Chapter 8

2514 Words
MARCO Kaagad akong napabaling kay Mom. "W-What do you mean kumalas si Sofia sa grupo nila? Tsaka pa'no mo nalaman?" naguguluhang tanong ko kay Mom. "Kinausap ko siya sa sala kagabi diba?" Napailing ako. "Naniwala ka naman sa mga sinabi niya? E sa akin nga puro mga kasinungalingan ang sinabi niya tungkol sa kanyang sarili. Sa dami ng sinabi niya sa akin wala akong maalalang tama dahil no'ng bigla na lang siyang nawala na parang bula puro peke ang lugar na sinabi niya sa akin kung saan nakatira ang mga magulang niya. Ni hindi nga siya kilala ng mga taong nakatira doon nang puntahan ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong alam sa buong pagkatao niya. At ang masaklap muntik niya pa akong mapikot! Pero ang ipinagtataka ko bakit ginawa niya 'yon sa akin? Anong motibo nila?" sabi ko saka muling nagpabalik-balik ng lakad. "Tsaka bakit... bakit ako?!" turo ko pa sa aking sarili. "Ano bang atraso ko sa kanila para ganituhin nila ako? Para g*guhin ako!" "Dahil sa akin." sabi ni Dad. Nakakunot-noong tiningnan ko si Dad ng hindi niya na dugtungan pa iyon. "Anong dahil sayo? Tsaka bakit ang ikli lang ng mga sagot niyo?" Malalim na napabuntong-hininga si Dad. "Gusto ka nilang gamitin para e-blackmail ak--" "E-blackmail? Para saan?" sabad ko sa kanya. "Delikado ang lagay niyo dito. Umiwas muna kayo. Lahat kayo... umuwi kayo ng Pilipinas." sabi niya sabay tayo. Tiningnan niya kami ni Miguel. "Ipapagamot dito ni Tito Conrad niyo si Felly kaya wala ng maiiwan pa sa Hacienda pati sa Rancho. Hindi kakayanin ni Oscar mag-isa doon. Ikaw na mangasiwa doon JM." I released a pissed groaned. "Ayoko doon. Busy ako sa kompanya. Si Mig--" "Bakit ako?!" biglang sabad ni Miguel. "Busy din ako sa trabaho ko. Wala akong oras para doon. Ikaw na lang. Ikaw naman ang panganay." Tiningnan ko siya ng masama. "Kaya mo bang gawin ang ginagawa ko? Kung hindi, 'wag kang umangal diyan. Tsaka may ipapatayong Hotel doon sa probinsya kaya doon ka rin naman sa Hacienda tutuloy. Bakit hindi mo pa pagsabayin?" "Magso-supervise lang naman ako sa ipapatayong Hotel. Hindi ako mananatili doon no. Puno ang sched--" "Puno ng schedule para sa mga babae mo?" galit na sabad ni Mom. Sabay pa kaming napabaling sa kanya ni Miguel. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin habang nakapamaywang. Nakita kong napalunok si Migz. Napangisi ako. Kaagad din akong napaayos ng tayo ng samaan ako ng tingin ni Mom. "Anong babae? Wala naman akong babae." patay malisya pang sabi ni Migz. "E sino-sino 'yong mga babaeng panay doorbell sa labas ng bahay aber? May iba pa bang Miguel na nakatira dito?" Biglang napahagalpak ng tawa si Migz sa sinabi ni Mom. Halos umalog pa ang mga balikat nito kakatawa. Napailing ako. Tahimik lang din na nakamasid sa amin ang mga kaibigan ko. Pilit na sinusupil ang mga ngisi sa kanilang mga labi. Takot lang nila masigawan ni Mom. Pinanlitan ito ni Mom ng mga mata. "'Wag mo akong pagtawanan diyan Miguel at baka dumapo 'tong kutsara sa mukha mo." "Ikaw naman Mom masyado kang seryoso, hindi ka na mabiro." nakatawa pa ring sabi ni Migz. "Bukas umuwi na kayo. 'Wag na kayong magtagal dito lalo't mainit pa ang isyu." seryosong sabad ni Dad. Napatitig ako sa kanya. "Ano ba ang nalalaman mo Dad tungkol kay Vladimir Co--" "'Wag ka ng magtanong pa JM dahil hindi naman kita sasagutin. Mas makabubuting wala kayong alam." sabi niya at makahulugan kaming tiningnan na magbabarkada. "'Wag ka din dumikit masyado kay Sheriff Martin, Keith. Baka madamay ka. Delikado ang kasong hinahawakan niya. Hanggang ngayon palihim pa rin nilang sinusubaybayan ang grupo. Hindi siya naniniwalang sa isang shoot-out lang namatay ang kanyang ama." "Alam ko din po 'yan Tito. Pero ang nakapagtataka lang kasi ay kung bakit pinatay ni Christian si Sof--" "Sabi ko mas mainam ng wala kayong alam. Magpalamig muna kayo. Susunod din ako sa Pilipinas pagkatapos kong ma-secure ang kalagayan ni Felly pagpunta nila dito ni Conrad. Doon ko na lang sasabihin sa inyo. 'Wag ngayon. Baka kung ano pa ang maisipan niyong gawin. Alalahanin niyo, damay-damay tayong lahat nito, pati pamilya niyo. Lahat ng mahal niyo sa buhay. Naiintindihan niyo ba ang ibig kong sabihin?" seryosong sabi ni Dad. Walang umimik ni isa man sa amin. "Mag-impake na kayo." dugtong niya pa sabay talikod. Lumabas ng kusina. Nagkatinginan na lang kaming magbabarkada sa inakto ni Dad. Sa uri ng mga salitang binitawan niya at kilos pakiramdam ko sumabog na ng tuluyan ang ulo ko. Hindi ko pa nga naririnig ang buong paliwanag niya subra-subra ng takot ang naramdaman ko, pa'no pa kaya kung malaman ko na ang buong katotohanan? Damn..! Gustuhin ko man isumpa si Sofia hindi ko magawa. Kahit subra-subra ang galit na nararamdaman ko sa kanya, still, naaawa pa rin ako sa sinapit ng kanyang buhay sa kamay ng g*gong lalaking 'yon. "Magpapaalam na po kami, Tita." maya-maya narinig kong sabi ni Keith. Kaagad akong napatingin sa kanya. Tinapik niya ako sa aking balikat saka lumabas ng kusina. Sumunod sa kanya si Ryan at James. "JM..." tawag sa akin ni Mom ng akmang susundan ko ang mga kaibigan ko. Kaagad akong napabaling sa kanya. "Kayo na muna ni Miguel--" "Mom." sabad ko sa kanya. "Ayokong manatili sa Hacienda. Hindi na nga ako magkandaugaga sa pagpapatakbo ng kompanyang iniatang sa akin ni Dad. Si Mig--" "Bakit ba lagi mo na lang sa akin ipinapasa ang Hacienda e ayaw ko nga din doon?" asik sa akin ni Migz saka binalingan si Mom. "Ibenta n'yo na lang kung hindi niyo na kaya. Basta ako hindi niyo maaasahan diyan. Marami din akong ginagawang trabaho. Wala na akong balak pang dagdagan ang problema ko sa kompanya." sabi niya sabay hakbang palabas ng kusina. Nagkatinginan kami ni Mom. Umiling siya sabay buntong-hiningang malalim. "Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa inyong dalawa." malungkot na sabi ni Mom. I sighed. "Hindi na kami bata kagaya ng tingin mo sa amin ni Migz, Mom. Kaya na namin protektahan ang sarili namin." Sinamaan niya ako ng tingin. "Kaya niyong protektahan ang sarili niyo? Kaya pala pangalawang beses ka ng muntik-muntikan mamatay." kaagad akong natigilan sa kanyang sinabi. Napatitig ako sa naiinis niyang mukha. "Tapos magdadala ka ng babae dito sa bahay kagaya pa--" "No worry, hinding-hindi na mauulit pa 'yon. That's gonna be the first and last girl na dadalhin ko di--" "Hindi 'yan ang gusto kong sabihin!" "Ganun pa rin po 'yon. Inaamin ko nagkamali ako at nagpadalos-dalos sa mga naging desisyon ko sa buhay. But starting today, I will try something new. Something na hindi makaka-attract sa mata ng mga tao." Nagsalubong ang mga kilay ni Mom sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" Nagkibit-balikat lang ako. "I guess dahil sa apilyido ko kaya nagka-interest ang grupo ni Sofia sa akin. Ginamit niya pa ang pagbabanda ko pero ang totoo mas interesado sila sa power and connections na maaaring makuha nila kung sakaling pinakasalan ko nga siya." Muli siyang napabuntong-hininga. "Kahit ganun ang ginawa ni Sofia, still sa huli pinangtanggol ka pa rin niya." Natigilan ako sa sinabi niya. "P-Papaanong pinagtanggol e siya nga itong kumaladkad sa akin sa hukay?" "Inamin niya sa akin na nagkasala siya sayo--" "Nagpauto ka naman?!" "'Wag mo akong sigawan, hindi ako bingi." Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "Simula ngayon ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa babaeng 'yon. Tama nga si Dad. Mas mabuti ng wala akong alam dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatay si Christian sa loob ng kulungan." I sighed. "Pasensya na kung nadamay kayong lahat ng dahil sa akin. Hindi ko sinasadya. Pero makakaasa kayong hindi na mauulit pa ang nangyari at gusto kong tapusin na ang lahat dito. Uuwi ako ng Pilipinas bukas na bukas rin. Pero 'wag niyo akong asahan sa Hacienda lalo na sa Rancho. Ayoko doon. Sa aking Condo sa Makati ako mag-e-stay." sabi ko sabay hakbang palabas ng kusina. Dumeritso ako ng kwarto at nag-impake. Ilang importanteng gamit at mga papeles lang naman ang nilagay ko sa aking maleta. Hindi ko naman kailangan magdala ng maraming damit dahil meron ako no'n sa Condo. Pagkatapos kong magligpit nagtungo ako ng minibar para kumuha ng alak. Naabutan ko doon si Migz at Dad na umiinom. Sabay pa silang natigilan pagkakita sa akin. I smirked. "Bakit ganyan kayo makatingin? Nakaistorbo ba ako sa heart to heart talk niyong dalawa." sabi ko habang naglalakad palapit sa kanila. Kumuha ako ng baso at kaagad sinalinan iyon ng whiskey. Hindi sila umimik. Tahimik na nakasunod lang ang mga mata nila sa akin. Kunot-noong tiningnan ko sila habang sumisimsim ng alak sa aking baso. Umayos ng upo si Migz. "Hindi pa rin mahanap ni Dad 'yong kaibigan niyang kumupkop sa kanya noong maiwan siya sa Isla Alona ni Grandma." "Si... Philip?" tanong ko. Tumango si Dad. "I hired an investigator pero until now wala pa ring balita. Umalis na sila sa lugar na 'yon at hindi na bumalik pa. Wala rin masyadong nakakakilala sa kanya doon na pwedeng pagtanungan kung saan lumipat." "Ang tagal na no'n ah. Nakakapagtaka naman until now walang makalap na impormasyon si Santos." "Well kasalanan mo dahil palpak ang investigator na binigay mo sa akin." sikmat sa akin ni Dad. Bigla akong nasamid sa iniinom kong alak. Sunod-sunod akong napaubo sabay lapag ng basong hawak ko sa mesa. Pinanliitan ako ng mata ni Dad. I chuckled. "Nirekomenda 'yon sa akin ni Keith. Tsaka kilala ko si Santos, maaasahan 'yon." Lalong nalukot ang mukha ni Dad sa sinabi ko. "Talaga, maaasahan? Kaya pala ilang dekada na ang lumipas wala pa rin siyang maibalita sa akin kung nasaan na ang pamilya ni Philip. Iwan ko ba kung tinatrabaho ba talaga no'n ang pinapahanap ko sa kanya or ano. Mukha kasing natutulog sa pansitan e." Napahagalpak ng tawa si Miguel. "Try mo si Suarez Dad or 'yong private investigator ni Uncle Win. Mas mabilis 'yon kumilos." Kaagad binalingan ni Dad si Migz. "May alam ka pala tapos... bakit ngayon mo lang binanggit 'yan?!" singhal ni Dad sa kanya. "Woooo." nakangising sabi ni Migz habang nakataas ang dalawang kamay sabay atras ng upuan. "Easy lang po Dad... Chill.. masyado kang hot." "Iinit talaga 'tong kamao ko diyan sa mukha mo Miguel. Alam niyo naman ni JM na matagal ko ng pinapahanap si Phil--" "Teka... bakit kasalanan ko pa tuloy?" sabad ni Migz. "Nag-suggest lang naman ako. Tsaka malay ko bang seryoso ka sa paghahanap sa Philip na 'yon." "Utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya baka wala din kayo dito sa mundo." makahulugang sabi ni Dad sabay lagok ng alak na nasa baso niya. Muli niya itong sinalinan. "Kinupkop ka lang naman niya. Hindi naman nanganib ang buhay mo para sabihing utang mo sa kanya 'yon." katwiran ko pa. Malalim na bumuntong-hininga si Dad saka nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Migz. "Something happened to your Grandma during that time kaya hindi niya ako kaagad nabalikan." "What do you mean?" nagtatakang sabay pang tanong namin ni Migz sa kanya. "Tinambangan ang kotseng sinasakyan ng Lola niyo noong pabalik sila ng Isla Alona para hanapin ako. Nakipaglaban ang mga kasamahan niya ngunit lahat sila namatay. Si Mom at ang isa niya pang kaibigan ang tanging nakaligtas bago sumabog ang kotseng kinasasakyan nila matapos mahulog sa bangin." mahabang paliwanag ni Dad. "Bakit tinambangan? Anong kasalanan ni Grandma para pagtangkaan ang buhay niya?