MARCO
Malalaking hakbang na binaybay ko ang daan pabalik sa bahay. Hanggat maaari ayaw kong iwan mag-isa si Jillian o kaya si Nay Julie. Lalo't nalaman ko mismo kay Suarez na hindi ang ama ni Jillian ang nagpapadala ng mga tauhan para bantayan silang mag-ina, kundi ang ama ni Kevin. Si Mayor Leandro Sarmiento. Isa sa mga protektor ni Mr. Chua at nagha-hunting ngayon kay Julius Montecellio, her father na na-framed up and was accused as a murderer sa pagkamatay ng asawa ni Mayor Sarmiento.
Sa tingin ko clueless ang mag-ina at lahat ng tao dito. Pati sa bayan wala rin akong marinig na balita about sa kaso ng ama ni Jillian. Wild guess, Mayor Sarmiento did it discreetly. And I'm sure he's going to claim the justice of the death of his wife he's aching to have through his bare hands. And that's scared the hell out of me... for my Jillian and Nay Julie.
"Suarez?" gulat na bulalas ko ng mabungaran ko siyang nakatayo sa tabi ng malaking puno na pinagtaguan kanina ni Jillian ng sundan ko siya. "Bakit nandito ka? Diba sinabi ko na sayong 'wag ka ng bumalik pa dito? Gusto mo bang matuluyan? May mga patibong na nilagay dito sa kakahuyan si Jillian."
He cleared his throat. "Gusto kang makausap ng pinsan mo--"
"Diba sinabi kong pag-uwi ko na lang?" sabad ko sa kanya. "Nanganganib ang buhay ngayon ng mag-ina. Hindi ko sila pwedeng iwan."
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoong identity mo ng madala mo siya pabalik ng Manila?
"Nababaliw ka na ba?!" singhal ko sa kanya. "Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo kung sino ako baka mas lalong lumayo siya sa akin."
He released a pissed groaned. "Magkita daw kayo sa susunod na linggo sa bayan kung hindi susugod 'yon dito."
"Bakit ba atat na atat ang gagong 'yon na makita ako?"
"May importante siyang gustong sabihin sayo."
"Bakit ba ayaw mo pang sabihin sa akin kung ano 'yon at kailangan niya pang sadyain ako ng personal?"
"Siya na lang ang kausapin mo tungkol diyan." sabi niya saka ako tinalikuran. Nakatatlong hakbang pa lang siya ng muli niya akong lingunin. "Siya nga pala, pakisabi sa girlfriend mo salamat sa suntok niya. Nakapagpahinga ako ng two weeks." he grinned. "Oh well..." nagpalinga-linga siya. "..where is she pala? Parang gusto kong magpabugbog ulit sa kanya para tigilan muna ako sa kakakulit ng pinsan mong si Wayne. Nauubusan na akong palusot e. Sumasakit ang ulo ko sa inyong anim."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Lumayas ka na at baka ako ang mag bugbog sayo diyan. Habambuhay ka ng mamahinga."
Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. "Naks, possessive yaaarn?" umiiling na sabi niya. "Anyways, Kevin is in Manila. May hina-hunting siyang policewoman ngayon."
"Policewoman?"
"You heard me. Sige alis na ak--"
"Sinong policewoman?" sabad ko sa kanya.
"Anak ni Serafin Lopez."
"Si Cristal?"
"Yeah."
"Alam ba ni Keith?"
"Yep."
I heaved out a deep sighs. "Double the security here. At mag-iingat kayo dito sa gubat--"
"We're all well trained. Hindi mo na kami kailangan pang paalalahanan tungkol diyan."
"Well trained." I scoffed. "Kaya pala dugo-dugo 'yang mukha mo dati kay Jillian dahil well trained ka."
He laughed again. "Well I was shocked when I accidentally saw you here sleeping under the tree. Ang tagal kitang hinanap. Halos hindi nga kita makilala e. Tapos na star struck pa ako sa ganda--"
"f**k off!" singhal ko sa kanya sabay turo sa daan. "Leave... and make sure na na-briefing mo 'yong mga bantay. Huwag kayong magkakamaling magpakita ni gahibla ng anino niyo kundi yari kayo kay Jillian. Maliwanag?"
"Sus, isang beses lang ako nagkamali akala mo naman subrang hina ko na para pangaralan mo."
"Whatever... lumayas ka na at baka sumunod pa 'yon dito makita ka pa."
Nakataas pa ang isang kilay na tiningnan niya ako ng makahulugan bago siya tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Malalim akong napabuntong hininga ng mawala siya sa aking paningin saka humakbang pauwi sa bahay.
It's been a couple of months simula ng matagpuan ako dito ni Suarez, my cousin Wayne private investigator pero si Keith ang nag-utos sa kanya na hanapin ako. Kinasabwat ko siya na 'wag muna sabihin kahit kanino sa mga kapamilya ko, lalo na sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. Ang kaso araw-araw na lang akong pinipeste. At ang malala nadulas pa sa pinsan ko at nasabi kung nasaan ako matapos siyang utusan na hanapin ako. Tuloy namomroblema ako ngayon kung pa'no ako pupunta sa bayan na hindi malalaman ni Jillian. Natatakot ako na baka sundan niya ako. Malakas pa naman makiramdam ang babaeng 'yon. Tapos dumagdag pa si Kevin. Hindi ko akalain na kilala ako ng hinayupak na 'yon.
He even had a guts to blackmailed me!
Wala akong magawa dahil nakasalalay dito ang puso ko. Kaya todo ako bantay sa kanya baka bigla niya na lang sabihin kay Jillian ang sekreto ko. Buti na lang at nasa Manila na ang kumag na 'yon. May oras pa ako para masabi ko ang totoo at masolo si Jillian.
Though I told Nay Julie and Tay Pio about my real identity already, still natatakot pa rin akong mabunyag iyon lalo't sinabi niyang galit siya sa mga mayayamang tao, sinungaling, manloloko. Just like his dad. And I'm one of those. Pero hindi naman ako manloloko at never ko siyang lulukuhin. But still I lied to her!
Napahilot ako sa aking sentido ng kumirot iyon. Hanggang ngayon walang magandang paraan na pumapasok sa aking utak para mapapayag ko si Jillian na sumama sa akin. Hindi rin siya naniniwalang mahal ko siya. Tapos lagi pa siyang galit sa akin. It feels like I'm taming a dragon.
What am I supposed to do now? A white lies is not that bad, right? Pero maintindihan niya kaya ako?
Wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga kamao.
Damn... she's my life now and I can't afford to lose her!
"Ano bang gagawin mo sa mga 'to?" nagtatakang tanong sa akin ni Nay Julie habang inaabot sa akin ang isang bag na puno ng gamit. Mga pako, lagare, martilyo, metro at iba pa. "Malaki naman na 'tong bahay para gawan mo pa ng ibang bahay si Jillian."
I chuckled. "Gagawan po namin ng tree house 'yong malaking puno ng Oak sa burol."
"Burol?"
"Opo, dun po sa unahan ng kakahuyan."
Tumango-tango siya. "Sino nakahanap ng burol na 'yon?"
"Si Jillian po. Dinala niya ako kanina lang."
"Ah... ganun ba... sandali lang." sabi niya saka bumalik sa kusina. Nanatili akong nakatayo sa sala habang hinihintay siya. Ilang minuto lang siyang nawala at muling lumabas ng kusina. Pumunta siya sa kwarto ni Jillian saka muling lumapit sa akin. "Ito dalhin mo pabalik doon." inabot niya sa akin ang isang malaking eco-bag. "Siya nga pala nagpadagdag ka bang tauhan? Sabi ni Pio parang dumami 'yon lalaking nakita niya kagabi."
"Yes po. Para po 'yon sa proteksyon nating lahat."
"Salamat Marco."
"Walang anuman po. Sige po mauna na ako. Mag-isa lang po kasi doon si Jillian."
She smiled. "'Yung burol secret haven 'yon dati ng mga magulang ni Julius. 'Yung puno ng Oak ang alaala ko sa kanila." sabi niya saka hinawakan ang braso ko. "May tiwala ako sayo Marco. Alam kong safe sayo ang anak ko at maaalagaan mo siya."
"Gaya po ng sabi ko sainyo Nay, mahal ko po si Jillian. Gusto ko siyang pakasalan kaso hindi ko akalain na napakatigas po pala ng ulo niya."
She laughed. "Intindihin mo na lang siya. Alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa. Kaya 'wag na 'wag mo siyang susukuan." sabi niya sabay lingon sa kwarto ni Jillian saka muli akong tiningnan. "Masyado lang 'yon na-trauma sa ginawa sa amin ni Julius pero malakas ang kutob ko na may malaking dahilan ang Itay niya kaya nagawa niya 'yon."
"'Wag niyo na pong alalahanin pa ang tungkol diyan Nay. Ako na pong bahala."
Marahan niyang pinisil ang braso ko then smiled at me again. "Sige na, puntahan mo na siya. Kung kukuha pala kayong kawayan doon kayo sa ibaba lang ng burol huwag do'n sa gilid ng sapa ah."
Tumango ako. "Sige po."
Muli akong naglakad pabalik sa burol. Ilang minuto rin ang tinagal ko bago ako nakarating doon.
Kaagad kong hinanap si Jillian. Kinabahan pa ako ng hindi ko siya makita ng igala ko ang aking paningin sa buong paligid. Hanggang sa makita ko ang nililipad na dulo ng kanyang bestida sa likod ng malaking katawan ng puno ng Oak. Nakangiting humakbang ako palapit sa kanya. Balak ko pa sanang gulatin siya ng mapansin kong parang natutulog siya. Dahan-dahan kong nilapag ang mga bitbit ko sa damuhan at lumuhod sa tabi niya.
Natutulog nga ang prinsesa ko.
Nakangiting sambit ko pa sa aking isip ng matitigan ko ang payapa niyang mukha. Bahagya pang nakabukas ang kanyang mapupulang mga labi. Napalunok ako.
Ilang minuto kong pinagsawa ang aking mga mata sa pagtitig sa maamo niyang mukha. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang sarili kong haplusin ang kanyang pisngi at siilin ng halik ang nakaawang niyang mga labi. Napangiti ako ng bigla siyang dumilat. Marahas niyang hinawakan ang aking mukha at inilayo sa kanya.
"Marco..?" gulat na bulalas niya.
I smiled. "Yes my love?"
"K-Kanina ka pa ba?"
"Kararating ko lang." sabi ko saka muling nilapit ang aking mukha sa kanya pero pinigilan niya iyon. "Why..?"
She frowned. "Anong why? Bakit ka ba halik ng halik?"
"Why...? Don't you like my kiss anymore?"
Pabalang niyang binitawan ang mukha ko sabay tayo.
"Anong akala mo nagustuhan ko ang halik mo?"
I chuckled. "Hindi ba?" tumayo ako saka isinandig siya sa katawan ng puno.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Dala mo na ba 'yong kakailanganin natin?"
"Ikaw lang ang kailangan ko."
Malakas akong napahagalpak ng tawa ng tampalin niya ng kanyang kamay ang aking noo.
"'Yang utak mo kinalawang na. Nasubrahan ka ata sa gamot ni Tay Pio kaya kung ano-ano ang tumatakbo diyan sa utak mo."
"Ikaw lang ang tanging tumatakbo dito sa utak ko, my Jillian." sabi ko habang nakaturo pa ang isang daliri sa aking sentido.
Naiinis na napakamot siya sa kanyang leeg sabay tulak sa akin.
"Simulan mo na nga 'yong paggawa ng tree house. Hindi 'yong--"
I sealed her lips again. "Lucky charm." I grinned then wink at her.
Tinalikuran ko siya saka kinuha ang itak na nakita kong nakasuksok sa gilid ng katawan ng puno. Pagkatapos muli ko siyang binalingan. Napangiti ako ng makita kong nakatulala siyang nakatitig sa akin. Nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan.
"You want an aftershock kiss?"
Biglang nalukot ang kanyang mukha sa sinabi ko sabay abot ng tsinelas sa kanyang paa. Kaagad niya iyon ibinato sa akin.
"Manyak ka talaga!"
"Pogi naman."
"Tse! Ang pangit mo!"
"No worry Love... I want you as much as you want me too."
"Sino bang may sabi sayong gusto kita?"
"You wanna proof?"
Muli niyang inabot ang isa pang tsinelas sa kanyang paa saka ibinato sa akin.
"I hate you!"
"I love you!"
"Pwede ba, Marco!" naiiyak niya ng sigaw sa akin. "Iwanan talaga kita dito kapag hindi ka nagtino."
"Bakit matino naman ako ah."
"Bahala ka nga diyan sa buhay mo." sabi niya saka malalaking hakbang na nagmartsa papunta sa kakahuyan.
Nakatawang binitiwan ko ang mga hawak ko sabay habol sa kanya. Nang maabutan ko siya, kaagad ko siyang binuhat at niyakap ng mahigpit.
"I love you so much, Joyce Jillian!" sigaw ko habang iniikot siya sa ere.
"Ano ba Marco!" malakas na tili niya. "Kapag nahulog ako patay ka talaga sa'kin!"
Huminto ako saka pinatayo siya sa harapan ko. I encircled my arms around her waist. She gave me a warning looks. I grinned.
"Okey lang na patayin mo ako basta't kasama kita."
"Ano bang nakain mo at high na high ka ata ngayon?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Basta masayang-masaya ko. Pakiramdam ko kasi especial ako diyan sa puso mo dahil dinala mo ako dito sa secret haven mo."
"Ganun?"
Nakangiting tumango ako.
"Special ka nga."
Napamulagat ako sa sinabi n'ya. "Weee 'di nga? Totoo?"
"Oo, special ka talaga sa akin." then she grinned. "Special child."
"FUCK..! Okey na sana e, pinasubrahan mo pa."
Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata na ikinalakas lalo ng tawa niya. Napatitig ako sa kanyang mukha ng halos umalog na ang kanyang mga balikat kakatawa sa akin. Na-amused ako. Pakiramdam ko parang may biglang mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa na ganito kalakas.
Maya-maya huminto siya sa pagtawa ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"What...?"
"Nothing.." niyakap ko siya ng mahigpit at ginawaran ng madiin ng halik sa kanyang noo. "Masaya ako na makita kang masaya."
Natigilan pa siya sa sinabi ko.
"Lets go?"
Tumango siya.
"Saan pala 'yong sinasabi ni Nay Julie na kawayan, nasa baba daw ng burol?"
"Sure ka bang kaya mo?"
I pinch her nose. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Meron pero..."
"Wala ng pero pero... basta sinabi kong kaya ko, kaya ko hmmm." sabi ko saka hinawakan siya sa palapulsuhan niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Saan ba banda 'yon?"
"Doon lang sa baba." napatingin ako sa kabilang daan na tinuro niya. "Sure ka ba talaga--"
"Oo nga, ang kulit." sabad ko sabay hatak sa kanya. Naglakad ako papunta sa daan na tinuro niya. Nagulat pa ako ng pagdungaw ko sa baba subrang dami ngang kawayan. Nilingon ko siya. "Alam mo bang secret haven din daw 'tong burol ng lolo't lola mo."
Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumiti ako saka hinatak siya pababa ng burol.
"Careful..." sabi ko habang inaalalayan siya pababa.
"Sino palang nagsabi sayo na secret haven ng lolo't lola ko itong burol?" tanong niya pagdating namin sa baba.
Kaagad kong nilapitan ang mga kawayan at pumili ng matigas na pwedeng gamitin sa gagawin naming tree house.
"Si Nay Julie." sabi ko pagkaputol ko ng isa at nilagay sa tabi niya ang nilinisan ko ng kawayan.
"Oh..? 'Di nga?"
"Hindi mo alam?"
Umiling siya. "Akala ko... ako lang ang nakakaalam ng lugar na 'to."
"I think may sentimental value ang burol na 'to sa parents mo."
"Pa'no mo naman nasabi?"
"'Yong puno ng Oak, sabi ni Nay Julie, alaala niya daw iyon sa grandparents mo."
Hindi siya umimik sa sinabi ko.
Muli akong bumalik at pumutol pa ng kawayan. Nagpabalik-balik ako doon. Nang makita kong marami-rami na ang nakuha ko, tumigil na ako at muling lumapit sa kanya. Pinunasan niya ng kanyang kamay ang butil-butil na pawis na tumutulo sa aking noo at leeg. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Hindi ka man lang nagdala ng towel."
"You're so sweet. Hubarin mo na lang 'yang damit mo gagawin kong pamunas."
Bigla niyang tinampal ang mukha ko. I laughed.
"Sira ka talaga." sabi niya saka naglakad papunta sa dulo ng kinuha kong mga kawayan. Hinawakan niya iyon. "Tara na. Buhatin na natin 'to."
"Kaya ko naman buhatin ang mga 'yan mag-isa."
"Dalian mo na. 'Wag ka ng magpakitang gilas pa sa akin. Alam kong kaya mo pero tutulungan pa rin kita."
"'Wag na. Dalhin mo na lang 'tong itak."
"Bilisan mo na diyan. Tulungan na nga kita."
Umiling ako. "Come here." pinamewangan niya lang ako. "I said come here!" she rolled her eyes saka nagdadabog na lumapit sa akin. Kinuha ko ang kanyang kamay saka nilagay doon ang itak. "Ako na. Kayo ko na mag-isa. Tsaka ayaw kong mapagod ang prinsesa ko." then give her one swift kiss on her lips.
Binalingan ko ang mga kawayan saka inayos ang mga 'yon. Nilingon ko siya. Lumapad ang aking ngiti ng makita kong maang na nakasunod ang tingin niya sa akin.
She must be very confused why I keep on kissing her. Napangisi ako sa aking isip. Well, I just branded her as mine. Only mine. Alone.
"Mauna ka na do'n sa taas. Susunod ako." untag ko sa kanya.
Walang imik na tiningnan niya ako bago siya naglakad pabalik sa burol.
Ilang minuto rin akong nahirapan sa pagpasan ng pagkahaba-habang kawayan paakyat sa taas. First time kong gawin ang mga bagay na 'to sa buong buhay ko pero kinaya ko. It's quite tough but with Jillian by my side, everything was so easy and worked smoothly.
Pagod na pagod na nilapag ko ang mga kawayan sa damuhan pagdating ko sa ibabaw ng burol saka naupo doon. Lips little bit parted to gasp some air.
Nag-aalalang nilapitan niya ako. Lumuhod siya sa aking harapan saka pinunasan ng towel ang buong mukha ko, pati sa aking leeg at likod.
"'Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo, Marco. May bukas pa naman."
"Bakit ko pa ipagpapabukas kung kaya ko naman gawin ngayon?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Saan mo pala nakuha 'yang towel?"
"Doon sa dala mong eco-bag. May pagkain din doon at tubig. Gusto mo bang kumain muna?"
"Kukuha muna akong mga kahoy na gagamitin ko. Dito ka na lang muna, 'wag ka ng sumama--"
"Sasama ako."
"Sabi ko nga." nakatawang sabi ko sabay tayo. "Tara, kuha na muna tayo bago tayo kumain."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023