Chapter 9

2461 Words
JILLIAN "Hello... Jordan? Hello..? Hello..?" paulit-ulit kong tawag sa kaibigan ko ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya. Wala rin akong marinig na kahit ano. Tiningnan ko ang screen pero connected pa rin naman ang tawag. Bwisit..! Inis na inis na pinatay ko ang tawag at muli siyang tinawagan. Ngunit out of coverage na ang number niya. Frustrated na napapadyak ako sa aking kinatatayuan. Nandito ako sa labas ng SM sa may bayan. Tumawag ang kaibigan kong si Jordan sa akin kanina na dito kami magkikita. Galing pa siyang Manila. Pumunta lang siya dito para isakatuparan ang surprise namin sa birthday ni Inay mamaya. Nagkunwari pa akong hindi naalala ang kaarawan nito kaya ayon malungkot na iniwan ko sa bahay kasama si Cheena at Blessie na pilit inaaliw ang Inay. Simula kasi ng malulong ang Inay sa alak never ko na siyang iniwan pang mag-isa sa bahay. Kahit nahihiya na ako sa mga kaibigan ko kinakapalan ko na ang aking mukha 'wag lang maulit ang nangyaring 'yon sa kanya. Kung dati naagapan ko pa siya, ngayon hindi na ako sigurado sa nakikita kong lagay niya. At 'yon ang ikinatatakot ko. Na pati siya ay mawala sa akin. Tanging siya na lang ang natitirang pinanghuhugutan ko ng aking lakas. Para patuloy na lumaban, bumangon at 'wag sumuko sa lahat ng hamon na dumating sa buhay naming dalawa. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinatanaw ang baklang 'yon at ang tagal naman dumating. Kanina pa ako dito, magkakalahating oras ng nag-aantay sa kanya. Pinagtitinginan na ako ng labas pasok na mga tao sa loob ng SM. Langya... Saan ba kasi pumunta ang-- Nagulat ako ng biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Muntik ko pa itong mabitawan. Jordan calling... Dali-dali kong pinindot ang answer button. "Nasaan ka na ba?!" sigaw n'ya sa kabilang linya. Bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa aking tainga sa lakas ng kanyang boses. Ang ingay pa ng background niya. "Nandito sa harapan ng SM." "Ha..? Bakit nandiyan ka?" Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. "E sabi mo dito tayo magkikita?" "Ang tagal mo kayang dumating. Ang init-init sa labas kalorkey. Masisira ang beauty ko gurl kaya dumeritso na ako dito sa Grocery Store." maarte pang sabi niya. "Lintik ka--" Malakas itong napahagalpak ng tawa sa kabilang linya na ikinainis ko lalo. Nandito na pala siya kanina pa, hindi man lang ako tenext! Hinayaan niya akong tumayo dito sa labas na parang tangang nag-aantay sa kanya 'yon pala nagpapalamig na siya sa loob. Masasabunutan ko talaga 'to ng wala sa oras. Himutok ko pa sa aking sarili. "Pumasok ka na dito. Anong oras na, magluluto pa tayo. Kakapusin na tayo nito sa oras." sermon niya pa sa akin na para bang ako ang may kasalanan. Malalaking hakbang na pumasok ako agad sa loob ng SM habang binubungangaan siya. Pinagtitinginan pa ako ng mga nakakasalubong ko pero hindi ko sila pinansin. Inis na inis akong deri-deritso lang ang lakad. "Alam mo ikaw... hindi ka lang nakakainis, ulyanin ka pa. May pa sabi-sabi ka pang mag-antay ako sa labas 'yon pala nandito ka na sa loob. Hindi mo man lang ako tenext!" nanggigigil kong sabi sa kanya na para bang kaharap ko siya. Muli itong tumawa sa kabilang linya. "Churi na. May nakita kasi akong wafu kaya--" "Ah ganun? Nakakita kang wafu kaya bigla mong akong nakalimutan--Ayyy!" malakas na tili ko ng biglang may matigas na pader ang bumangga sa akin. Sa subrang tigas kaagad akong nabuwal-- OH NO--! hiyaw pa ng aking utak ng marealized kong babagsak ako ng sahig. Nabitawan ko din ang hawak kong cellphone sa subrang pagkagulat. Pati ang shoulder bag natanggal din sa balikat ko. Nakataas pa sa ere ang aking mga kamay habang nanlalaki ang mga mata't bahagya pang nakanganga ang mga labi. Patumba na ako nang maramdaman ko ang brasong mabilis na humaklit sa aking bewang. Nahigit ko ang aking paghinga ng bumaba ang kanyang katawan sa akin. Lalo na ang kanyang mukha! Shet! Hahalikan pa ata ako ng hinayupak na 'to! Halos mabali na ang bewang ko sa pagliyad makalayo lang sa kanya ngunit ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin ng malabakal nitong braso. Napakislot pa ako ng maramdaman kong parang may kuryenteng nanulay sa aking buong katawan ng dumikit pa lalo ang katawan namin sa isa't isa. "Don't move or else we both fall down." Naestatwa ako pagkarinig ko sa baritonong boses nito. Lalo na ng maamoy ko ang mabango at mainit na hininga nitong tumatama sa aking mukha. Bigla akong nawala sa aking sarili ng makita ko ang kanyang mukha. Nagpalipat-lipat pa doon ang aking tingin pati sa kanyang isang kamay na nakataas pa sa ere at hawak ang cellphone ko. Naibato ko ata kanina sa subrang pagkagulat. Hindi ko naman kasi sukat akalain na may bigla na lang susulpot sa harapan ko no'ng lumiko ako. Pakiramdam ko biglang nag-freeze ang paligid ng magtama ang mata naming dalawa. Lumukso at tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Parang may mga kabayong biglang nagtakbuhan na sa loob. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakalimutan ko na pala ang paghinga. Walang kurap-kurap na napatitig ako sa kanyang mukha ng matagal. Animo'y kinakabisado ng aking utak ang bawat parte no'n. Lalo na sa mapanghipnotismo at mapupungay niyang kulay brown na mga mata na may mahahaba at naka-curve na mga pilik mata na gulat na gulat ring nakatitig sa akin. Na para bang hindi kami makapaniwalang nakatitig sa isa't isa. Animo'y sarili namin ang mundo. Walang pakialam sa paligid. Tanging kaming dalawa lang ang nag-e-exist. Para akong hinihila at hindi ko kayang magbawi ng tingin sa kanya. Tapos ang ganda pa ng pagkakakorte ng makakapal niyang mga kilay. Bigla akong nahiya sa sabog-sabog kong kilay na matagal ng panahon na hindi nasasayaran ng pang-ahit. Ang tangos pa ng kanyang ilong at mamula-mula ang kanyang mga labi. Parang ang sarap halikan! Shet..! Ang gwapo..! Kamukha niya 'yong crush kong lead singer ng PRINX Boy Band! Kaagad akong nahimasmasan sa tinatakbo ng aking utak. Sabay ng biglang pag-init ng aking mukha ng makita kong tumaas ang gilid ng kanyang labi habang nakatitig ako doon. Goodness Jillian... nakakahiya ka! Kastigo ko pa sa aking isip. "B-Bitiwan mo ako." mahinang sabi ko sa kanya. Ngunit muli akong natigilan ng ngitian niya ako. Pakiramdam ko tumambling na ang aking puso ng masilayan ko ang maganda niyang ngiti. Nakalitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Tapos may dalawa pang biloy sa magkabilaang pisngi. Kung mag-o-audition 'tong pang commercial sa toothpaste siguradong pasok 'to agad. Napakurap-kurap ako ng lumapad lalo ang ngiti niya. Shet...! Ano ba 'tong nangyayari sa akin! Naipilig ko ang aking ulo. Kaagad kong hinawakan ang kanyang mukha at tinulak palayo sa akin. Umayos siya ng tayo kasabay ako. Wala sa sariling napakapit pa ako sa kanyang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit nanlalambot ang aking mga tuhod. Nanghihina ako. Siguro kung hindi lang nakayapos ang kamay niya sa aking bewang bigla na lang akong babagsak. Teka, nakayapos...? Mabilis pa sa alas kuwatrong umayos ako ng tayo saka pinagkakalas ang kanyang brasong mahigpit pa rin na nakapulupot sa aking bewang ng ma-realized ko ang ayos naming dalawa. Ngunit ayaw niya akong pakawalan! Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Bitawan mo ako." He smirked. "Kaya mo na bang tumayo mag-isa?" nakakalukong tanong niya pa sa akin. "Anong akala mo sa akin pilay? Bitawan mo na ako." singhal ko sa kanya saka muling tinanggal ang braso niya pero parang wala atang planong pakawalan ako ng damuhong na 'to. "Sinabi ng bitawan mo ako!" sabi ko sabay tulak sa kanyang dibdib. Tumawa siya saka mabilis akong binitawan sabay taas pa ng kanyang dalawang kamay animo'y sumusuko. Tiningnan ko siya ng masama habang inaayos ang nagulong damit ko at shoulder bag. "Ayaw mo pa akong bitawan ah. Nananantsing ka lang na bastos ka." "Whoa...! Ako pa talaga itong bastos? Pasalamat ka nga naagapan kita. Kung hindi baka bumagsak ka na sa sahig kanina pa." nakakalukong katwiran niya pa sa akin. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Bakit ako magpapasalamat sa'yo e kasalanan mo din naman dahil nambabangga ka? Ang laki-laki naman ng space ng daan. Iwan ko ba at hindi mo man lang ako nakita. Hindi ka kase tumitingin sa dinaraanan mo." Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko. "Whaaat? Pagkatapos mo akong banggain ako pa itong sisisihin mo?" "Aba't... hindi ka lang pala bastos, sinungaling ka pa!" inis na inis na singhal ko sa kanya. "Ha..." sarkastikong ngumisi siya sabay linga-linga sa paligid at tinuro ang sarili. "Ako? Bastos? Sinungaling? Okey ka lang ba Miss? Ikaw itong bigla na lang sumulpot sa--" "Akin na 'yang cellphone ko." galit na sabad ko sa kanya sabay hablot ng cellphone sa kamay niya ngunit mabilis niya ito nailayo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano balak mo pang kunin 'yan sa akin? Siguro member ka ng budol-budol gang? Kunwari mambabangga ka ng tao tapos drama-drama 'yon pala may nakuha ka ng gamit sa biktima mo." Kaagad siyang natigilan sa sunod-sunod na sinabi ko. Bahagya pa siyang napanganga na para bang hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko or sadyang nasapol ko lang ang masamang gawain niya. Hanggang sa napahagalpak ito ng malakas na tawa. Lalong uminit ang ulo ko ng halos umalog pa ang mga balikat nito kakatawa sa akin. Na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. T'ngna... Sa subrang inis na naramdaman ko sa kanya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, malakas ko siyang sinampal sa kanyang mukha. Aw! Daing ko pa sabay wagwag ng aking kamay ng masaktan ako sa tigas ng mukha niya. Ang sakit! Bakal ata 'yong nahampas ko. Bigla siyang napahinto sa pagtawa sa ginawa ko. Tiningnan niya ako ng masama. Nagpalinga-linga ako. "Kuya Guard!" sigaw ko sa guwardiyang naglalakad-lakad sa loob ng Mall 'di kalayuan sa amin. Kaagad itong lumapit. Tinuro ko ang bastos na lalaking kaharap ko. "'Yang lalaking 'yan, kinuha ang cellphone ko. Ayaw niyang ibalik sa akin." "Hey.. that's not true!" sabi niya sa akin sabay baling kay Kuya Guard. "Binangga niya--" "Siya ang bumangga sa akin." sabad ko. Frustrated na napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. "Fine..! Ako ng bumangga sayo. Pero hindi ko kinuha 'tong cellphone mo. Sinalo ko lang ng mabitawan mo kani--" "E bakit ayaw mo pang isuli sa akin aber? Nilalayo mo pa nong kunin ko sayo." natigilan siya sa sinabi ko. Pinagtaasan ko siya ng isa kong kilay ng hindi siya makaimik. "O ano? Hindi ka makapagsalita ngayon? Nakow, style mo bulok." umiiling na sabi ko sabay lapit sa kanya at muling hinablot ang cellphone kong hawak niya. Kaagad niya naman iyon binitawan. "Napaka-ungrateful mo naman. Ikaw na nga itong inalala ko tapos minasama mo pa. Pinagmukha mo pa akong magnanakaw sa harapan ng maraming tao." nagtatampong sabi niya sabay tingin sa paligid. Kaagad akong natigilan ng makita kong marami ng taong nakatingin sa amin. Animo'y may shooting at pinapanood nila kami. Tiningnan ko ng masama ang mga tsismosang nakatingin sa amin. Isa-isa naman silang nagpulasan. Nagkanya-kanyang alis at naglakad palayo, tumalikod 'yong iba at pinagpatuloy ang trabaho na parang walang nangyari. May panaka-nakang sumusulyap pa sa amin pero hindi ko na sila pinansin pa. Malalim akong napabuntong-hininga saka binalingan ang tinawag kong guard. "Pasensya na po Kuya Guard. Ako na pong bahala dito." "Sigurado ka?" alanganing tanong no'ng guwardiya. Tumango ako. Tiningnan niya pa kaming dalawa bago ito nagkibit-balikak saka tumalikod. Nilingon ko ang lalaking nakabusangot na ang mukhang nakatingin sa akin. "Salamat sa pagsalo sa akin pati dito sa cellphone..." napatigil ako ng biglang magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Ano masaya ka na?" inis na dugtong ko pa ng makita kong muli ang nakakabwesit niyang ngisi. He chuckled. "Hindi mo ba kayang magpasalamat ng walang kasamang sarcasm?" I rolled my eyes. "Kung ayaw mong tanggapin ang pasasalamat ko pwes binabawi ko na. Bahala ka nga diyan sa buhay mo." nakairap kong sabi sa kanya sabay talikod. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa pero hindi ko na siya pinansin pa. Malalaking hakbang na naglakad ako palayo sa kanya. Dumeritso ako ng grocery store. Nagpalinga-linga ako at hinanap si Jordan. Natanaw ko siyang nagbabayad na ng pinamili niya sa cashier. Kaagad ko siyang nilapitan. Napapitlag pa siya sa biglang pagsulpot ko sa kanyang harapan. He pouted his lips. "Gaano ba kalaki ang Mall at inabot ka ata ng oras kakahanap sa akin?" bungad niya sa akin. I grinned. "Nabili mo na ba lahat?" "Ah hindi pa. Pumipili pa lang ako ng bibilhin ko dito sa Cashier." nakairap niyang sabi sa akin. Natawa ako sa pabalang niyang sagot sa akin. Kaagad akong yumakap sa kanyang braso. "Ito naman, ang init ng ulo." Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay kong nakakapit sa kanyang braso matapos makuha ang sukli sa cashier. Nakangiting tiningnan niya ako. "Ikaw ang magbibitbit ng lahat ng 'yan." sabi niya sabay talikod. Natitigilang nasundan ko na lamang siya ng tingin habang pinuproseso ng natutulog kong diwa ang sinabi niya. Malayo-layo na ang kanyang nilakad ng muli niya akong lingunin. Pinamaywangan niya pa ako ng makita niyang hindi ako nakasunod sa kanya. "Ma'am?" boses ng babae. Kaagad akong napabaling sa Cashier. "Pakitanggal na po nitong mga plastic--" "Ayy sorry po." sabad ko sa kanya ng makita kong marami ng nakapila saka nagmamadaling binitbit ang dalawang malaking plastic na puno ng pinamili ni Jordan. Napangiwi pa ako ng maramdaman kong ang bigat-bigat ng mga iyon. Kaagad ko itong nilapag at sinilip ang loob. Napakunot-noo ako ng makita kong ang daming delata sa kabilang plastik. Salubong ang mga kilay na tinanaw ko muli si Jordan. Nandun pa rin siya sa kinataayuan niya, nakapamaywang habang nakangising nakatingin sa akin. Nagdadabog na kaagad kong binitbit ang dalawang malaking plastik. Malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Nilapag ko ang mga ito pagkahinto ko sa harapan niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit may mga delata dito? Para saan ang mga 'to?" He smirked. "Para kay Nay Julie. Pasalubong ko sa kanya at 'yong iba panghanda natin sa birthday niya." "O e, tag-isa tayo nito dahil wala sa usapan 'yong mga delata. Ikaw magbit--" "Ako ang kumuha at bumili ng lahat ng mga 'yan mag-isa. Hindi mo ako tinulungan kaya ikaw naman ang magbitbit niyan ngayon pauwi." sabad niya at muli akong tinalikuran. Napanga-nga ako ng mag-sink in sa aking utak ang mga sinabi niya. "Jordan!" sigaw ko. Kaagad din akong natauhan ng ma-realized kong nasa loob pala ako ng SM hindi sa palengke. Napangiwi ako ng makita kong pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Dali-dali kong binitbit agad ang dalawang plastik saka hinabol si Jordan na kumekending-kending pa at pinagtatawanan ako habang palingon-lingon sa akin na naglalakad palabas ng SM. 'Langyang araw na 'to, malas! ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD