MARCO
"Bakit ang tagal mong lumabas? Saan ka pa ba pumunta?" bungad sa akin ni Keith pagkapasok ko ng kotse.
Kararating lang namin noong nakaraan linggo galing States. Kaagad akong nagyaya sa kanila mag-skydiving dito sa San Agustin bago sumabak sa trabaho sa kompanya. Ayaw pa sana nilang sumama. Buti na lang nauto ko ang pinsan kong si Wayne kaya ayon nagsipagsama na rin 'yong iba. Ang kapatid ko lang na si Miguel ang wala. Iwan ko kung saang lupalop na naman pumunta. Wala akong idea. Tumawag ako sa Hacienda, sabi ni Nana Rosa umalis daw. Hindi na ako nagtaka pa. 'Di naman talaga umiinit ang pwet no'n sa isang lugar lalo pa't sa probinsya. Naku, iwan ko na lang kung tumagal 'yon doon.
"Akala ko ba bibili ka ng gagamitin mo sa pag-camping? Nasaan ang binili mo?" nagtatakang sabad naman ni James.
Napangiti ako sa sinabi niya ng bigla bumalandra sa harapan ko ang mukha ng babaeng nakabangga ko kanina. Ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang sadya ko at bibilhin sana sa loob ng Department Store.
She looks so cute but too young for me...
Kasalukuyan kaming kumakain na magkakaibigan sa isang Restaurant sa loob ng Mall kanina ng maalala kong kulang pa pala 'yong mga pinamili kong gamit sa pagka-camping. Kaagad akong nagpaalam sa kanila at lumabas ng Restaurant. Naisipan kong mag-ikot-ikot muna para bumaba ang kinain ko sa tiyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napailing ako at kaagad pinatay ang tawag ng makita kong si Miguel lang naman iyon. Ngunit ang kulit nito, sunod-sunod naman na mga text messages galing sa kanya ang natanggap ko. Pinapauwi ako ng probinsya.
Pahapyaw ko lang binasa ang iba't iba at kung ano-anong mga dahilan na sinabi n'ya sa akin para lang umuwi ako ng Hacienda. Akala siguro hindi ko alam na wala siya doon. Napangisi ako. Kaagad kong nilagay ang phone ko sa silent mode saka muling sinuksok sa bulsa ng aking maong shorts. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Paliko na ako sa kabilang pasilyo ng may biglang bumangga sa akin. Nagulat pa ako sa lakas ng impact ng pagbangga nito sa akin pero kaagad din akong nahimasmasan ng makita ko ang maliit na babaeng pabagsak na. Sh*t.. Mabilis kong hinaklit ang kanyang bewang sabay salo ng naitapon niyang cellphone.
Parang slow motion na unti-unting nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kanyang mukha. Hindi dahil sa nagandahan ako sa kanya, kundi dahil sa biglang kuryenteng nanulay sa aking buong katawan ng magdikit ang katawan naming dalawa. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon dahil nanlalaki ang kanyang mga mata at bahagya pang nakanganga habang walang kurap-kurap na nakatitig sa akin. Bigla akong napalunok ng mapatitig ako sa nakaawang niyang mga labi. Parang nag-aanyayang hagkan.
Damn!
Kaagad akong umiwas ng tingin. Ngunit wrong move ata ang ginawa ko. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo ng magtama ang paningin naming dalawa. Kaagad sumagi sa aking utak si Sofia. 'Yong unang araw na nakita ko siya sa bar. Ganitong-ganito rin 'yong nangyari sa akin noon, nag-freeze ang buong paligid. Wala akong naririnig na kahit ano, wala akong nakikita kundi siya lang. Pero mas matindi ata itong nangyayari sa akin ngayon. Para akong nahipnotismo, hinihila ng kanyang mga mata. Hindi ko kayang magbawi ng tingin sa kanya. Sabayan pa ng pagkalakas-lakas at pagkabilis-bilis ng pagtibok ng puso ko. Animo'y tuwang-tuwa sa loob at nagrarambulan.
Sh*t... ano 'tong bigla kong nararamdan sa babaeng 'to?
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na magkahinang ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakbay na ang kanyang paningin sa aking buong mukha. Animo'y manghang-mangha sa kanyang nakita. Napangisi ako ng mapatitig ang babae ng matagal sa aking mga labi.
"B-Bitiwan mo ako." mahinang sabi niya.
Bigla akong naestatwa matapos kong marinig ang paanas niyang boses. Nawala ako sa aking sarili ng paulit-ulit iyon umalingawngaw sa aking utak. Parang daing sa aking pandinig. Hindi ko alam kung bakit ganun ang dating ng boses niya sa aking tainga.
Damn! Bakit masyadong malaswa ang tinatakbo ng aking utak?
Naiiling na napangiti ako sa aking naisip.
"Tapos ngayon nakangiti ka pa sa kawalan. Masama ata ang landing mo kanina Bro?" narinig ko pang kantiyaw ni Wayne sa akin.
"Tsk tsk tsk malala na 'tong isa. Mukhang may tama." sigunda naman ni James.
"Naiwan ata ang utak sa loob ng SM. Hindi nakikinig e." sabi ni Keith.
Bigla akong napakurap-kurap sabay lingon sa mga kasama kong mga salubong na ang kilay habang matamang nakatitig sa akin. Animo'y tinubuan ako ng dalawang halo sa ibabaw ng aking ulo.
I chuckled. "Bakit ganyang kayo makatingin?"
"Alam ko na..." sabi ni Ryan sabay hampas ng kamay sa likod ng upuan ko. "...babae... siguradong babae na naman 'yan kaya nawawala na naman sa sarili."
I laughed wholeheartedly. Halos umalog pa ang aking mga balikat kakatawa. Tumigil lang ako ng makita kong masama na ang tingin nila sa akin.
"Guess what..." nakatawa pa ring sabi ko habang pinupunasan ang luhang tumakas sa aking mga mata sa subrang tawa ko. "...napagkamalan akong mandurukot no'ng babaeng nakabangga ko sa loob ng Mall. Member daw ako ng budol-budol gang."
"Whaaat?!" sabay-sabay pang bulalas nila saka malakas na napahagalpak ng tawa.
"Buti hindi ka pinahuli sa Pulis." nakatawang kantiyaw pa ni James.
"Muntik na kamo. Tinawag pa nga 'yong guwardiya e. Kinuha ko daw 'yong cellphone niyang nasalo ko matapos niyang maibato ng bumangga siya sa akin."
Lalong lumakas ang tawanan ng mga kaibigan ko. Napailing ako.
I must admit nabwesit ako sa babaeng 'yon kanina pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit aliw na aliw akong titigan ang naiinis niyang mukha. Parang tuwang-tuwa pa ako ng makipagsagutan siya sa akin. Kung anong dahilan bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam. Siguro napasukan lang ng maraming hangin ang aking utak kanina nang tumalon ako palabas ng eroplano at lumutang sa ere gamit ang parachute hanggang sa bumagsak ako sa dalampasigan. Baka 'yon ang dahilan kaya nagkakaganito ako ngayon, high na high. Feeling good. Feeling crazy and jolly.
"F*ck! Hindi ko maimagine ang itsura mo Bro habang pinagtitinginan ka ng mga tao at hinuhuli nong guwardiya." nakatawang sabi ni Keith.
"Anong itsura nong chickababes? nakangising tanong ni Wayne.
"Ikaw na babaero ka." sabi ko sabay duro sa kanya. "Magbago ka na kung ayaw mong matulad sa akin."
"Speaking of the devil... ano ng nangyari--"
"Paandarin mo na ang kotse Keith. Alis na tayo. Umiiba na ang hangin." sabad ko kay Wayne.
"Teka, sandali lang--"
"'Wag ka ng magtanong at delikadz. Kalimutan mo na ang tungkol doon. Mag-move on na tayo." sabi ni Keith sabay paandar ng kotse at nilisan ang lugar na iyon.
Hindi na muling nagtanong pa ang pinsan ko. Lahat sila tahimik sa kanilang upuan. Malalim akong napabuntong hininga saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa kasagsagan na kami ng byahe pabalik ng Manila ng lingunin ko si Keith na seryosong nagmamaneho.
"Ano pala ang pangalan ng bundok na 'yon sa San Agustin?" tanong ko sa kanya.
Bahagya niya lang akong sinulyapan saka muling tumingin sa kalsada. "I think Mt. Quasinta. Bakit mo naman naitanong?"
"Will add in my bucket list." nakangiting sabi ko.
"'Wag mong sabihin seryoso ka talaga diyan sa pagka-camping mo?" nakakunot-noong tanong sa akin ni James.
"Uh-huh." sabi ko.
Tumawa si Ryan. "Kaya ka napagkakamalang miyembro ng budol gang dahil diyan sa suot mo. Panay ka pa akyat ng bundok. Isang linggo ka pa lang dito sa Pilipinas kung saan-saan ka na sumusuot."
Naghagalpakan sila ng tawa sabay tingin sa napunit kong damit kanina. Well, I don't care. Mas natuwa pa nga ako dahil effective 'yong strategy ko. Walang nakakakilala sa akin. At mas lalong walang magkakagusto sa akin. Nakakatuwa dahil less stress na, less mistakes pa!
I grinned. "Bakit ba? Kanya-kanya tayong trip sa buhay."
"Hindi na chicks ang hina-hunting mo ngayon Bro kundi gorilla na. Baka anak no'n ang matagpuan mo." nakatawang sabi ni James.
"Ang masaklap isang unggoy ang makapikot sayo ng tuluyan." sabi ni Ryan.
Sabay-sabay pa silang napahagalpak ng malakas na tawa.
Sinamaan ko sila ng tingin. "Wala na sa bukabularyo ko ang tungkol diyan."
"Hep... 'wag kang magsalita ng patapos. Baka sa isang iglap bigla mong kainin 'yang sinabi mo." sabi naman ni Wayne.
Kaagad ko siyang nilingon. "Ang masaklap ikaw itong biglang kainin ang sinabing hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatino sayo." natawa ako ng hindi siya makaimik sa sinabi ko. "Ano nasapol ka?"
"Well, hindi natin alam." mahinang sabi ni Wayne.
"Bakit bigla ka atang natakot bro?" kantiyaw pa ni Ryan. Kaagad itong binatukan sa ulo ni Wayne. Aw! "Pikon ka naman agad. Aray ang sakit." late ng daing nito habang hinihimas ang ulo.
"Hindi ako takot, luko. Mas kinikilabutan ako sa lumalabas diyan sa bibig mo." sabi ni Wayne.
"Bakit ano bang sinabi kong nakakatakot? Masyado kang OA. Nambatok ka pa. Ang bigat pa naman ng kamay mo." inis na sabi ni Ryan.
"'Yang kakaaway niyong dalawa baka kayong dalawa ang magkatuluyan niyan." sabad ni Keith.
"Hell...YUCK!" sabay pang bulalas no'ng dalawa.
Malakas kaming napahagalpak ng tawa nina James at Keith sa naging reaksyon ng dalawa. Animo'y nasusukang nagkatinginan pa ang mga ito, sabay pang tinulak ang mukha palayo sa isa't isa. Halos maluha-luha ako kakatawa sa kanila. Napahawak ako sa aking tiyan ng tuluyan ng sumakit iyon. Kaagad kong hinamig ang aking sarili at tumigil sa pagtawa ng pangapusan na ako ng hininga.
"Sabi nila the more you hate, the more you love--Awww--!" daing ni Keith ng suntukin ni Ryan ang likod ng ulo nito.
"Tarantado! Anong akala mo sa akin bakla!" singhal niya dito.
"Hoy! Umayos kayo, baka mabangga tayo nito." sabi ko.
Tumawa si James. "Pag pikon daw totoo--Awww!" daing nito ng biglang lumanding ang kamao ni Wayne sa kanyang noo.
"Mga siraulo! Kilabutan nga kayo diyan sa mga pinagsasasabi niyo. Hindi tayo talo-talo oyy!" inis na sabi nito.
Muli kaming tumawa na tatlo na ikinalukot lalo ng mukha no'ng dalawa.
"Sinisiguro lang namin kung hindi ba talaga lalaki ang tipo nitong si Ryan. Masyadong ilag sa babae e. Mas dikit pa sayo--"
"Ngayon lang ako nakadikit diyan kay Wayne pinag-isipan niyo na kaagad ako ng masama? Tarantado talaga ang mga hinayupak na 'to. Isa pa at lulusot talaga kayong tatlo diyan sa bintana ng sasakyan."
Muling tumawa si Keith. "O tama na 'yan. Masyado niyo namang sineryoso. Inaantok na ako kanina pa kaya nasabi ko 'yon. Ang sakit ng suntok mo ah, naalog ang utak ko. Parang bumukol pa ata e." nakangiwing sabi nito sabay himas ng likod ng ulo.
"Siraulo... dapat sinabi mong inaantok ka na para ako na lang nag-drive. Kung ano-ano pang kalukuhan ang lumalabas diyan sa bunganga mo. Ang sarap mong sapakin." inis pa rin na sabi ni Ryan.
"E nag-uunahan pa kayong tatlo kanina sumakay diyan sa likod. May choice pa ba ako?" sabi ni Keith.
Umiiling na tumingin ako sa labas ng bintana saka muling binalingan si Keith. "Dito mo na lang ako ibaba. Mag-tricycle na lang ako pauwi. Dadaan muna ako ng SM." sabad ko ng makita kong nasa Makati na kami.
"Sigurado ka? Hindi ka ba muna magpapalit ng damit?" nakakunot noong tanong sa akin ni Keith habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Natawa ako sa ginawa niya. "Ano bang problema dito sa damit ko?" patay malisya ko pang tanong sabay tingin sa suot ko. "Bago pa nam--"
"Ayan..." sabad ni Wayne sabay bato ng t-shirt nito sa aking mukha. "Palitan mo 'yan. Para kang iwan. Punit na sinuot mo pa talaga."
"Mamaya niyan shoplifter naman ang ibintang sayo." nakatawang sabi ni Ryan.
"Saan mo ba 'yan nakuhang damit na 'yan?" tanong ni James.
"Oy galing ukay 'to. Imported. Ganito lang talaga 'to. Design." tumigil ako sa pagsasalita ng makita kong lahat sila hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. "Hindi niyo alam ang UKAY? My goodness... mga ignorante pala kayo." umiiling pang sabi ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse saka bumaba. "Search niyo sa google ng malaman niyo. Punta tayo next time sa tiange-tiange." nakatawang sabi ko sabay talikod matapos kong isara ang pinto.
Parang tangang naglakad ako papunta ng SM habang nakangiti. Hindi ko makalimutan ang nakita kong reaksyon ng mukha ng mga kaibigan ko. Animo'y gulat na gulat sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa.
Well, hindi ko sila masisisi. Kahit nga ako nagulat din sa naging transformation ko sa aking sarili. Nakapag-adjust ako agad. Hindi ko akalain na masaya din pala mamuhay ng simple lang. Like an ordinary person. I mean 'yong walang arte at luho sa katawan. Nakikihalubilo sa mga simpleng mamamayan.
Ngayon ko lang na-realized na hindi dahil mahirap sila ibig sabihin malungkot na ang buhay nila. Though salat sila financially pero sa nakikita kong saya at tawanan ng mga tao sa turo-turong kinainan ko noong nakaraang araw parang mas masaya pa nga sila kaysa sa isang katulad ko.
Hindi naman kasi pwerke mayaman na ang isang tao ibig sabihin no'n ay wala na silang problema. Katwiran pa ng iba nasa kanila na ang lahat, yaman, kotse, magarang bahay at mga kagamitan, tinitingala sa lipunan, kaya bakit pa mamomroblema? Hindi nila alam mas malaki pa ang pinoproblema nila kaysa sa simpleng mamamayan lang. Hindi lahat ng mayaman, masaya at hindi rin lahat ng mahirap ay masaya na rin. May iba rin kasi na hindi makuntento kung anong meron sila. Isa na ako doon.
But I believed, depende at choice na ng tao 'yon kung gusto niyang maging masaya sa buhay o hindi. Hindi 'yon nakadepende sa lahat ng materyal na bagay dito sa mundo para maging masaya ang isang tao kundi sa sarili mo mismo. It's a matter of choice. Your own choice if you want to be happy or to depress yourself.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023