Chapter 6

2650 Words
MARCO Kaagad binitawan ni Christian si Sofia at malakas na sinampal habang malutong na nagmumura. Bumagsak si Sofia sa sahig habang pigil-pigil naman ang nagdurugong tagiliran. Sinipa pa siya nito sa tiyan matapos tingnan ang kamay na pinunas nito sa mga labing kinagat niya. Namilipit si Sofia sa sakit. Samantalang ako parang tangang naestatwa sa aking kinatatayuan, nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanila. Gulong-gulo ang aking utak at natitigilan sa samo't saring pakiramdam na sumalakay sa akin matapos sabihin ni Christian na long time girlfriend at lover sila ni Sofia. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng isang timbang yelo. Biglang namanhid ang aking buong katawan habang pilit na inuunawaan ang mga sinabi nito. Pero paanong nangyari iyon e virgin siya no'ng makuha ko? Naguguluhan pa rin na tanong ko sa aking sarili. Nilapitan nito si Sofia saka padaskol na sinabunutan at pinatayo. "Awww--! Damn you Christian--!" umiiyak na hiyaw ni Sofia. He laughed. "You silly girl thinking that I wouldn't found out your hidden escapades with that bastard! Pumunta ka pa talaga sa bahay nila. Ano, pinakilala ka na niya sa kanyang mga magulang? Nilaglag mo na ba ako sa kanila ha?!" dumadagundong na singhal nito sa mukha ni Sofia saka ako binalingan. "And you... you think Sofia loves--" "Shut up, Christian!" He sneered. "Why Sofia?" tanong niya pero sa akin pa rin nakatingin. "Don't you want him to know na ikaw ang dahilan sa nangyari sa kanya three months ago? That the very first time you've met each other in a bar was not a coincidence but actually part of our plan." sabi nito saka humalakhak. "How stupid Jeff Marco Del Carpio. Your family name were famous and powerful in business industry but..." tumigil ito sa pagsasalita at paulit-ulit na tinapik ng hintuturo ang sentido nito. "...your brain is dull. I can't believe it, you know. Madali ka lang pala mauto lalo na ng babae. Hindi ka man lang nagmana sa tuso mong ama." Napanganga ako sa sinabi niya. "W-What the hell do you mean by that?" naguguluhan pa ring tanong ko sa kanya habang nagpapalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa. He laughed again. "She drugged you... simple as that. Kaya ka nga napadpad sa Condo niya matapos mong mawalan ng malay sa bar, remember that night? Hindi rin ba sayo sinabi ni Sofia na ako ang nagrereply sa mga text messages na pinapadala mo sa kanya three months ago? I never thought you've fell in love with her that easy." "What...?" nakakunot-noong sambit ko pa sa aking sarili. "How idiot." tumatawang sabi nito. "Malamang naniwala ka rin na buntis siya at ikaw ang ama kahit wala naman talagang nangyayari sa inyong dalawa." sabi nito at matiim akong tiningnan. "Kaya ba kinaladkad mo siya papunta sa mga magulang mo? Are you two planning to get married?" sabi nito saka muling humalakhak. Lalo akong napanganga saka tiningnan si Sofia. "A-Anong ibig niyang sabihin Sofia?" Umiiyak na sunod-sunod itong umiling. "I-I'm sorry JM. Nagawa ko lang 'yon dahil sa utos niya. Pero mahal kita... minahal kita--Ahhh!" napaigik ito sa sakit ng bigla itong hawakan ni Christian sa panga. "You love him?! Pagkatapos ng lahat na ginawa ko sayo ganito pa ang igaganti mo sa akin ha?! Ipagpapalit mo lang pala ako sa iba!" dumadagundong na bulyaw nito sa kanya saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito. "Awww-- tama na Christian! Tigilan mo na 'tong ginagawa mo! 'Wag mo silang idamay! Hindi sila masamang tao kagaya ng iniisip mo!" "Sila ang dahilan kaya namulubi ang pamilya ko! Kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko at napasok sa ganito!" "Biktima lang ang pamilya ni JM kaya nasangkot sila sa gulo. Ang totoo ang ama mo ang may kasalanan ng lahat kaya siya ang sisihin mo!" "Wow! Ngayon kinakampihan mo na sila?! You traitor! Parehas lang kayo ng ama mong traydor!" "'Wag na 'wag mong madamay-damay ang Daddy ko sa kad*monyohan mo Christian!" "Oh well, I forgot that you admired Vladimir so much." he laughed while mocking her. "But guess what baby..." pambibitin pa nito saka nilapit ang mukha kay Sofia. "I killed that traitor." Vladimir...? Paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa aking utak ang pangalan na 'yon kasabay ng nangangalaiting sigaw din sa akin ni Dad kanina. Animo'y napabalik ako sa loob ng Library namin habang pinuproseso ng aking utak ang mga rebelasyon na nasa harapan ko ngayon na ikinalito ko lalo. Sunod-sunod na parang bombang inihagis sa harapan ko na sa subrang bilis ay hindi ako nakatakbo't tinamaan sa pagsabog nito. Sa subrang lakas halos yanigin ang buong pagkatao ko. Para na akong mababaliw. Hindi ako makapag-isip ng matino. Hindi ko na maintindihan pa kung ano na nga ba ang nangyayari. Kung ano na ba ang aking dahilan kung bakit napadpad ako dito sa abandonadong lugar na 'to. Napapaligiran ng hindi ko kilalang mga armadong kalalakihan. Kung bakit nagkukumahog akong sundan sila. Hindi ko na alam kung ililigtas ko pa ba si Sofia sa kamay ng lalaking 'yon o manunuod at makikinig na lang ba ako sa mga sagutan nila na pawang mga plano nila sa akin, tungkol sa pamilya ko. Mga pangyayaring hindi ko maintindihan at kung hanggang saan ako dadalhin ng sagutan nilang dalawa. Na kahit nga ako hindi ko na alam sa sarili ko kung pa'no pa ba ako makakaligtas sa kanila? Kung makakalabas pa ba ako dito ng buhay. Ilang oras na ang nakakalipas pero 'yong mga kaibigan na inaasahan kong kakampi ko mukhang wala ng pakialam pa sa akin. Hindi ko alam kung darating pa ba sila para e-rescue ako kapag nagkagipitan na or baka mauulit lang din muli ang nangyari sa akin noon. Ang masaklap baka hindi lang bugbog sarado ang abutin ko ngayon. Sa nakikita kong galit at takbo ng usapan nila, sa tingin ko palpak ang naging plano nila. Pero hindi rin ako sigurado dahil ngarag pa rin ang utak ko sa pag-intindi ng mga sinasabi at ikinikilos nila. Hindi ko akalain na kasabwat si Sofia sa nangyaring pambubugbog sa akin three months ago. Now I realized, kaya pala bigla na lang siyang naglahong parang bula, tapos biglang nagpakitang muli para ipagpatuloy ang naudlot na plano nila. Pero bakit ako at ano nga ba ang plano nila? Ang paibigin ako ni Sofia? Tapos ano? Ano na ang susunod na mangyayari kapag napaibig n'ya ako, kapag ikinasal kaming dalawa? May atraso ba ang pamilya ko sa kanila kaya ginagawa nila 'to sa akin? At bakit kilala ni Dad si Vladimir Collins na ama ni Sofia? F*ck..! Hindi ko akalain na ganito kagulo ang pinasok kong relasyon na wala namang kakwenta-kwenta! Halos isugal ko ang aking buhay sa babaeng 'yon, pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya sa aking pamilya tapos malalaman kong pinaglaruan niya lang pala ako! How dare she did this to me! "W-What...?" tigagal at nanlalaki ang mga mata ni Sofia na nakatitig kay Christian. "What did you say?" "I'm the one who killed him. Well, It was just an accident. Kasalanan niya dahil sinalo niya 'yong bala na hindi naman dapat para sa kanya. Nagpakabayani siya sa isang walang kwentang babae." proud na proud pang sabi nito sabay halakhak ng malakas saka may dinukot sa gilid ng pantalon nito. Nanlaki ang aking mga mata pagkakita ko sa patalim na hawak nito. Nakangising tiningnan ako habang iniikot-ikot ang kutsilyo sa kamay nito saka binalingan si Sofia. "C-Christian--" "Kung hindi ka rin lang naman magiging akin..." sabi nito saka walang pakundangan na sinaksak sa tiyan si Sofia. "...pwes walang ibang makikinabang sayo kundi ang mga uod sa lupa! Magsama kayo ng ama mong traydor!" dumadagundong sa galit na sigaw nito. Napanganga ako at nanginig ang buong katawan habang tulalang nakatitig pa rin sa kanila. Lalo na kay Sofia na unti-unti ng bumabagsak sa sahig. Muntik pa akong matumba sa subrang pagkagulat sa aking nakita. Hindi ko sukat akalain na gagawin nito iyon. Like... magkasabwat sila diba? Pero bakit ganun ang ginawa nito? Bigla akong napahawak sa aking ulo ng kumirot iyon. Pakiramdam ko malapit ng sumabog ang aking utak. Nawiwindang ang buong sistema ko. Lalo akong naguluhan sa tinatakbo ng mga pangyayari. Hindi na kaya pang e-absorb ng nagkabuhol-buhol kong utak. Napakurap-kurap ako ng biglang damputin ni Christian ang baril niyang nasa sahig saka pinaputukan si Sofia. Pagkatapos ay binalingan niya ako sabay tutok ng baril. Kaagad kong nahigit ang aking hininga. Galit na galit niya akong tinitigan. Right then I saw his bloodshot eyes again. Napalunok ako sabay ng malakas na tadyak na biglang tumama sa aking dibdib. Humampas iyon ng pagkabilis-bilis. Sa subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko halos hindi na ako makahinga. Para na akong mahihimatay. Damn... ano na ang gagawin ko?! Dito na ba ako mamamatay?! Nagpapanic na tanong ko pa sa aking sarili. Tatlong lalaki ang nakatutok din ang mga baril na nasa tabi ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hindi ako makagalaw! Paano pa ako makakaligtas nito? Isang maling kilos ko lang siguradong sabog ang bungo ko nito. T'ngna... nalintikan na talaga! "Police! Freeze, don't move!" malakas na sigaw ng Pulis na bigla na lang sumulpot sa harapan namin. Pagtingin ko sa tabi ko may mga Pulis na rin na nakatutok ang mga baril sa tatlong lalaking komorner sa akin. "Drop the gun!" sigaw ng Pulis. Humalakhak si Christian saka nilingon ang Pulis at nilipat ang pagkakatutok ng baril dito. "I said drop the gun or else I'll shoot you!" sigaw ulit ng Pulis. Itinaas ni Christian ang dalawang kamay at dahan-dahan na binibitawan ang baril sa lapag habang walang tigil pa rin ito sa kakatawa na para bang nababaliw na. "Kick the gun away!" utos pa ng pulis. Kaagad naman iyon sinipa palayo ni Christian. Dahan-dahan na nilapitan ito ng Pulis. Ngunit pagdating nito sa tabi ni Christian ay may biglang nagpaputok na kasamahan nito. Tinamaan ng bala sa balikat ang pulis. Hanggang sa namalayan ko na lang na naglipana na ang mga bala, sunod-sunod na nagpapalitan na putukan ng mga baril, nagpapambuno na ang mga Pulis, si Christian at ang mga kasamahan nito. Hindi ako nakahuma sa bilis ng mga pangyayari. May kamao pang biglang tumama sa aking mukha. Napaatras ako at kaagad din nahimasmasan matapos kong makitang hinahabol ng dalawang Pulis 'yong kasamahan ni Christian na tumatakas. Tinulungan kong makipaglaban ang isa pang Pulis na naiwan sa tabi ko. Ilang minuto rin ang tinagal ng putukan at labanan. Nahirapan pa kami no'ng Pulis patumbahin 'yong isa. Hindi ko akalain na ang galing nito mangarate. Makailang ulit pa kaming bumagsak. Buti kaagad kong nahugot ang baril sa likod ko at napaputukan sa binti no'ng magtangkang tumakas ito. Mabilis naman kumilos ang Pulis at kaagad naposasan ang dalawang kamay nito patalikod. "Move!" utos ng Pulis sa lalaki habang nakatutok ang baril dito. Tumayo ako saka nilingon si Christian. Nakaluhod na ito sa lapag habang pinuposasan ng Pulis ang dalawang kamay nito sa likod. Nasa harapan naman si Keith at nakatutok ang baril sa ulo nito. Muli kong sinuksok ang baril sa aking likod. Naglakad ako palapit sa kanila. "Remember this face Altamonte. Iukit mo din d'yan sa kukute mo ang pangalan ko." sabi nito sabay tayo. "CHRISTIAN LEWIS." tiim bagang na sabi nito sa kaibigan ko saka ako binalingan pagkahinto ko sa harapan nila. "And you... bastard--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Malakas kong inundayan ng suntok ang kanyang mukha. Bumulagta siyang muli sa sahig. Kaagad ko siyang kinubabawan at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok sa kanyang mukha. Hindi ako tumigil kahit duguan na siya. Kung hindi lang ako inawat ni Keith at ng Pulis baka napatay ko siya sa tindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya. Halos magdilim ang paningin ko ng ngisian niya pa ako. Muli ko siyang sinuntok at ilang ulit na tinadyakan pero pinagtawanan niya lang ako na lalong ikinainit ng ulo ko. "SonOfABitch!" halos hindi gumalaw ang mga labi kong mura sa kanya sabay tadyak sa kanyang tiyan. "Tama na JM." pigil sa akin ni Keith. Itinayo ito ng Pulis. "Hindi pa tayo tapos. Babalikan ko kayo." nakatiim bagang na sabi nito. "Kung makakalabas ka pa ng kulungan." nakangising sabi ng kaibigan ko. He smirked. "You don't know me Altamonte." "Mas lalong hindi mo ako kilala--" "Aishleen Kate Altamonte." nakangising sabi nito sabay talikod, naglakad palabas kasama ng Pulis. Gulat na gulat na nagkatinginan pa kami ni Keith matapos banggitin nito ang pangalan na 'yon. Bahagya pa siyang nakanganga habang sinusundan ng tingin si Christian. "F*ck..! How did he know about my sister?" bulalas niya matapos mahimasmasan. It must be because of Sofia... Umiling ako sa aking naisip. "Come on, we need to get out of here." sabi ko sabay hatak sa kanyang braso. Malalaking hakbang na lumabas kami ng building. Naabutan pa naming binubugbog ng mga kaibigan ko si Christian at iba pang mga kasamahan nito bago pinapasok sa loob ng sasakyan ng Pulis. "Kuya, okey ka lang?" habol ang hiningang nilapitan ako ni Miguel sabay lingon sa aking likuran. "Where's your girl?" nagtatakang tanong nito. Kaagad naman lumapit sa amin si Ryan at James. Pawis na pawis at habol ang paghinga. Animo'y pagod na pagod sa nangyaring labanan kanina't pambubugbog ngayon kay Christian at mga kasamahan nito. "She's dead." sabad ni Keith ng hindi ako makapagsalita. "What?!" bulalas ni Miguel. "Keith." tawag ni Sheriff Martin. Sabay-sabay kaming magbabarkadang napalingon sa kanya. Ngumiti ito saka naglakad palapit sa amin. Nakita kong isa-isa na rin nagsialisan ang sasakyan nila. "Are you all okey?" tanong nito. Tumango kami. "Good. Everything is under control now. I'll take care of them. And sorry JM if we arrived late, we didn't rescued your--" "It's fine. You don't have to say sorry. She's one of them." "What..?!" "How does that happen?" Sabay-sabay pang bulalas nila. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Well, kahit naman ako hindi rin makapaniwala sa aking nalaman. Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Tinakasan ako ng aking utak. Tanging galit ang umaalipin sa akin ngayon. Matinding galit na kung hindi ko lang pinipigilan ang aking sarili kanina pa baka tinadtad ko na ng bala ang buong katawan ni Christian. But NO... I'm not a criminal at hindi ko kakaladkarin ang sarili ko sa putikan na kinasadlakan nila. Hindi ako kagaya nila na halang ang mga bituka. Walang awa kung pumatay, manluko, mambugbog ng taong wala namang ginagawang masama sa kanila. Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero pakiramdam ko hindi sila basta-bastang tao lang. Sa abilidad ng mga grupo nila, bihasa sa paghawak ng mga armas, at magaling mangarate, sa tingin ko malaking tao ang may hawak sa kanila. Kung sino, hindi ko alam. But I think my Dad will help me para masagot ang lahat ng katanungan na nagpapasakit ng matindi ngayon ng aking puso at utak. This is the worst nightmare I've ever had in my entire life! Hindi ko sila sinagot. Mapakla akong tumawa saka tinalikuran sila. Malalaking hakbang na naglakad ako papunta sa kinapaparadahan ng aking sasakyan. "Thanks bro. We have to go." "No problem. Keep safe." Narinig ko pang usapan nila bago ako patakbong hinabol ng mga kaibigan ko. Papasok na ako sa aking kotse ng abutan nila ako. Kaagad akong pinigilan ni Keith sa aking braso. "Dito na kami ni Migz sasakay sa kotse ni JM. Sumunod na lang kayo." sabi ni Keith kay Ryan at James. Tumango ang mga ito saka pumasok sa kanilang kotse. Binalingan ako ni Keith. "Ako na magda-drive." Wala na akong nagawa pa ng pumasok siya kaagad at naupo sa driver seat. Nagkibit-balikat na lang ako at umikot sa kabila. In-start nito agad ang sasakyan pagkapasok namin ni Migz sa loob at nilisan ang lugar. Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng maramdaman ko ang pagkirot ng aking braso. F*ck! Mura ko pa ng maalala kong may tama nga pala ako. Kaagad kong itinaas ang manggas ng aking damit. "Dadalhin ka namin sa Hospital." sabi ni Keith. "NO. Dumeritso ka sa bahay." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD