Chapter 4

2759 Words
MARCO "Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ng kaibigan kong si Jigz. He's eager to hit the drum in front of him. Matagal-tagal na rin namin hindi 'to nagagawa, ang mag-perform ng live sa harapan ng maraming tao. For me it's just more of a lifestyle choice than a career. I was once dreamed to be a pilot so I took my Bachelor's degree in Aviation but my Dad was against with it. Well, he never liked anything and every choices I've made in my life. He prefered me to follow his step. At first I was adamant with the course I chose that I wanted to be but at the end I gave it up without finishing with it and took the course he chose for me to be someone like him. A successful businessman. Kasalukuyan akong nasa Galaxy Stardust Bar And Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Grand opening ngayon nitong panlima niyang branch. He invited me to perform a live show with my band. Pinagtawanan ko pa siya sa sinabi niya sa akin noong bisitahin niya ako sa bahay matapos niyang mabalitaan ang nangyari sa akin three months ago. Hindi ko akalain na ganun siya kabilib sa banda namin para imbitahan niya. Like... It's been a long time since we've been performed. Hindi ko pinaghihinalaan ang kapasidad ko lalo na ang mga kasamahan ko sa banda but still, mas marami ang mga baguhan at mas sikat. Sila ang kailangan niya para maging tanyag ang negosyong bubuksan niya pero kami ang mas pinili niya. Kung anong rason, hindi ko alam. Imposibleng sa pagkakaibigan namin. In fact marami siyang mga kaibigan na famous singer, band and celebrity. At first I rejected it thinking that he was just fooling out of me but he was persistent so I got no choice but to agree. That's why I am here now up in stage. Kasama sina Jigz, Nick, Ken and Travis. Nakatayo ako sa gitna ng stage, napapaligiran ng napakaraming tao habang hawak-hawak ang aking gitara, nasa harapan ko ang mic. Matapos ang nangyaring pagtatambang at pambubugbog sa akin ng hindi ko kilalang mga armadong kalalakihan ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Sofia. Though sumasagot siya sa mga tawag at text messages na pinapadala ko sa kanya, hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Kung anong dahilan hindi ko alam dahil ayaw niya namang sabihin kahit anong pilit ko sa kanya. I never stop courting her. I sent her flowers, chocolates, etc. Ganun ako kadesididong mapa sa akin siya. Makailang ulit ko rin siyang pinuntahan sa Condo niya noong maka-recover na ako pero isang beses niya lang akong hinarap at hindi na naulit pa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na hindi na siya doon nakatira, ibenenta na ang Unit niya. Pinutol niya na rin ang ugnayan sa akin. Hindi ko na siya ma-contact pa. Halos mabaliw ako kakaisip kung anong nangyari sa kanya. Kung napaano na ba siya? Bakit ganun ang ginawa niya? Hindi man lang nagpaalam sa akin. Bigla siyang naglahong parang bula matapos niya akong sagutin sa panliligaw ko sa kanya! Kung gaano kabilis ng pagdating niya sa buhay ko ganun din siya kabilis nawala. Sa subrang bilis hanggang ngayon tulala pa rin ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, saan ko ba siya hahanapin. Ngayon ko lang na-realized na wala pala akong gaanong alam sa buong pagkatao niya. Hindi ako nag-usisa at hinayaan ko na lang din. Puro puso ang pinagana ko hindi ang aking utak. Kaya ng mawala siya sa akin para akong tanga na nakabitin ng patiwarik sa gilid ng hampas na sa isang pitik lang sa akin ay siguradong kaagad akong mahuhulog, babagsak sa kailaliman. Hanggang ngayon nawawala pa rin ako sa aking sarili at hindi ko siya makalimutan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin but damn... hinahanap-hanap ko pa rin siya! Kahit anong sermon sa akin ng mga kaibigan ko wala ding silbi. Ayaw sumunod ng puso ko. Wala akong magawa. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, patuloy pa rin siyang umuukilkil sa aking utak. Ilang ulit ko na rin tinanong ang sarili ko kung mahal ko ba talaga siya but damn...! Kahit ibang babae ang kasama ko siya at siya pa rin ang nakikita ko. Kung wagas 'tong pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya, damn it... I was hit then to the core! Sinubukan ko pang itago sa mga magulang ko ang nangyari sa akin pero ang bwesit kong mga kaibigan lalo na ang kapatid kong si Miguel ay isinumbong ako. Pati ang pinsan kong si Wayne na nasa Pilipinas na binulabog ako. Pasugod naman na pumunta ng hospital ang mga magulang ko. Humahagulhol si Mom samantala tahimik lang si Dad na nakatingin lang sa akin na lupaypay na nakaratay sa higaan, puno ng pasa at namamaga ang buong mukha. Ngunit noong makauwi na ako ng bahay at unting-unti ng gumagaling ang mga sugat ko at um-okey na ang pakiramdam ko, unti-unti na rin nila akong sinesermunan. Sandamakmak na sermon na halos mabingi ako. Pakiramdam ko mas malala pa 'yong sakit na tumatama sa tainga ko sa mga sermon nila kaysa sa natamong pambubugbog sa akin. Mas gugustuhin ko pa nga ang mabugbog na lang dahil isang bagsakan lang ang sakit pagkatapos mawawala din e, kaysa sa mga salita ng mga magulang ko na kahit dekada na ang lumipas ay ang sakit-sakit pa rin sa aking pandinig, nabibingi ako! Umaalingaw-ngaw pa rin sa utak ko! Pero kahit hindi ko man maamin sa aking sarili, lahat ng mga sinasabi nila sa akin ay pawang mga katotohanan. Kaya nga masakit dahil totoo lahat. Natatamaan ako. Truth hurts, ika nga. Malalim akong bumuntong hininga saka tinanguan ang mga kasamahan ko. Lahat sila nag-thumbs up. Nagsalita ang emcee sa mic. "Ladies and gentlemen, please welcome our special guest to perform for us tonight, the boy band... PRINX!" Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Sabay bilang ng drumsticks ni Jigz. "Three-Two-One." Kaagad akong nagtipa ng gitara matapos niyang bumilang. "Feeling my way through the darkness." awit ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nagsayawan na ang mga tao sa harapan ng entablado. 'Yong iba nakatayong sumasayaw sa tabi ng mesa nila. Nakangiting nagkatinginan kaming magbabarkada. I felt so good, so strange and so high when the crowd went wild, naghihiyawan habang mga nakataas pa ang mga kamay sa ere. Then our band, PRINX made an uproar again like a wildfire! Masayang iginagala ko ang aking mga mata sa loob habang kumakanta ng mahagip ng paningin ko ang isang nakangiting babae na nakatayo malapit sa pintuan. Napakurap-kurap ako at makailang ulit na ipinilig pa ang aking ulo baka namamalikmata lang ako sa aking nakita ngunit nang muli ko siyang tingnan ay nandoon pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Nakangiti at pumapalakpak habang nakatitig sa akin. "Sofia..." walang kurap-kurap na sambit ko pa sa aking sarili. Malakas na palakpakan at hiyawan na may kasamang sipol ang nagpabalik sa aking huwisyo. "Dude..." nag-aalalang tawag pa sa akin ni Ken. Nagtatakang nilingon ko siya. "Thank you everyone." nakangiting umiiling na sabi ni Travis sa mic. "What happen?" tanong ni Nick na sumalo ng kanta matapos kong huminto sa pagkanta kanina pagkakita ko kay Sofia. He's holding an electric guitar. Nilingon ko muli si Sofia sa kinaroroonan niya. Nandun pa rin ito. Damn... It's really her! Nag-request pa ang mga bisita ng panibagong kanta pero kaagad na akong bumaba ng stage matapos ko magpaalam sa mga kaibigan ko. Nagkibit-balikat na lang sila at muling tumugtog. Malalaking hakbang na naglakad ako palapit kay Sofia ng bigla akong harangin ng isang babae. Kaagad akong natigilan ng bigla itong yumakap sa akin. "Your band is really amazing!" nakangiting sabi niya pa sa akin. "You always sang so good sweetheart." Nakamaang na napatitig ako sa kanyang mukha. Pilit na inaalala kung ano nga ba ang pangalan niya if is it Alice? Aiza? Or Alesha? Alesha ata... Damn... I can't even remember what's exactly her name! Naguguluhang pinoproseso pa nga ng aking utak kung sino itong babaeng nasa harapan ko na bigla na lang yumakap sa akin nang isa na namang babae ang lumapit sa amin at hinablot ito palayo sa akin. "What the hell were you hugging my boyfriend?!" galit na singhal nito. Hoo Waaaat...? Kung nagulat ang babaeng yumakap sa akin kanina sa sinabi no'ng humablot sa kanya, mas lalo na akong nagulantang sa sinabi nito. Ano bang nangyayari sa kanila? Hindi ko nga alam na boyfriend niya ako. I recognized her face but damn... I'm really not good sa pag-memorize ng mga pangalan! Its sounds Deb.. Daiz... Debbie ata ang pangalan niya. Iwan, hindi ako sure. Hindi ko maalala! At mas lalong never kaming nagkarelasyon! Oh boy, I'm in big trouble! Ngayon pa talaga at dito mismo sa grand opening ng kaibigan ko sila manggugulo! "What?! Your boyfriend?! Are you nuts?! I'm his girlfriend!" galit na singhal din no'ng babaing yumakap sa akin. Parang tangang naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtatalo na sa harapan ko. Nagugulantang ako sa tinatakbo ng sagutan nila. Malakas ang musika kaya wala pang gaanong nakakapansin sa namumuong tensyon maliban sa malapit sa aming pwesto. "NO--you're not..! I am his girlfriend! You ugly b***h!" singhal ulit no'ng isa habang dinuduro pa ito. "b***h?" mapaklang tumawa si Alesha sabay tabig ng daliring nakaduro sa kanya saka pinasadahan ang kabuuan ni Debbie. "Well look at you?" sabi niya with matching action pa ng kamay. "A desperate loose woman claiming that my boyfriend is hers. How pathetic!" "Why you--" Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nagsabunutan silang dalawa sa harapan ko. "Oh my gosh..!" narinig ko pang sabi ng ibang tao sa paligid. Kaagad akong napalingon sa gawi ni Sofia. Damn! Nataranta ako ng makita kong nagpahid siya ng luha sa kanyang mga mata habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa dalawang babae sabay alis. "What a f*cking mess..!" mura ko sabay habol sa kanya. Iniwanan ko ang dalawang babaeng nagpapambuno na. Nakipagsiksikan ako sa mga taong high na high na nagsasayawan at naghihiyawan. Malalaking hakbang na lumabas ako ng bar. "Sofia wait!" sigaw ko sabay hablot ng braso niya ng maabutan ko siya. "Don't touch me!" malakas niyang piniksi ang kamay kong nakahawak sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama. Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha sa nakikita kong galit at selos sa kanyang mga mata. "Look Sofia, I can explain." "No need. I saw what I saw." galit na sabi niya sabay talikod. Mabilis kong hinatak muli ang braso niya. "Bigla ka rin namang nawala ng walang pasabi diba? I think you owe me an explaination too." sabi ko saka kinaladkad siya papunta sa kinapaparadahan ng aking kotse. Nagpumiglas siya pero hindi ko siya pinakawalan. Pwersahan ko siyang pinapasok sa loob ng magmatigas pa siya saka mabilis akong umikot sa kabila. Kaagad kong ini-start ang kotse pagkaupo ko sa driver seat. "Open this damn door, JM!" sigaw niya sa akin. I smirked. "NO." sabi ko saka pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Dinala ko siya sa penthouse. Ayaw niya pang bumaba ng kotse pagkarating namin doon pero hindi siya umobra sa akin. Mas malakas ako sa kanya kaya nahatak ko siya palabas. Nagwala siya pagkapasok namin sa elevator. Pinagsusuntok niya ako. "Why did you brought me here ha?!" "So we can talk." sabi ko sabay hatak muli sa kanya palabas ng bumukas ang lift. "Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!" nangangalaiting sigaw niya sa akin ng itulak ko siya papasok sa loob. Ni-lock ko ang pinto saka naiinis na hinarap siya. "Ah ganun? Pagkatapos mo akong sagutin at maglahong parang bula tapos ngayon magpapakita ka at sasabihin mong wala na tayong dapat na pag-usapan pa?" "Why? Mukhang masaya ka naman sa mga babae mo at walang saysay 'yong relationship natin dahil pinag-aagawan ka pa nila!" I grinned. "Are you... jealous?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko sa kanya. Lalo akong napangisi. "Huh, jealous? Bakit naman ako magseselos?" nakairap niyang tanong sa akin. "Well, you act like one." She laughed. "Masyado kang conceited Del Carpio. For your information hindi kita gusto at ayoko na sayo." Natigilan ako sabay iling. "No. Hindi totoo 'yan." Tumawa siyang muli. "Kaya nga hindi na ako nagpakita pa sayo diba?" Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. "So anong ginagawa mo doon sa bar? Bakit ka muling nagpakita ngayon sa akin?" Napalunok siya at natahimik sa tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Matiim ko siyang tinitigan, pilit na hinuhuli ang kanyang mga mata pero todo iwas siya. Animo'y may... sekretong tinatago? Hindi ako sigurado pero parang ganun ang pagkakabasa ko sa ekspresyon ng mukha at kilos niya. "What..? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ko ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya kumibo. Nakasimangot na tiningnan niya ako. "Bakit wala na ba akong karapatan pumasok sa bar na 'yon? Sa pagkakaalam ko imbitado ang lahat ng gustong pumasok doon." I heaved out a deep sighs. "Why did you leave me Sofia? What happen to you?" Walang ekspresyon ang mukhang tinitigan niya ako. I stared back. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nagtitigan kaming dalawa. Walang anomang salitang namutawi sa aming mga labi. Wala ring gustong magpatalo. Hanggang sa hindi niya na kinaya pa ang matiim na titig ko sa kanya. Napayuko siya. "I-I'm pregnant." she said almost inaudibly. Sa subrang hina ng pagkakasabi niya halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya hanggang na unti-unting nanlaki ang aking mga mata ng maproseso na ito ng aking utak. "Y-Your what..? PREGNANT?" bulalas ko sa kanya. "D-Did I heard you right? You're pregnant?" Walang ganang tiningnan niya ako. "Look, hindi naman ako naghahabol kung 'yan ang iniisip mo kaya pumunta ako sa gig niyo. Nabalitaan ko lang na kayo ang bandang inimbitahan ni David kaya pumunta ako. You know, I never missed any of your--" "Oh my gosh-- you're really pregnant?" hindi pa rin makapaniwalang sabad ko sa kanya. "Kailan pa?" Malalim siyang bumuntong-hininga sabay dukot ng anong bagay sa loob ng kanyang bag. Napakunot-noo ako ng iabot niya sa akin ang kapiraso ng papel. Nagpalipat-lipat ang nagtatanong kong mga mata sa papel at sa walang ekspresyon niyang mukha habang inaabot ko ito sa kamay niya. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sonogram... I'm twelve weeks pregnant." Kaagad akong natigilan. "Ibig sabihin buntis ka na nong huling usap natin?" Tumango siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot. Muli na naman siyang umiwas ng tingin sa akin. Biglang uminit ang ulo ko sa kanya. "Bakit hindi mo pa sabihin ang lahat sa akin ngayon Sofia?!" bulyaw ko sa kanya. "Dahil natatakot ako!" maluha-luhang sabi niya sa akin. "Natatakot ako na baka ayawan mo ako kapag nalaman mong buntis ako. And I-I think I'm fallin' in love with you JM." gumagaralgal ang boses na amin niya sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanyang mukha. Bahagya pa akong napanganga sa biglaang pag-amin niya ng kanyang nararamdaman sa akin. "A-Anong s-sinabi mo?" kandautal ko pang tanong sa kanya para masigurong tama nga ang dinig ko. "I-I think it started the first time I saw you in a bar and brought you in my Condo." Kung kanina napanganga lang ako sa gulat ngayon kaagad nanlaki ang aking mga mata sa sumunod niyang sinabi. Walang kurap-kurap na napatitig ako sa kanya, binabasa ang kanyang mukha kung nagbibiro lang ba siya or ano. Ngunit hopeless, takot, pag-aalala ang nakikita kong nagpapalit-palit na ekspresyon sa kanyang mukha. Kung anong dahilan bakit ganun ang nararamdaman niya, hindi ko alam. "Seriously?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya. Muli siyang tumango. Damn... seryoso siya! So it means we felt the same way?! Wala sa sariling napasabunot pa ako sa aking buhok sa bombang pinasabog niya sa harapan ko ngayon. Akala ko mahihirapan pa ako sa pagkumbinsi sa kanya lalo't kakasabi niya lang na hindi niya ako gusto at ayaw niya na sa akin. Hindi ko akalain na worth it ang ilang buwan na pag-aantay ko sa kanya. "Oh my Sofia." tuwang-tuwang niyakap ko siya at pinaulanan ng halik ang kanyang buong mukha. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon Sofia." sabi ko saka sinakop ang kanyang mga labi. "Lets go. Ipapakilala kita sa mga magulang ko." excited ko pang sabi sa kanya matapos ko pakawalan ang kanyang mga labi sabay hatak sa braso niya palabas ng penthouse. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD