MARCO
"Bakit ba dito niyo ako dinala?" naiinis kong tanong sa kanila.
Imbes na iuwi kasi ako sa bahay, dinala nila ako sa Hospital. Daplis lang naman ang tama ko, masyado lang talaga silang exaggerated. Nakipagtalo pa ako sa kanila kanina ng makita kong iba ang daan na tinatahak ni Keith. Ngunit hindi nila ako pinakinggan hanggang sa iparada nito ang kotse sa tabi ng Hospital. Pwersahan pa nila akong pinalabas ni Miguel ng sasakyan. At ang nagpapairita lalo sa akin ay ng dalhin ako dito sa Condo Unit ni Keith pagkatapos akong gamutin ng kaibigan niyang Doctor.
Ayaw nila akong pauwiin sa bahay! Kung anong dahilan, hindi ko alam!
Isa-isa ko silang tiningnan ng masama.
"Anong oras na natutulog na 'yon sina Tita, bubulabugin mo pa." katwiran pa ni Keith.
"Tsaka uuwi kang ganyan ang itsura mo?" sigunda ni James.
"Baka atakihin sa puso niyan ng tuluyan si Mom kapag nakita kang sugatan na naman." sabi naman ni Miguel.
"Dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Bukas ka ng umuwi." sabi ni Ryan.
Lalong nalukot ang mukha ko ng pagtulungan nila ako. "Kailangan kong makausap si Dad. Gusto kong malaman ang buong katotohanan. Siya lang ang makakapagbigay linaw sa mga katanungan na nagpapasakit ng utak ko ngayon."
Natigilan sila sa sinabi ko.
"Teka... pa'no nasangkot sa mga hayop na 'yon si Dad?" nagtatakang tanong ni Miguel sa akin matapos mahimasmasan.
"Kilala ni Dad si Vladimir Collins. Nabanggit siya kanina ni--"
"Vladimir Collins?" sabad ni Keith.
Nakakunot-noong nilingon ko siya. "Bakit kilala mo ba siya?"
Umiling siya. "Not personally. But I heard something about him decades ago. Nakwento lang sa akin ng kaibigan ko. Kasama siya sa task force ng Ama ni Sheriff Martin noon."
"Task force? You mean--"
"Yeah. Isa siya sa mga protektor at nagtraydor sa grupo."
"What...?" naguguluhang bulalas ko. "Teka nga... p-paanong nagtraydor e sabi ni Christian kanina tinraydor ng Ama ni Sofia ang grupo nila?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko na alam ang tungkol diyan. Masyadong confidential ang ginagawang pang-iimbistiga tungkol sa kasong 'yan dahil maraming kapulisan ang sangkot. Hanggang ngayon nga hindi pa rin matukoy kung sino ang mastermind ng grupo nila."
"F*ck... kung ganun malaking tao pala ang binangga natin." bulalas ni James.
Kaagad akong napabaling kay James saka muling tiningnan si Keith. "Pwede mo ba akong tulungan para makausap si Sheriff Martin?"
Natigilan ito sa sinabi ko at matagal na napatitig sa aking mga mata. Animo'y binabasa ang nilalaman ng aking utak. Ngunit pinanatili kong walang anomang ekspresyon ang aking mukha.
Malalim siyang napabuntong hininga. "Ayaw kong mangako but I will try. And I'm warning you bro, syndicate ang kalaban natin hindi pipitsuging tao lang. Isang maling galaw mo lang buong pamilya natin magiging involve dito, madadamay sila."
"Twice ng nanganib ang buhay mo Kuya. Matanda na sina Mom and Dad, gusto mo bang mabulabog ang nananahimik nilang buhay?" sabad ni Miguel.
"Mas maiging 'wag mo na lang ungkatin pa bro. Ikaw na lang ang umiwas tutal nakakulong naman na si Christian." sabi ni Ryan.
"Magpalamig ka na muna, JM. 'Wag kang magpadala sa galit mo at magpadalos-dalos ng desisyon." sabi naman ni James.
I heaved out a deep sighs. "Kailangan ko pa rin makausap si Dad."
"Fine... but for now, baka naman pwede na tayong magpahinga? Pinagod ako ng mga kulukoy na 'yon kanina." sabi ni Keith sabay hawak sa kanyang likod at nakangiwing tinalikuran na kami.
Paglingon ko kay Miguel nakangiwi na rin ito habang nakahawak ang kamay sa dibdib pati si James. Si Ryan naman hinihimas ang panga.
"Ang sakit pa nga ng dibdib ko sa lakas ng tadyak ng mga gunggong na 'yon e."
"Ako nga din e, pakiramdam ko nga nabali 'yong ribs ko."
"Muntik pa nga ma-dislocate ang panga ko kanina. Buti nakaganti ako sa kanila bago isinakay ng mga Pulis. T'ngna sila."
Sabi pa nila sabay tawa.
Naglakad si Miguel palapit sa sofa at nahiga doon. Pumunta naman ng kusina si James, sumunod sa kanya si Ryan.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. Muli akong napabuntong-hininga ng malalim saka sinundan si Keith na naglakad papasok ng kwarto.
***
Kinabukasan kaagad akong umuwi ng bahay. Hindi ko na sana sila pinapasama pa ngunit mapilit sila. Nauna pang pumasok sa loob ng kotse ko. Nagkibit-balikat na lang din ako at hinayaan sila. Wala naman na akong magagawa pa. Nakapwesto na lahat sila e. 'Yong tatlo nasa likod. Si Keith naman nasa driver seat. Lahat pa nakangising aso sa akin. Ang sarap nilang sipain palabas ng bintana ng kotse ko. Mainit pa naman ang ulo ko. Hindi ko pa nailalabas ang aking matinding galit kaya 'wag silang magkamali at baka dumapo itong nangangati kong kamao sa mga mukha nila.
"Bakit nagtatanong ka ngayon tungkol kay Vladimir?" nakakunot-noong tanong ni Dad sa akin.
Nasa harapan kami ng hapagkainan ngayon. Naabutan namin silang kumakain kaya nagmadali naman si Mom kumuha ng iba pang plato at mga kubyertos para sa aming lima. Nagulat pa sila sa biglaan kong pagsulpot sa kusina kasama ang mga kaibigan ko at kapatid kong si Miguel.
"Tsaka bakit ganyan ang mga itsura niyo? Nakipag basag-ulo na naman ba kayo?" sigunda ni Mom habang mapanuri kaming tiningnan isa-isa.
Sabay-sabay pa silang nabilaukan sa mga kinakain nila sa sinabi ni Mom. Sunod-sunod na napaubo si Ryan at Miguel, exaggerated pang hinahampas ng kamay ang dibdib. Naibuga naman ni Keith ang iniinom niyang tubig sa harapan ni James. Kaagad itong napatayo sabay batok sa ulo ni Keith. Tahimik lang din akong nakamasid sa kanila. Hanggang sa nakita kong sumisenyas si Ryan. Naguluhan pa ako noong una kung ano ang ibig niyang sabihin. Pasimple kaming nagkatinginan na magkakaibigan na tanging mata lang ang gumagalaw, nag-usap-usap ngunit hindi iyon nakalusot sa paningin ng mga magulang ko. Lalo lang nangunot ang noo ni Dad at sinamaan naman kami ng tingin ni Mom.
Bwesit palpak ang acting ng mga luko!
Mga pahamak talaga. Sinabihan ko na sila kanina na 'wag sabihin sa mga magulang ko kung ano ang nangyari sa amin kagabi pero sa mga inaakto nila ngayon masyadong nagpapahalata. Malakas pa naman ang radar ni Mom. Lalo na si Dad, magaling manghuli. Paikot-ikutin ka hanggang sa ikaw na lang magsawa kakasinungaling at kusang magsasabi ng totoo.
I cleared the lump in my throat. "Nalaman kong ama nga ni Sofia si Vladimir Collins. I'm sure kilala mo siya... Dad. Gusto kong malaman kung ano ang buong pagkatao niya."
"Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo tungkol sa kanyang ama kung gusto mong malaman ang buong pagkatao niya?" tanong niya agad sa akin.
"Ayaw niyang sabihin sa akin." pagsisinungaling ko pa. Kaagad ko rin pinagmumura ang sarili sa aking isip matapos kong ma-realized ang palusot na lumabas sa bibig ko.
"Ayaw niyang sabihin sayo? Tinanong mo ba siya kung bakit?"
Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. Biglang na blangko ang aking utak kaya tumango na lang ako.
"Ganyan ba ang uri ng babaeng gusto mong pakasalan JM? Ni hindi nga kayang sabihin--"
"Bakit hindi niyo na lang sabihin sa akin kung ano ang nalalaman niyo sa Vladimir na 'yon?" frustrated na sabad ko sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Bakit hindi niyo pa kasi aminin kung ano talaga ang nangyari sa inyo at bigla na lang kayo napasugod lahat dito sa bahay? Tapos apurado ka pang nagtatanong tungkol kay Vladimir." makahulugan na tanong ni Dad sa akin.
Sabay-sabay pang napaubo ang mga hinayupak. Tiningnan ko sila ng masama. Now I realized kung bakit gusto nilang sumama sa akin dito sa bahay at ganun ang mga ikinikilos nila sa harapan ng mga magulang ko simula pa kanina pagpasok namin dito sa kusina.
Para ibuking ako! Akala ko uma-acting lang sila. Hindi pala! Sinasadya nila at nang maghinala at mag-usisa ang mga magulang ko sa amin!
Damn it...! Ano bang akala nila sa akin wala akong utak at makikipaglaban pa sa grupo ni Christian? Sabagay wala naman talaga akong utak. Sugod lang ako ng sugod. Hindi ko man lang inaalam muna ang kapasidad ng mga kalaban. Ni hindi ko nga inisip na maaaring mamatay ako sa padalos-dalos na mga kilos ko. Para ako itong tanga na pinapain na pala ang buhay kay kamatayan dahil sa isang taong wala namang kwenta. Sa isang babaeng inisip kong nakalaan na para sa akin sa ikli ng panahon na nakilala ko siya. Na para bang siya na ang pinakaperpektong nakita ko sa buong buhay ko. Kaya para ako itong nagayuma at nabaliw sa kanya. Tapos malalaman kong scripted lang pala ang lahat! Niluko niya ako. Pinaikot sa kanyang mga palad! Puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi niya sa aking tungkol sa pamilya niya!
Nakakabwesit! Lintik din kasing puso na 'to e. Ayaw na ngang makisama, pinahamak pa ako. Kung sino pa ang may dalang panganib at nagbabalatkayo lang sa harapan ko doon pa tumibok. Pero kahit paulit-ulit pa akong magsisi, huli na at hindi ko na maibabalik pa ang panahon. At mas lalong ayaw ko ng balikan!
Gusto ko lang naman malaman ang totoo dahil hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko. Gahibla na lang ng sinulid ang natitirang pagtitimpi ko sa sarili bago sumabog sa tindi ng galit na kinikimkim ko sa loob ng aking dibdib. Tapos dumadagdag pa sila.
Ang sarap magwala sa kapalpakan na nagawa ko sa buhay!
"Something terrible happened last night and Sofia Collins was dead." walang filter na biglang amin ni Keith.
"Whaaat?" sabay pang bulalas ni Mom and Dad.
Marahas kong nilingon si Keith. I gave him a warning look pero matiim niya akong tinitigan saka binalingan si Dad. "Kaya gustong malaman ni JM ang tungkol kay Vladimir, pati na rin kami."
"P-Paanong namatay?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Mom.
Nagpalipat-lipat ang nagtatanong niyang mga mata sa amin. Nagkatinginan muli kaming magbabarkada. Wala ni isang umimik. Hanggang sa naramdaman ko ang pagsiko ni Keith sa aking tagiliran. Pagigil kong inapakan ang kanyang paa sa ilalim ng mesa.
Pagkatapos niyang umamin ako itong ipapain ng bwesit na 'to!
"Awwww--!" malakas na daing niya. Kaagad napabaling sa kanya ang buong atensyon ng nasa mesa. Patay malisya lang ako. Tiningnan niya ako ng masama. "Bakit hindi mo pa kasi aminin sa mga magulang mo ang totoo ng malinawan ka na?" inis na asik niya sa akin.
Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. Sinisikap kong ilihim ang totoong nangyari para hindi mag-alala si Mom kaso ang Keith na 'to hindi makaintindi. Tuloy hindi ko alam kung pa'no ko e-explain kay Mom ang nangyari kagabi na hindi siya maghe-hysterical. Mamaya atakihin pa 'to sa puso.
Shet talaga!
"Bakit ba kasi sumama pa kayo dito?" galit kong tanong sa kanila.
"To protect you, simple as that!" sabay-sabay pang sabi nila.
"Tsaka Kuya kahit nakakulong na ang mga 'yon hindi ibig sabihin no'n ligtas ka na, tayo."
"Yes, tama. May mga galamay pa rin 'yon na gumagala sa labas." sigunda ni James.
"Hindi rin natin alam kung kailan aatake. At hindi lang ikaw ang involve dito. Damay-damay na tayo nito JM." sabi naman ni Ryan.
"Oo na. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat." naiinis kong sabi sa kanila ng pagtulungan na naman nila ako.
"Hindi 'yon ang pinupunto namin, damn it!" sabay-sabay ulit na sabi nila.
"'Wag kayong magmura dito sa harapan ng hapag at gugulong talaga kayong lima palabas ng pintuan!" galit na singhal sa amin ni Mom.
"Sorry po Tita." sabay-sabay ulit na sabi nila saka yumuko.
Biglang natahimik ang buong paligid. Wala ni isang nagsalita. Tanging mga buntong-hininga lang nila ang naririnig kong ingay. Pagtingin ko kay Mom ang sama pa rin ng titig niya sa amin. Si Dad naman nakatiim bagang at walang kurap-kurap na nakatitig, literal sa akin.
I heaved out a deep sighs. "D-Dinukot si Sofia kagabi pagkalabas namin dito sa bahay. Sinundan ko 'yong Van matapos kong makilala na sila 'yong nagpabugbog sa akin three months ago. Kaya tinawagan ko si Keith for back-up. Huli na ng malaman ko na kasabwat pala si Sofia ng mga hayop na 'yon. Pero naguguluhan ako kung bakit pinatay ni Christian si Sofia." sabi ko sabay tayo. Lahat sila seryosong nakatingin sa akin. Binalingan ko si Dad. "Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niyang nagtraydor si Sofia. Pati 'yong Vladimir na ama niya. P-Paanong nagtraydor sa kanila e sabi ni Keith naging traydor sa task force ng ama ni Sheriff Martin si Vladimir... a decades ago?" sabi ko with action pa ng kamay.
Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay ng makita kong nagkatinginan si Mom and Dad. Animo'y may malaking sekreto silang tinatago. Kung ano, hindi ko alam!
And my damn curiosity is killin' me!
Lalong nanguno't ang aking noo ng hindi kaagad sila nagsalita. Mataman lang akong tiningnan habang frustrated ng nagpapabalik-balik ng lakad sa harapan nila. Kanina pa ako naiinis. Pakiwari ko kasi ayaw nilang sabihin sa akin kung ano ang mga nalalaman nila sa pamilya ni Sofia. Kung anong dahilan ang pumipigil sa kanila, mas lalong hindi ko alam!
F*ck! Mura ko pa sa aking utak. Malapit na akong mabaliw kakaisip para ma-solve ang puzzle na nagpapasakit ng ulo ko pero sila parang wala ng balak pang magsalita. Naiinip ako sa sagot ni Dad. Pinipigilan ko lang ang sarili kong apurahin siya at baka bigla na lang dumapo ang kamao niya sa aking mukha. Lalo't galit na galit siya sa aking kagabi ng talikuran ko siya habang kinakausap pa ako at lumabas ng Library. Ako pa itong nagmatigas sa kanya. Hindi ako nakikinig!
Arrrgh!
Malalim na bumuntong hininga si Mom. "Kumalas sa grupo nila si Sofia." sabi niya.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023