JILLIAN Araw ng linggo, day off ko kaya ipinasyal ko ang anak ko sa Ocean Park. Syempre kasama ang mga kulukoy at si Jasmin na panay selfie at group pics. dahil sila ang may alam, first time ko makapunta dito pati si Inay. Si Nay Dolor at Tay Josue hindi na sumama kasi ilang ulit na daw sila nakapunta dito. Sila na lang ang nagbantay sa grocery store. 'Yung tatlong tauhan nila ang naiwan naman sa Salon. Pagkapasok pa lang namin sa loob, halos mabaliw si Max kakahabol sa isda na nasa loob ng napakalaking aquarium na nakapaligid sa amin habang malakas na tumitili. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa ingay namin. "Wow! Many many fish Mama o!" namimilog pa ang mga matang sigaw niya sa akin. Panay siya wow sa bawat attractions na pinupuntahan namin. Lalo na do'n sa birds and sea lion s

