MARCO
"You two what?!" gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga matang bulalas ni Mom matapos marinig ang sinabi ko.
"She's carrying my baby that's why I wanna marry her as soon as possible." paliwanag ko kay Mom na naghe-hysterical sa inanunsyo ko.
Tahimik lang si Dad na matiim na nakatingin sa amin. Literal kay Sofia na hindi na mapakali pa sa kanyang kinauupuan sa aking tabi. Kaagad kong ginagap ang kamay niya sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang mga hita at marahan iyon na pinisil. Nginitian ko siya ng lingunin niya ako.
Nasa harapan kami ng hapagkainan ngayon. Nagulat pa ang mga magulang ko kanina pagpasok ko ng kabahayan at makitang may kasama akong babae. Lalo't ngayon lang ang pinakaunang pagkakataon na nagdala akong babae sa bahay at ipinakilala sa kanila. Kaya naman halos mabilaukan si Mom sa kinakain niya ng sabihin kong magpapakasal na kami ni Sofia.
"Teka nga muna JM..." nakakunot- noong sabi ni Mom sabay tayo. Nagpabalik-balik ng lakad habang sapo pa ng isang kamay ang noo at ang isa naman ay sa baywang. Tila pinoproseso ng utak ang mga sinabi ko. Maya-maya huminto siya at nakapamaywang na hinarap ako. "Kailan ba naging kayo? Bakit hindi ata namin alam na nagka-girlfriend ka? Tapos ngayon para kang bagyong uuwi na lang dito sa bahay kasama siya..." tinuro niya si Sofia. "...sasabihin mong buntis siya at magpapakasal na kayo. Agad-agad pa! Nababaliw na ba kayong dalawa?!"
"It's been four months since we've known each other, Mom."
"For Pete's sake four months lang?! Tsaka isa pa bakit hindi ko man lang nakita ang anino niyang girlfriend mo noong nakaratay ka sa Hospital ng pagbubugbugin ka ng kung sinong pontio pilato sa daan, aber? Nasaan siya ng mga araw na 'yon? Bakit wala man lang siyang paramdam no'ng mga araw na 'yon na mas kailangan mo siya kung mahal nga talaga ninyo ang isa't isa ha?" inis niyang sabi sa akin saka binalingan si Sofia. "Tapos ikaw--"
"Mom--"
"Isme--"
Sabay pa naming tawag ni Dad sa kanya.
"Ano? Kukunsintihin mo 'tong dalawa?" galit na baling ni Mom kay Dad habang tinuturo kami ni Sofia.
Malalim na bumuntong-hininga si Dad. Tiningnan niya ako. "Mag-usap tayo sa Library, JM." maotoridad na sabi ni Dad sabay tayo at lumabas ng kusina.
Kaagad kong nilingon si Sofia ng bigla niyang hatakin ang kanyang kamay na nanlalamig ng hawak-hawak ko sa ilalim ng mesa.
"Uuwi--"
"NO. Mag-usap tayo, Iha." sabad kaagad ni Mom. Sabay pa kaming napalingon sa kanya. "Sofia, right?"
Tumango si Sofia.
I sighed. "Mom--"
"Puntahan mo na ang Daddy mo sa Library. Baka tupakin pa 'yon, bilisan mo na." pagtataboy niya pa sa akin saka binalingan si Sofia. "Tara Iha, doon tayo sa sala." malumanay ng sabi ni Mom sabay talikod at lumabas ng kusina.
Inalalayan kong makatayo si Sofia. "You're trembling." sabi ko ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan sabay yakap sa kanya para pakalmahin. Marahan kong hinaplos ang kanyang likod, mga braso at mga kamay. Parang tuod na nakatingin lang din siya sa akin. Bigla akong tinubuan ng konsensya sa nakikita kong itsura niya. "Huwag kang matakot Sofia, nandito ako, kasama mo. And they may be looked strict but super bait nila, believe me. Lalo na si Mom. I'm sure magugustuhan ka niya."
Napalunok siya. "S-She looks mad."
I chuckled. "It's the very first time I brought a girl here in our house, Sofia. They must be shock lalo't sinabi kong buntis ka at magpapakasal na tayo--"
"Wala din 'yan sa usapan natin, JM. Sabi mo ipapakilala mo lang ako sa parents mo. Bakit kailangan pang sabihin mo sa kanila na pakakasalan mo ako?" sabad niya.
"Dahil pakakasalan naman talaga kita." tigagal na napamaang siya sa akin sa sinabi ko. Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Hinawakan ko ng aking dalawang kamay ang magkabilaan niyang pisngi at marahan na hinaplos iyon. "Come on, mag-uusisa lang 'yon si Mom tungkol sa buhay mo. Huwag kang matakot sa kanya, mabait 'yon si Mom, promise. Hindi mo rin kailangan magpa-impress sa kanya. Just be yourself, okey?" sabi ko saka iginiya siya palabas ng kusina.
Dumeritso ako ng Library matapos ko siyang iwan sa harapan ni Mom sa sala.
"So, who is she? Ilang months pa lang kayong magkakilala tapos sasabihin mo sa amin ngayon ng Mommy mo na magpapakasal na kayo. Mukha pa kayong nagmamadali. Gaano mo na ba siya kakilala para mag desisyon ka ng ganyan agad-agad?" sunod-sunod na bungad ni Dad sa akin pagkatapos kong pumasok at e-lock ang pinto ng Library.
Malalim akong napabuntong-hininga saka ipinamulsa ang aking mga kamay. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanyang mesa. Matamang sinusundan niya ang bawat paghakbang ko pero wala akong makitang ano mang ekspresyon sa kanyang mukha.
"She's already pregnant Dad, that's why I made a decision right away. Her full name is Sofia Collins and she's a medical technologist."
Napatayo siya sa kinauupuan niya. "Sofia Collins? Kaano-ano niya si Vladimir Collins?" curious na tanong sa akin ni Dad.
Napakunot-noo ako sa tono ng boses niya. "Vladimir Collins? Who is he?"
"'Yong tanong ko ang sagutin mo 'wag 'yong magtatanong ka rin sa akin."
"Well, I don't know."
"Hindi mo alam?"
"Kaya nga kita tinanong dahil hindi ko siya kilala. Wala akong masyadong alam kay Sof--"
"Binuntis mo siya ng hindi mo man lang muna kinilala kung anong klase ng pagkatao niya?!"
Kaagad akong natigilan ng pagtaasan ako ng boses ni Dad. Although palagi nila akong sinesermonan ni Mom, still, never niya akong pinagtaasan ng boses ng walang dahilan. Last na nasigawan niya ako 'yong inakala niyang nag-a-addict pa rin ako. But today was quite unexpected. Pakiramdam ko may laman at may pinanghuhugutan ang galit na nakita sa kanyang mga mata na kaagad din nawala. Sa subrang bilis ng pagpalit ng ekspresyon ng kanyang mukha halos hindi ko mapaniwalaan kung galit ba talaga ang nakita ko or ano.
"Mahal ko siya kaya--"
"Mahal?! Four months lang kayo magkakilala tapos sasabihin mong mahal mo siya kaya binuntis mo? Ni hindi mo nga siya kilala. Tanga ka ba or ano?"
"Hindi naman nasusukat sa tagal ng panahon para masabi mong mahal mo nga ang isang tao."
Tiningnan niya ako ng masama. "Hindi kayo magpapakasal."
Natahimik ako sa sinabi niya at nakipagsukatan sa masama niyang titig sa akin. Nakita ko pa ang paggalaw ng kanyang panga. I sighed. "Ako pa rin ang masusunod para diyan. Kung ayaw niyo sa kanya wala na akong magagawa pa. Pakakasalan ko pa rin siya. Dinala ko lang siya dito para ipakilala ko sainyo ni Mom."
"Aba't... talagang nilayasan ka na ng utak mo?"
"Ano bang kinakaayawan mo sa kanya?"
"Hindi mo siya kilala JM. Tsaka sigurado ka bang ikaw talaga ang ama ng dinadala niya?"
Muli akong natigilan sa huling sinabi niya. Actually I didn't question her about that. Or mas tamang sabihin na hindi ko man lang siya pinaghinalaan tungkol doon, at hindi sumagi iyon sa isip ko. Kung bakit, hindi ko alam. Basta ang alam ko mahal ko siya, gusto ko siyang pakasalan at siya na ang babaeng para sa akin.
Mariin akong tinitigan ni Dad. "Ano hindi man lang pumasok 'yon diyan sa kukute mo? Tsaka pa'no kung konektado siya kay Vladimir Collins?" dugtong niya pa.
"Bakit sino ba siya? Tsaka ano bang pakialam ko sa Vladimir na 'yon? Si Sofia ang mahalaga sa akin hindi--"
"F*ck... ang tigas talaga ng ulo mo!" nangangalaiting sigaw ulit sa akin ni Dad.
Walang ganang tiningnan ko siya saka nagkibit-balikat na lang. Hindi naman ako mananalo sa kanya. Lalo lang akong naguluhan sa mga pinagsasasabi niya. "Whatever." sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap JM!"
"Saka na tayo mag-usap kapag hindi na mainit ang ulo mo." sabi ko sabay pihit ng seradura at lumabas ng Library.
Naabutan kong seryosong tinititigan ni Mom si Sofia habang hindi na ito mapakali pa sa kinauupuan. Kaagad nagliwanag ang mukha nito pagkakita sa akin sabay tayo.
"J-JM, mauuna na ak--"
"Ihahatid na kita." sabi ko habang nakatingin kay Mom na seryosong nakatingin din sa aming dalawa.
Hinawakan ko siya sa kanyang braso saka iginiya palabas ng bahay matapos namin magpaalam kay Mom.
I heaved out a deep sighs. "I'm sorry Sofia." sabi ko pagdating namin sa labas ng gate.
Nakangiting nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Kung ano man ang sinabi sayo ni Mom pagpasensyahan mo na lang. Hindi ko sinasadya na kaladkarin ka dito sa bahay para pagalitan lang nila. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sila binigla."
Marahan siyang tumawa. "Kahit nga ako nagulat sa inanunsyo mo e. But I liked your Mom, really. She's nice at nakikita ko sa kanya ang Mommy ko. Parehong-pareho sila. Kinakabahan lang ako kanina kasi first time kong maranasan ang ganito. Ang ipakilala ng isang lalaki sa kanyang mga magulang. Hindi ko inaasahan 'tong ginawa mo kaya hindi ako mapakali, nanginig pa ako sa nerbiyos kanina pero masaya ako. Masayang-masaya." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Nagulat ako sa kanyang mga sinabi pero mas lalo akong nagulat ng may bigla na lamang na humaharurot na itim na Van ang huminto sa harapan naming dalawa. Hinablot ng dalawang lalaki si Sofia palayo sa akin at pinasok sa loob ng sasakyan. Kaagad din iyon umandar.
Sa bilis ng mga pangyayari hindi ako makahuma. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa akong nasundan ng tingin ang papalayong Van.
Teka... 'Yong Van na 'yong ang...
"Damn! Si Sofia!" bulalas ko pa sa aking sarili matapos kong mahimasmasan sabay pasok sa loob ng gate ngunit kaagad din akong lumabas at dumeritso sa aking kotse.
In-start ko ito agad saka hinabol ang itim na Van sabay kapa ng cellphone sa aking pantalon. Nanginginig pa ang aking kamay habang dina-dial ang numero ni Keith ngunit ilang ring na hindi pa rin ito sumasagot.
"Damn... Keith, answer your phone please." sabi ko sabay pindot ng end call button ngunit kaagad din itong tumunog.
Sofia calling...
Bigla kong nahigit ang aking paghinga ng makita kong tumatawag si Sofia. I pressed the answer button right away.
"Del Carpio. How are you my friend?" pakiramdam ko tinakasan ng dugo ang aking buong katawan ng makilala ko ang boses ng hinayupak na lalaking 'yon.
Hanggang sa natigagal ako ng sunod-sunod na itong magsalita habang parang baliw na tumatawa. Narinig ko pa ang sumisigaw na boses ni Sofia sa kabilang linya. Naitulos ako sa aking kinauupuan. Kumukulo ang dugo. Nanginginig sa galit ang buong katawan. Pakiramdam ko para akong bulkan na natutulog sa tagal ng panahon at malapit ng sumabog. Wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga kamao at lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan matapos maproseso ng aking utak ang lahat ng sinabi niya.
"NO! Don't you dare--I gonna kill you!" galit na galit na sigaw ko ngunit pinagtawanan niya lang ako sa kabilang linya.
My hands almost trembled when I dialed Keith's number again matapos nitong patayin ang tawag. Doble-dobleng pinaghalong takot, pag-aalala, at galit ang nararamdaman ko. Takot at pag-aalala kay Sofia sa kamay ng lalaking 'yon. At galit. Sagad sa buto ang galit ko sa kanya dahil ginaganito niya ako kahit wala naman akong kasalanan sa kanya. Tapos dinadamay niya pa si Sofia! Damn... kung meron man akong atraso sa kanya, hindi ko alam kung ano dahil hindi ko naman sila kilala!
"Yes bro?" namamaos pang boses ng kaibigan ko sa kabilang linya. "Napa--"
"Keith... listen." sabad ko kaagad sa kanya. "I need your back-up."
"Ha...? Wait--Teka nga... anong back-up?" naguguluhan niya pang tanong sa akin.
Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. Itinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Sofia is in danger. Naalala mo ba 'yong grupong nambugbog sa akin three months ago? Dinukot nila si Sofia. Kailangan ko ng back-up bro and call the cops please. Will send you the address. Papunta na ako dun."
Malutong siyang nagmumura sa kabilang linya sa mga sinabi ko. "Dinukot si Sofia? Paano? Nagkita na ba kayo?"
"Yes. Kanina--saka na tayo mag-usap. Bilisan n'yo na!"
"Damn... 'wag ka munang umalis! Hintayin mo kami!"
"Nandito ako sa kalsada. Sinusundan ko na sila. Tsaka hindi tayo pwedeng magsabay. Kailangan ko ng mauna doon. Nanganganib ang buhay ni Sofia. Sumunod na lang kayo at pakibilisan! Baka naman patay na kaming dalawa bago pa kayo dumating!" inis na sabi ko sabay putol ng tawag ng magmumura ulit ito sa kabilang linya.
I put the phone in a silent mode matapos kong e-text sa kanya ang address na binigay sa akin ng gagong lalaking 'yon na dumukot kay Sofia saka muling pinaharurot ang sasakyan.
Isang abandonadong establisyemento ang lugar na dinatnan ko sa address na binigay nito sa akin. Wala ng bubong at mga bintana, tanging mga sirang pader na lang ang aking natatanaw. May mga sirang sasakyan din akong nakita. Umikot ako at sa kabila duman. Pinatay ko ang ilaw ng aking sasakyan para 'di nila makitang dumating na ako. Pinarada ko ito 'di kalayuan sa lugar.
Kaagad kong inabot ang aking Glock 19 na baril sa saftey box saka tahimik na lumabas ng kotse. Dahan-dahan akong pumasok sa loob.
Wala akong makita ni isang tao pero rinig na rinig ko ang malakas na nagtatalong boses nina Sofia at ng lalaking 'yon. Paliko na ako sa sumunod na kanto ng dalawang lalaki ang natanaw ko. Naglalakad sila palapit sa kinaroroonan ko. Kaagad akong umatras at nagtago.
"She must be crazy thinking that Boss wouldn't find her hidden escapades."
"Yeah, right. Silly girl."
Narinig ko pang usapan ng dalawa.
Maya-maya sumilip ako mula sa pinagtataguan kong pader ng tumahimik sila bigla. Tumago ako ulit ng makita kong palapit sa kinaroroonan ko ang isa samantala papunta naman sa kabilang dulo ang isa. Nagpalinga-linga pa ang lalaking mahaba ang buhok na palapit sa akin bago tinapon ang hawak na sigarilyo saka lumapit sa gilid, nag-ihi doon.
Kaagad ko siyang nilapitan at pinalo ng malakas ng baril na hawak ko sa likod ng kanyang batok. Sinalo ko siya matapos niyang mawalan ng malay at pinaupo sa gilid ng pader saka kinuha sa kamay ang kanyang baril. Sinuksok ko sa aking likod ang dala kong Glock 19.
Nagpalinga-linga ako bago muling tahimik na naglakad papasok sa loob. Nang makita kong walang tao dumeritso ako sa dulo. Pagsilip ko, busy kakalaro 'yong isang lalaki sa kanyang cellphone. Nakaharap siya sa akin kaya hindi ko siya malapitan. Kaagad sumasal ang t***k ng puso ko ng paglingon ko sa kaliwa may natanaw akong lalaking humihithit ng sigarilyo at patungo sa kinaroroonan ko. Natigilan pa ito pagkakita sa akin. Nagkatitigan pa kaming dalawa ngunit kaagad din itong natauhan at pinaputukan ako.
Sh*t..!
Nagulat pa ang lalaking naglalaro ng cellphone kanina pagkakita sa akin ng bigla akong bumungad sa harapan niya. Pinaputukan ko siya. Bumulagta ito sa sahig. Sinipa ko palayo ang kanyang baril saka hinarap 'yong lalaking nagpaputok sa akin kanina. Kaagad din itong bumulagta matapos kong barilin sa kanyang dibdib.
Hanggang sa namalayan ko na lang na marami ng nagpapalitan ng putok ng baril. Malamang nandito na ang mga kaibigan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang isipin na hindi na ako nag-iisa.
Mabilis akong tumakbo at nagtago habang nakikipagpalitan din ng putok sa kanila. Dalawang beses pa akong tinamaan ng bala sa aking braso. F*ck... buti daplis lang!
"Del Carpio!" malakas na sigaw no'ng Boss na nagpabugbog sa akin noon matapos huminto ng putukan. Pati ang malakas na hiyaw ni Sofia umaalingaw-ngaw sa katahimikan ng gabi. It seems like she's in pain the way she screamed. "Get out now from where you were hiding or else this girl will be... dead."
Kaagad akong tinubuan ng takot sa sinabi niya. Alam kong hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi at mas lalong hindi niya ako tinatakot lang.
"NO--JM! Just leave! You shouldn't have to follow me here!" umiiyak na narinig kong sigaw ni Sofia.
"Shut up!" bulyaw no'ng Boss.
"NO YOU SHUT UP! It was all because of your greedy plans Christian. And I wanna out of it--Ahhhh!" napaigik si Sofia kasunod ng putok ng baril.
Sumilip ako mula sa kinatataguan ko. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may tama sa tagiliran si Sofia. Nakatutok pa rin ang baril no'ng Boss sa kanya.
Damn... my baby!
Kaagad kong pinaputukan ang kanyang kamay. Nabitawan ni Christian ang hawak na baril sabay lingon sa akin ng lumabas ako mula sa pinagkakataguan ko. "Let her go or I gonna shoot you!"
Natigilan siya sa sinabi ko hanggang sa unti-unting siyang tumawa at nauwi ito sa malakas na halakhak. Halos umalog pa ang kanyang mga balikat kakatawa sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
Lalong uminit ang dugo ko sa kanya. Napakunot-noo pa ako ng makita kong may tinuturo si Sofia. Sinundan ko iyon at kaagad na tinutukan ng baril ang lalaking nakatutok din ang baril habang nakangising naglalakad palapit sa akin.
"Not so fast Del Carpio." boses ng isa pang lalaki mula sa aking kaliwa.
Nakakaluko ako nitong nginisian ng lingunin ko ito habang nakatutok ang aking baril sa isa ngunit pati sa likuran ko may isa pang lalaking nakatutok din ang baril sa akin.
F*ck... binaril ko na sila sa dibdib kanina pero bakit buhay pa sila?
Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Tila nahulaan naman nila ang tinatakbo ng aking utak ng biglang itaas nila ang kanilang damit habang malakas akong pinagtatawanan. Ilang ulit akong napamura sa aking isip ng makita ko ang suot nilang bulletproof vest.
Ano 'to? So, ibig bang sabihin nito 'yong putukan kanina trap din nila? Wala pa ang mga kaibigan ko?
Damn it... they're prepared! Naisahan nila ako!
Napalunok ako ng ma-corner nila akong tatlo. Kaagad kinuha no'ng lalaking nambugbog sa akin noon ang baril sa aking kamay.
"Let him go, Christian!" sigaw ni Sofia.
Nakakalukong tumawa lang si Christian habang nakatingin sa akin. "Why? Don't you want to let him know the truth?" sabi nito saka nilapitan si Sofia. Hinapit ito sa bewang sabay hatak ng buhok nito. Napatingala ito. "That you are my long time girlfriend and we're lovers?"
Nanlaki ang aking mga mata at napanganga ng siilin ng halik ni Christian si Sofia.
He savagely kissed her in front of me!
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023