JILLIAN "Pumunta dito kanina si Julius." bungad ni Nay Dolor pagkarating namin galing galaan. Pareho kaming natigilan at nagkatinginan ni Inay sa sinabi niya. Pero kaagad din akong natauhan, naglakad ako papunta sa kwarto namin ni Max at maingat itong inilapag doon. Kumuha akong damit pantulog niya sa drawer saka ito pinalitan. Ilang beses kong tinapik-tapik ang kanyang mga hita ng maalimpungatan ito hanggang sa makatulog itong muli. Malalim akong bumuntong-hininga saka lumabas ng kwarto. Nakatutok kaagad sa akin ang kanilang mga mata pagkalabas ko. Saglit ko lang silang tiningnan saka naglakad papunta sa kusina. "Jillian..." Napahinto ako sa paghakbang ng tawagin ako ni Inay. Walang reaction ko silang hinarap ni Nay Dolor. "Gustong--" "Pagkatapos ng maraming taon na lumipas bakit

