Marco. Nakangisi siya sa akin habang mahigpit na hawak ang baging. Naglakad siya palapit sa pwesto ko na hindi pinuputol ang titig sa akin. Nakasunod lang sa kanya ang aking mga mata hanggang sa huminto siya mismo sa lugar kung saan ako babagsak. "Marco--Aaaaaaaaaaaaaah!" tili ko ng bigla niya na lang iyong binitawan. Mabilis akong bumulusok pababa. Halos takasan ako ng hininga sa ginawa niya. "Gotcha!" narinig kong sabi niya ng lumanding ako mismo sa kanyang mga bisig. Adrenaline rush on my whole body. Trembling and scared. Ilang minuto akong nanatiling mariin na nakapikit nang maramdaman ko ang kanyang mainit na mga labing dumampi sa aking noo. I slowly opened my eyes. Nag-aalalang mga mata pero nakangiting mukha ni Marco ang sumalubong sa akin. I can literally hear the strong and fast thud of our heart inside our chest while staring at each other intently. Ilang minuto kaming nanatili sa ganung posisyon. Him, standing still while carrying me in a bridal style. Walang nagsalita. Wala din may gustong magbawi ng tingin. Animo'y na-star struck kami sa isa't isa at parang ngayon lang muling nagkita. Looking at his damn brown eyes brought me back again from the past, in SM, the first time I laid my eyes on him. And still has the same effect on me! This is insane but damn... I can't take off my eyes on him! "Don't stare me like that, Jil... I might lose my sanity and force you to be mine..." What did he mean by that? Napakurap-kurap ako sabay suntok sa kanyang dibdib. "Walanghiya ka. Balak mo pa talaga akong iwan kanina." He laughed. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'yon sayo?" "Aba malay ko. Baliw ka pa naman." "Yeah, baliw na baliw sayo." ngumiti siya ng matigilan ako. "You even look sexy while hanging up there..." nakatawang sabi niya. "...but you scared the hell out of me." at mahigpit akong niyakap. "I thought someone... shit." Ang matigas niyang braso nakapulupot sa ilalim ng aking leeg at ang isa naman ay sa ilalim ng aking mga hita. Nagmistula akong isang bata sa ibabaw ng kanyang mga bisig. And it felt like he's squeezing me the way he hugged me and I kinda loved it. Tumatagos sa aking mga balat ang init ng kanyang katawan. "I can't breath anymore, Marco." sabi ko ng humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin. He chuckled. "Sorry... I just can't help it." "Ibaba mo na ako." sabi ko saka ginalaw ang aking mga paa para makababa pero nakatali pa pala iyon ng baging. Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Pakibaba ako dun." turo ko sa kanya sa patag na damuhan pero hindi ito gumalaw. Tiningala ko siya. Kaagad nangunot ang aking noo ng makita kong nakatitig siya sa aking dibdib. "Really, Marco?!" He blinked his eyes twice. "What?" nakatawang sabi niya. "Sabi kong ibaba mo ako dun..." sabi ko habang nakaturo ang kamay sa patag na damuhan. "...hindi 'yong tinititigan mo pa ang dibdib ko. Bastos ka talaga kahit kailan e no." He laughed wholeheartedly. "Why? The view is breathtakingly beautiful. I just can't take off my eyes on it. In fact I've seen it before without... your... bra's... on." he's voice faded little by little while saying those words. Wala sa sariling napatingin ako sa aking dibdib. Ganun na lamang ang gulat ko ng makita kong naka bra at maikling shorts lang pala ako. Damn, bakit ko ba nakalimutan na natanggal pala yung suot kong bestida kanina?! Sukat doon nagpumiglas ako para makababa pero pinagtawanan niya lang ako. Pinagsusuntok ko siya sa kanyang dibdib. "Anak ka talaga ng tinapa, Marco! Ibaba mo na ako!" "Bakit ba lagi ka na lang nakasigaw sa akin, Love?" "Put me down..." "Oo na..." nakatawang sabi niya sabay hakbang. Kaagad nanlaki ang mga mata ko ng gumiwang siya. "Oh shit...!" he hissed. "Aaaah!" tili ko. Then in split secods we both fall down. Gumulong kaming dalawa pababa. Tatlong beses ata kaming nagkapalitan ng posisyon habang gumugulong hanggang sa huminto kami sa patag na damuhan. Nakatihaya siya. Ako naman nakasubsob sa ibabaw ng kanyang dibdib. Kaagad akong bumangon saka nilingon siya. "Oh f**k!" bulalas niya habang nakangangang nakatingin sa paanan niya. Marahas akong napalingon sa kanyang tinitingnan at nagpalinga-linga sa paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba. "Ji-Jillian..." nahihirapang wika niya. Kaagad akong napabaling ulit sa kanya. Nangunot pa ang aking noo ng makita ko ang kanyang itsura. Bahagya siyang bumangon. "Jillian, 'yang kamay mo--f**k!" Anong kamay...? Naguguluhan ko pang tanong sa aking isip sabay tingin sa kamay ko pero ganun na lamang ang gulat ko ng makita kong nakatukod iyon sa kanyang baba! Halos lumuwa ang aking mga mata na napatitig doon. PUTANGINAaaaa! Parang napapasong kaagad kong inalis ang kaliwang kamay ko doon. Nakangiwing winagwag ko pa iyon na para bang may bulate akong aksidenteng nahawakan. Saka inis na nilingon si Marco. "Walanghiya ka! Bwesit ka!" naiiyak na pinaghahampas ko siya ng aking mga kamay sa kanyang dibdib at mukha. "Pinakita mo na nga 'yan sa akin tapos ngayon pinahawakan mo pa talaga! Manyak ka! Bastos! Bastos! Bastos!" "Anong pinakita ko sayo?" parang tangang tanong niya pa sa akin habang sinasangga ang mga hampas ko. Lalo akong nabwesit at nilakasan pa lalo ang paghampas ko ng kamay sa kanya. "Hey, Jillian! Stop it..." "Bwesit kang bastos ka! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Hinuli niya ang mga kamay kong walang tigil sa paghampas sa kanya. Kaagad akong umiwas ng tingin ng titigan niya ako. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi sa subra-subrang hiyang naramdaman sa kapalpakan na nagawa ko na naman ngayon. Bakit ba kasi doon pa lumanding ang kamay ko?! Bumangon siya saka naupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang mukha ko at binaling sa kanya. Nagmatigas ako at yumuko ngunit malakas siya at hawak ng kamay niya ang dalawa kong kamay kaya wala akong choice ng mahigpit niya iyong binaling muli paharap sa kanya. Hindi ko siya tiningnan sa kanyang mga mata. Binitawan niya ang kamay ko saka sinapo ng dalawa niyang kamay ang aking mukha at marahan iyon hinaplos ng kanyang mga hinlalaki. "I'm sorry... hindi ko sinasadya ang nangyari. Naapakan ko 'yon..." nilingon niya ang kinatatayuan namin kanina bago gumulong dito pababa. Nakasunod din ang aking mga mata doon. May nakita akong 'di kalakihan na niyog doon. "...kaya nawalan ako ng balanse." huminga siyang malalim at mariin na kinagat ang kanyang ibabang labi. "And... no worry, it will be yours soon." he said and wink at me. Tigagal na napatingala ako sa kanya ng tumayo siya at naglakad papunta sa taas. Dinampot niya ang bestida ko doon saka humakbang muli. Tinungo niya ang malaking punong kahoy na pinagtalian ko ng baging. Kinuha niya ang itak saka muling humakbang pabalik sa akin. Natitigilang napatitig ako sa kanya ng isuot niya sa akin ang bestida. Makahulugan niya akong nginisian. Pagkatapos lumapit siya sa aking mga paa at dahan-dahan na pinutol ang baging. Tahimik na nakasunod lang sa bawat galaw niya ang aking mga mata. Marahan niya iyon hinaplos at sinipat ng matanggal na ang baging na nakatali sa aking mga paa. Muli niya akong nilapitan saka maingat na itinayo. "I have a remedy for aftershock, Love." sabi niya saka sinakop ang aking mga labi. Mabilis lang iyon pero pakiramdam ko naalog ang aking utak. Pinagtawanan niya ako sa aking naging reaksyon kaya kaagad ko siyang nilayasan. Naglakad ako papunta sa burol. Tumatawang hinabol niya naman ako sabay akbay. Malakas ko siyang siniko sa kanyang tiyan. "Argh!" daing niya habang sapo iyon ng isa niyang kamay. "Ang tulis ng siko mo, Love." Muli ko siyang siniko pero na sangga niya na iyon. Uulitin ko sana pero hinatak niya ako palapit sa kanyang katawan at pinanggigilan. Para na akong sinasakal ng kanan niyang braso na nakaakbay sa akin. "Ano ba Marco..." "Saan ba tayo pupunta Kamahalan?" "Basta..." "Saan nga?" "'Wag ka ng magtanong. Sumunod ka na lang." "Hindi ka ba natatakot--WOW!" bulalas niya paglabas namin sa kakahuyan. Bahagya rin lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin pagbungad pa lang namin sa burol. "What is this place?" Napangiti ako ng makita ko ang kanyang hindi makapaniwala at manghang-manghang reaksyon ng lingunin ko siya. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. "Did you like it?" nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Tiningnan niya lang ako saka humakbang palapit sa puno ng Oak. Sumunod ako sa kanya. "What? Speechless?" Nilingon niya ako. "How... What is this place?" "Welcome to my secret haven." nakadipa pa ang mga kamay na sabi ko sa kanya saka naupo sa damuhan. Tumingin ako sa malayo. "Dito ako pumupunta sa tuwing hindi mo ako mahagilap sa bahay." "Wow... kaya pala hindi kita mahanap." naupo siya sa tabi ko. Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita. "I love this place. It looks like paradise in my eyes." Nilingon ko siya. Nagulat pa ako ng makita kong nakatitig siya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin. I chuckled. "Have you... never seen any place like this?" "I've seen a lot... I mean this one is different. Mahilig akong mag-camping kaya marami at iba't ibang lugar ang napuntahan ko na at nakita but this one is exceptional." Napabaling ako sa kanya. "Exceptional?" nakangiting tumango siya sa akin. I frowned. "Bakit naman exceptional?" "Because... you're here." Sinimangutan ko siya. "Umariba ka na naman." "I'm serious." sabi niya saka ginagap ang aking palad. Napatingin ako sa kanya ng ilagay niya iyon sa tapat ng kanyang dibdib. Nagpalipat-lipat pa ang aking mga mata doon at sa kanyang mukha. "Did you feel it?" "F-Feel what?" Hinatak niya ako palapit sa kanya. Kaagad akong napakapit sa kanyang damit sa subrang gulat. Tinapat niya ang aking tainga sa kanyang dibdib. "There... did you hear it?" Nakatawang hinampas ko ng aking kamay ang kanyang dibdib. "Kahit kailan talaga--" "Naririnig mo ba?" sabad niya. "Anong naririnig?" "Na ikaw ang tinitibok ng puso ko." "Eh?" "Hindi mo ba naririnig?" Bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib saka nag-angat ng tingin sa kanya. Sinalubong ako ng mapanghipnotismo at malamlam niyang mga mata. Wala sa sariling napalunok ako. "M-Marco..." Kinuha niya ang aking mga kamay ay marahan iyong hinalikan while staring at me intently. "I fell in love with a wrong girl before. After that... I lost interest to any woman. I was in a process of moving on when I met you. Inis na inis ako no'n sayo, kumukulo ang dugo ko but still hindi ko maintindihan ang sarili ko why I can't get you off in my mind. Hindi ko alam kung bakit but there is something in your eyes that really catch my attention. And now I understand why..." "What... What do you mean?" "It's because of your father." "Anong tungkol sa kanya?" "You may be tough outside but then again you're broke inside." Tumawa ako sabay iwas ng tingin sa kanya pero kaagad iyon inagapan ng isa niyang kamay at muling binaling sa kanya ang aking mukha. "Hindi lahat ng lalaki kagaya ng Tatay mo, Jillian." Umayos ako ng upo saka muling tumingin sa malayo. "Hindi ko alam. Masaya kami noon. Pero simula ng lumuwas siya ng Manila para magtrabaho, para matustusan ang pag-aaral ko sa isang iglap bigla siyang nagbago. Binubugbog niya na si Inay. Although minsan nakikita ko ang awa at pagsisisi sa kanyang mga mata pero iwan... hindi ko alam. Naguguluhan din ako no'ng una. Hanggang sa aksidente ko silang nakita no'ng babae niya sa bayan. Naisip ko baka nagsawa na siya sa hirap ng buhay namin kaya pinagpalit niya kami sa mayamang babaeng 'yon." marahan niyang pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumakas sa aking mga mata. Nilingon ko siya. "Galit na galit ako sa kanya hanggang ngayon, Marco. Galit ako sa mga mayayamang tao. Dinamay ko silang lahat nang dahil sa ginawa niya. Nawalan ako ng tiwala. Nang dahil sa lintik na yaman ng babaeng 'yon nasira ang masayang pamilya namin." gumagaralgal ang boses na sabi ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapahikbi ng hatakin niya ako palapit sa kanya. Napasubsob ako sa kanyang dibdib. Hinayaan niya lang akong umiyak habang mahigpit siyang nakayakap sa akin. Paulit-ulit akong hinalikan sa tuktok ng akin ulo. "Everything happen for a reason, Jil. Hindi mo man maintindihan ngayon ang mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo, balang araw malalaman mo rin ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon sayo." Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Thank you so much, Marco." "Para saan?" "For everything..." I paused then smiled at him. "For helping us." He chuckled. "I should be the one who thank you, Jillian. You save my life. Inalagaan mo ako. Tapos pinatuloy niyo pa ako sa bahay niyo. Nagtrabaho ako sa bukid para makatulong at para naman makabawi ako sa lahat ng gastos niyo sa akin. Libre na nga lahat tatambay pa ako. Daig ko pa no'n ang prinsesa." "Bagay naman sayo maging prinsesa." nakatawang sabi ko. "Mas bagay ka sa akin. At ikaw ang nag-iisang prinsesa sa puso ko." "Tsk..." kinalas ko ang kanyang mga brasong nakayakap sa akin. "Wala ka talagang pinapalampas na pagkakataon." sabi ko sabay tayo. Tumayo rin siya. "Seryoso--" "Oo alam ko. Lagi ka naman seryoso." nakatawang sabad ko sa kanya. He laughed then stared the Oak tree. "Gusto mo gawan natin ng tree house diyan sa ibabaw ng puno?" "Bakit marunong ka ba?" "Syempre, ako pa ba?" "Naks, yabang mo." then we both laughed. "'Di nga... May gamit ba kayo sa bahay?" maya-maya tanong niya. "Seryoso ka ba talaga diyan?" "Ano sa tingin mo?" "Sabi ko nga, seryoso ka." nakangiting sabi ko sabay hakbang papunta sa kakahuyan pero kaagad niyang hinatak ang braso ko. Napabalik ako sa harapan niya. "Saan ka pupunta?" "Kukuha ng gagamitin natin sa paggawa ng tree house." "Ako na lang ang kukuha." "Bakit alam mo ba kung saan nakalagay 'yong mga gamit?" "Hindi pero magtatanong ako kay Nay Julie." "Iistorbohin mo pa talaga si Inay. Pwede naman ako--" "Ako na." he insisted. "Tsaka namumula 'yang mata mo. Baka isipin no'n pinaiyak kita." "Hindi nga ba?" "Shit..." he cursed then abruptly claimed my lips. "...you pissed me off, alam mo ba 'yon?" sabi niya at muli akong hinalikan. Paulit-ulit. Halos hindi na ako makahinga. Ni hindi ako makapagsalita. "Fuck... I don't wanna leave you here alone." "Ako na kasi--" he sealed my lips again. "Ako na ang kukuha. Wait for me here okey? I'll be right back." muli niya akong hinalikan bago tumalikod. Malalaking hakbang na tinungo niya ang kakahuyan. Tulalang nakasunod naman ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Wala sa sariling napahawak pa ako sa aking mga labi. What had just happen? ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD