JILLIAN
"Akin na nga 'yang kamay mo, patingin ako."
"Wala nga 'to. 'Di naman masakit."
"Sabi ng patingin e!" hinablot ko ang kamay niyang pilit na tinatago sa akin.
"Awww--!"
"O.. akala ko ba 'di masakit?"
Kasalukuyan kaming nasa loob ng tree house na ginawa ni Marco. Ilang araw din ang lumipas bago niya ito nabuo. Masyado siyang dedicated kaya natapos kaagad. Halos gabi na nga kami umuwi sa bahay e. Parang ayaw niyang iwan hanggat 'di natatapos. Ang kaso sugat-sugat naman ang kanyang mga kamay. Makailang ulit pang napukpok ng martilyo ang kanyang daliri. Natamaan pa ng lagare 'yong paa niya. Hindi marunong gumamit no'n, daig ko pa.
Minsan napapaisip ako sa kanya. Iba kasi ang kutob ko sa pagkatao niya. Hindi ko matukoy kung ano pero parang may iba sa kanya. Simula kasi ng gumaling ang kanyang mga sugat at nagsimulang tumulong sa amin, parang wala siyang alam sa mga gawaing pang mahirap. Hindi ko alam kung tambay ba siya or ano. Ayaw naman kasi sabihin sa akin kung ano ang trabaho niya dati bago napadpad dito sa amin. Pero nakikita ko naman na pursigido siyang matuto kaya kalaunan nagiging madali na lang sa kanya ang trabaho sa bukid kaya hinayaan ko na lang din. Hindi naman namin siya inuobliga magtrabaho, siya lang itong mapilit. Akala mo naman wala na kaming makain, kung makatrabaho kasi wagas. Tuloy-tuloy, parang ayaw magpahinga.
Magaling din siya makibagay kaya nakasundo niya lahat ng tao dito sa lugar namin. Sumasama din siya sa pagbabyahe ng mga na-harvest paluwas ng Manila. Binabahagian namin siya sa parte niya pero ayaw niya namang tanggapin. Tulong daw niya iyon sa aming mag-ina. Pero syempre hindi ako pumayag.
Since ayaw niyang kunin ang pera, binibilhan na lang namin siya ng mga pangangailangan niya sa SM. Mga personal niyang gamit, gitara at gamit pang-camping. Sabi niya hilig niya iyon kaya masaya kami ni Inay na bigyan siya ng mga no'n. Although nagalit siya sa akin no'ng una, kalaunan tinanggap niya na rin. Pero pinagsabihan niya ako na 'wag ng ulitin pa. Pinagtawanan na lang namin siya ni Inay. Wala naman siyang magagawa pa kung bilhan namin siya sa ayaw at sa gusto niya dahil sa bahay namin siya nakatira.
"Sumakit lang naman ng hinawakan mo na."
"Ah ganun? Pukpukin ko kaya ulit ng martilyo."
"Sabi ko nga masakit..." napangiwi siya. "...akala ko madali lang gumawa ng tree house. Ang hirap pala."
"Akala mo kasi sa sarili mo si Superman." sermon ko sa kanya. "Ang mga superhero nga nagpapahinga, ikaw pa kaya na ordinaryong tao lang? Iwan ko ba sayo at parang nagmamadali kang tapusin agad itong tree house."
"Ayaw mo ba?"
"Anong ayaw ko?"
"Na natapos ko agad itong tree house."
Natigilan ako ng makita ko ang malungkot niyang mukha. Bigla tuloy akong tinubuan ng konsensya sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
I bit my lower lip. "Syempre gusto." iginala ko ang aking paningin sa loob. "Ang ganda nga ng pagkakagawa mo e. Proud na proud ako sayo. Napakagaling mo."
Napapitlag ako ng umangat ang mainit niyang kamay sa aking pisngi. Marahan niya iyon hinaplos. Napatitig ako sa kanya.
"Kung sabi ni Nay Julie 'yong puno ng Oak ay alaala niya sa mga lolo't lola mo, itong tree house naman ay simbolo ng pagmamahal ko sayo, Jillian."
"Ha?"
He smiled. "Naalala mo pa ba kung paano tayo unang nagkita?" tumango ako. Pinakita niya sa akin ang kamay niya. "Ito 'yong hirap at mga sugat na natamo ko habang ginagawa ko 'tong tree house."
Hinawakan ko iyon at marahan na hinaplos. Mainit at magaspang ang kanyang mga kamay. Dagdagan pa ng sugat at paltos.
"May ganun?" nakatawa kong sabi sa kanya habang nakayuko.
Tumawa rin siya.
Patuloy kong nilaro ng aking mga daliri ang kanyang kamay. Hindi ko maiwasan ang sarili kong makaramdam ng awa sa kanya. Alam kong pagod na pagod siya at hirap na hirap pero disidido siyang tuparin ang pangako niyang gawin 'tong tree house. Kahit anong pigil ko sa kanya na 'wag ng tapusin pa, ayaw naman magpaawat. Tinapos pa rin. Now I understand why...
"Tapos ng mabuo na 'tong tree house, which is sabi mo nga "Ang ganda ng pagkakagawa" ganun din nabuo 'yong pagmamahal ko sayo simula ng mapadpad ako dito sa inyo. Kung gaano kaganda nito ganun din ka-pure ng intention ko sayo, Jillian. This tree house is my promise to you na hinding-hindi kita lulukuhin kailan man."
Napatingin ako sa kanya. Lalo na sa kanyang brown na mga mata na nagsusumamong nakatitig sa akin. His brown eyes said it all in crystal clear how much he loves me. Dahil do'n biglang lumukso ang puso ko. Nagsipagtamblingan pa ang mga kuliglig at paru-paro sa aking tiyan.
Then a moment later it traveled down to my lips. He stared at it for a couple minutes. Nagpalipat-lipat pa ang kanyang tingin sa aking mata at mga labi. Hanggang sa unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa akin... then claimed my lips.
I automatically closed my eyes when I tasted his sweet lips. Ang paraan ng paghalik niya sa akin ay puno ng pagsuyo at pagmamahal. Kaagad uminit ang aking pakiramdam.
I let go my inhibition and kissed him back. He grabed my nape and deepened the kiss kasabay ng paghapit niya sa aking bewang at inilapit sa kanyang katawan. Matangkad si Marco kaya naman halos tumingkayad na ako sa kanya. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. I opened my lips to welcome his tongue inside my mouth. Naglumikot iyon sa loob ng bibig ko. Parang may hinahanap na iwan. I felt his hands slowly moving too. Marahan na humaplos sa aking tagiliran patungo sa aking likuran, pababa sa aking pang-upo and damn... it feels so freaking good!
Hanggang sa naramdaman kong umaatras na kami habang lumalalim ang halik na binibigay niya sa akin. Mapusok at nakakapanghina ng tuhod. Kaya todo ang kapit ko sa kanya at baka bigla na lang ako bumagsak sa lapag. Napapasunod ako sa bawat pag-atras niya hanggang sa huminto iyon ng bumunggo ang likod ko sa dingding ng tree house.
Walang sawa niya akong hinalikan. Halos hindi ako makasunod sa pusok niya. Parang ayaw niya ng tumigil pa. Naramdaman kong tinaas niya ang isa kong hita. Malakas akong napadaing ng idiin niya ang kanyang harapan sa akin. Hinawakan niya pa ang isa kong hita then scooped me up without cutting our kisses. Pinulupot niya iyon sa kanyang bewang.
He loudly groaned when he grind his hard crotch at my center. I moaned. Umawang ang mga labi ko ng bumaba ang kanyang mainit na mga labi sa aking lalamunan papunta sa aking leeg. I even tilted my head to give him a full access. Although natatakot ako, pero tangina... gusto ko siya at gusto ko ang ginagawa niya sa akin ngayon! Para akong sinisilaban. Lalo na ng maramdaman kong pumasok ang mainit niyang palad sa loob ng damit ko. He unhooked my brassiere! I loudly gasped when I felt his expert hands massaged my mounds. He even played his fingers in my t**s.
He cursed when I grind myself against him. I can't believed myself that I'm doing it. Para na akong mababaliw! He then claimed my lips again and pressed himself again like he wanted me to feel him more. I did the same thing. I know this is insane but fuck... I can't stop myself anymore. I wonder how it feels like to be inside me. Or If I could kiss him--all day long! s**t.
He then sexily bit my lower lip. Pinatong niya ang kanyang noo sa ibabaw ng aking noo. Naaamoy ko ang kanyang mabango at mainit na hiningang tumatama sa aking mukha. Parehong naghahabol ang aming hininga. Napadaing ako ulit ng maramdaman ko ang pagpisil ng kanyang kamay na nakapirmes sa aking isang dibdib sa loob ng damit ko.
I slowly opened my eyes. Bahagya niyang inilayo ang mukha sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. I gulp when I saw his desire in it.
"I-I'm sorry..." he said while caressing his right hand in my cheeks.
"Nagso-sorry ka ba dahil... hinalikan mo ako?"
"f**k NO!" mabilis na sagot niya sa akin. "I'm sorry 'cause I can't stop myself to kiss you, touch you, feel you." tinanggal niya ang kanyang kamay sa loob ng damit ko. "Ayokong matakot ka sa akin Jillian... that's why I'm sorry."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Biglang uminit ang mukha ko. Pakiramdam ko ako itong may kasalanan dahil sa kalukuhan na ginawa ko kanina. He got carried away dahil pinagdiinan ko pa ang sarili ko sa kanya. s**t--ano bang pumasok sa utak ko at ginawa ko 'yon? Lalong lumagablab ang apoy sa aking mukha sa subrang pagkapahiya.
Kaagad kong binaba ang aking mga hita ng mapansin ko ang posisyon naming dalawa. Bahagya siyang umatras at tinulungan akong makababa. Nanginginig ang mga tuhod ko habang inaayos ang pagkaka-hook ng bra ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso pagkatapos kong ayusin ang damit ko. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero nanatili akong nakayuko. Nahagip pa ng makasalanan kong mga mata ang namumukol niyang harapan na para bang gusto na iyon kumawala sa shorts niya. Crap... Makailang ulit akong napalunok sabay iwas ng tingin.
Maghunos dili ka Jillian! sigaw pa ng aking utak.
"B-Baba na tayo. Tingnan natin kung maganda ba sa labas 'yong itsura ng tree house."
Akmang may sasabihin pa siya pero kaagad na akong humakbang palabas. Narinig ko pa ang pagpakawala niya ng malalim na buntong-hininga.
Halos takbuhin ko pababa ang hagdanan sa pagmamadaling makalayo sa kanya. Parang may nagrarambulan sa loob ng dibdib ko. Pati 'yong kiliti sa loob ng tiyan ko hindi na humupa. Hindi ko alam kung pa'no aakto sa harapan ni Marco pagkatapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa.
Shet naman talaga Jillian. Nakakahiya ka!
Sapo ang noo na naglakad ako palayo sa puno ng Oak. Pagdating ko sa unahan muli akong humarap ngunit malakas akong napasinghap ng bumangga ako sa katawan ni Marco. Muntik pa akong mabuwal sa subrang pagkagulat. Hindi ko alam na nasa likuran ko lang pala siya. Kaagad naman pumulupot ang isa niyang braso sa aking bewang. Bumagsak ang dalawang kamay ko sa kanyang dibdib.
"M-Marco..."
"You look gorgeous when you blush." nakangiting sabi niya sabay lingon sa tree house. Muli niya akong binalingan. "Wait for me here... gonna get something for you."
Wala sa sariling napasunod na lang ang tingin ko sa kanya. Umakyat siya sa tree house. Pagdating doon sumampa siya sa malaking sanga ng kahoy at umakyat pa sa itaas. Inabot niya ang kulay violet na bulaklak ng orchids saka nakangiting nilingon ako, pinakita ang bulaklak sa akin.
I smiled and bit my lower lip while staring at him. Mabilis siyang bumaba sa sanga nito ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng pagtapak niya sa hagdanan ng tree house ay bigla na lamang siya gumulong pababa. Malakas na tadyak ang tumama sa aking dibdib sa nakita ko. Bigla akong linukuban ng takot.
"Marco..!" malakas na sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya.
"f**k--!" nakangiwing mura niya.
"Okey ka lang ba?" nag-aalalang sinipat ko ang kanyang buong katawan.
He grinned at me.
Malakas kong hinampas ang braso niya.
"Aww!"
"Nakuha mo pa talagang ngumiti diyan..." sikmat ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. "Bwesit na 'to. 'Di man lang nag-iingat. Lagi ka na lang nahuhulog. Dati doon sa bangin, tapos ngayon dito sa hagdanan. Sa susunod saan ka na naman kaya mahuhulog?"
"Sayo."
Natigilan ako.
"'Wag mo nga akong pinaglululuko diyan Marco at tatamaan ka talaga sa akin."
"Matagal na akong may tama sayo."
Muli kong hinampas ang braso niya. "Tumigil ka nga." tumayo ako.
"Hindi ko kayang pigilan ang tinitibok ng puso ko my love, Jillian."
"Iwan ko sayo--Ayy!" malakas akong napatili ng hatakin niya ang kamay ko matapos ko siyang talikuran. Bumagsak ako sa kandungan niya.
Nakangiting hinawi niya ang mga hibla ng aking buhok na tumabing sa aking mukha. Tigagal na napatitig ako sa kanya. Nilagay niya sa gilid ng aking tainga ang pinutol na isang bulaklak ng orchids. Inabot niya naman sa akin 'yong mahabang tangkay no'n.
"I want you to be my wife, Jillian. Papayag ka ba kung yayayain kitang magpakasal sa akin, hmmmm?"
Goosebumps. My jaw drop at what he said. Nakatulalang napatitig ako sa kanya habang seryosong nakatitig naman siya sa akin. Parang tinatambol na ang loob ng dibdib ko habang paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa aking isip ang mga sinabi niya. Paulit-ulit ko din iyon prinoseso sa nawiwindang kong utak.
He wants me to be his...WHAT? And he asked me... SERYOSO BA SIYA?!
Hindi kaya masama ang landing niya matapos gumulong pababa dito sa hagdanan? Baka naalog 'yong utak niya? Nabawasan kaya ng isang turnilyo at ganito ang lumalabas sa bibig niya? Damn. Ano ba 'tong pumapasok sa utak ko?
Ilang beses akong kumurap-kurap para masigurong pinaglululuko niya lang ako pero ganun pa rin ang mukha niya. Seryosong nakatitig sa akin.
Umiling ako. "M-Marco..."
Linapat niya ang kanyang hintuturo sa aking mga labi para patahimikin ako.
"You don't have to answer me kung hindi ka sigurado. Kahit ang totoo... I want your answer now but... I'll wait for you, Jillian." he then caress his hands on my cheeks down to my chin. "Will always wait for you..."
"U--Uwi na t-tayo." kandautal ko pang sabi sa kanya sabay alis sa pagkakandong ko sa kanya.
Malungkot na nakasunod ang kanyang mga mata sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya.
But what can I do? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nagtatalo ang malakas na pagtutol ng aking utak sa kagustuhan ng puso ko. Pero kung ang katawan ko ang tatanungin ko sa isasagot ko sa tanong niya, malaking OO kaagad ang sagot ko sa kanya.
Pero hanggang kailan niya ako mamahalin? Sapat ba ang pag-ibig at kasal na inaalay niya sa akin ngayon para ipagkatiwala ko sa kanya ang puso ko? Makakaya niya ba akong panindigan habambuhay..? Sa hirap at ginhawa? Pa'no kung... katulad din siya ni Itay... mag sawa rin siya sa kahirapan ng buhay?
Napailing ako.
Siguradong iiwan niya rin ako kagaya ng ginawa ni Itay sa amin ni Inay kapag nakatagpo siya ng mas nakakahigit sa akin. Nang mayaman...
At 'yon ang kinatatakutan ko. Ayaw kong mangyari sa akin ang nagyari sa pamilya ko. Hindi ko kakayanin 'yon. Hindi ko kayang ipaubaya ang lalaking mahal ko sa iba. Baka makapatay akong tao kung sakaling maging asawa ko siya at gawin niya iyon sa akin. Hindi ako kagaya ni Inay. Selfish ako kung puso ang pag-uusapan. Ngayon ko lang na-realized sa sarili ko na ganun pala ako. Nang makilala ko ng lubusan ang totoong ugali ni Marco at mahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko siya kayang e-share sa iba. Kapag naging akin siya, aking lang siya. At ako lang din dapat, walang iba. Walang kahati.
I heaved out a deep sighs.
This is... insanely dangerous.
Umakyat ako sa tree house. Niligpit ko ang mga gamit saka binitbit pababa.
"Tara na... uwi na tayo. Palubog na ang araw. Balik na lang tayo bukas."
Wala pa ring imik na nakatitig lang siya sa akin pagkababa ko ng hagdanan. Nakatayo ako sa harapan niya.
"'Wag mo akong titigan ng ganyan Marco. Baka magsisi ka at mawalan ng kalayaan kapag hinayaan kitang makapasok sa buhay ko."
Napangiti ako ng manlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko.
"W-What do you mean?"
Umabrisyete ako sa kanya saka hinilig ang ulo sa kanyang braso. Nginitian ko siya ng matamis.
"That's for you to think and for me to keep."
"WHAT?!"
I laughed then dragged him towards the forest.
"Tara na kasi. Uwi na tayo."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023