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Mag-impake na kayo ni Mig--" "Tapos na akong mag-impake." sabay pa naming sabi ni Migz. Nagkatinginan pa kami at sabay rin na napabaling kay Dad na seryosong nakatingin din sa aming dalawa habang sumisimsim ng kanyang alak sa baso. "Bakit ayaw mong sabihin sa amin ang nangyari kay Lola five decades ago?" tanong ko. Naguguluhang nagpabalik-balik na ako ng lakad sa harapan nila ng maalala ko ang dating kwento na ikinamatay ni Grandma. "Tsaka... diba sabi niyo dati namatay si Grandma sa isang car accident. So, bakit ngayon sinasabi mong nakaligtas siya? A-Ano ba talaga ang totoong nangyari?" "Ang mga armadong tumambang sa Lola niyo at ang mga nakabangga niyo ngayon ay iisang grupo lang. Ibang tao ang gumawa pero iisa ang lider." "F*ck!" sabay pang mura namin ni Miguel. "So, ibig sabihin ang lahat ng nangyayari ngayon si connected from the past?" tanong ni Migz. "Unfinished business, ganun ba?" sabi ko. Umiling si Dad. "Ang paghahanap kay Philip ang pinag-uusapan natin dito hindi--" "Pano kung nadamay pala ang pamilya niya dahil sa pagtulong niya sayo kaya hanggang ngayon hindi mo siya mahanap?" bulalas ko. Kaagad natigilan si Dad at napatayo sa kanyang kinauupuan. "Sh*t, bakit hindi ko man lang naisip 'yon?" sambit niya pa sa kanyang sarili. "Kailangan kong makahanap ng impormasyon tungkol sa kanya as soon as posible. Kabilin-bilinan 'yon ng lola n'yong hanapin si Philip. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong may masamang nangyari sa kanila ni Nay Josie." sabi niya sabay hakbang palabas ng minibar. "Teka... sandali lang Dad." pigil ko sa kanya. Kaagad siyang huminto at binalingan ako. "Ikwento--" "Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan. Kailangan kong makausap muna si Jherwin, magpapatulong ako sa kanya sa paghahanap kay Philip." sabad niya saka nagmamadali ng lumabas. Nagkatinginan na lang kami ni Migz sa inakto ni Dad. Nagkibit-balikat siya makalipas ang ilang minutong katahimikan pagkaalis ni Dad. "Dederitso ako sa Hacienda pag-uwi natin bukas." inporma niya sa akin. "Buti naman nagbago na ang pasya mo." sabi ko sabay tungga ng alak sa aking baso. Muli akong nagsalin ng panibago. "NO. Nakiusap lang sa akin si Dad. So, I decided na simulan na ang construction ng Hotel. Go signal ko lang naman pala ang hinihintay, ready na ang lahat. But, hindi ako nag-promise sa kanya na gusto kong pangasiwaan ang Hacienda. Lalo na ang Rancho. Wala akong hilig do'n. Ikaw--" "Ha, dream on. Ikaw ang nandun kaya reponsibilidad mo na rin 'yon. 'Wag mong ipasa sa akin dahil tambak ang gawain ko. Puro lang pambubulakbol ang alam mo." "Whoa..! Look who's talking!" "Whatever." sabi ko sabay hakbang palabas. Narinig ko pa ang pagbagsak niya ng baso sa mesa pero hindi ko na siya pinansin pa. Deri-deritso ako ng lakad papunta sa aking kwarto. Ngunit kaagad din akong natigilan sa narining kong usapan ng mga magulang ko. Nagtago ako sa gilid ng nakaawang na pinto ng kwarto nila. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili doon at seryosong nakikinig ng usapan nila nang may biglang tumapik sa aking balikat. Nagulat pa ako ng malingunan ko si Miguel. Mabilis ko itong hinatak palayo sa kwarto ng mga magulang ko ng akmang sisilip pa ito sa loob. "Siraulo ka talaga!" sikmat ko sa kanya. "Ano bang ginagawa mo doon at--" "Wala! Pumunta ka na do'n sa kwarto mo." sabi ko sabay tulak sa kanya. Tigagal siyang napatitig sa akin. Nagpalipat-lipat pa ang kanyang tingin sa akin at sa kwarto ng mga magulang ko. Hindi ko na siya pinansin pa. Kaagad ko siyang tinalikuran at pumasok na ng aking kwarto. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD