Chapter 11

2419 Words
JILLIAN "Ano hindi ka pa rin tapos d'yan?" nakapamaywang kong tanong kay Jordan. Hindi ko siya tinulungan mag-asikaso ng pagkain na ihahanda kay Inay kaya halos magkandaugaga siya sa harapan ng lutuan. Panay paypay ng puro usok na buga ng kahoy. Wala akong makitang apoy. Palihim kong dinala sa likod ng bahay ang kalan at uling kanina pagdating namin habang busy siya sa paghahanda ng mga lulutuin. Kaya wala siyang choice kundi gamitin ang kahoy na binasa ko sa labas ng hindi niya mahanap ang kalan. Nagtaka pa siya kung bakit basa ang kahoy e hindi naman umulan. Nakakabwesit kasi. Hindi na nga ako tinulungan magbitbit ng pagkabigat-bigat ng dalawang plastik na 'yong hanggang sa sakayan ng mga tricycle, pinahinto niya pa ito ilang kilometro ang layo sa bahay nila. Pinaglakad niya ako ulit bitbit ang mga 'yon! Peste siya! Ang sakit-sakit ng mga kamay ko. Buong katawan ko ata e. Pakiramdam ko naputol ang mga boto sa braso ko. Kahit umiyak na ako hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya habang pinagtatawanan ako. Iniwan niya ako sa daan! Kung nagkataon na hindi birthday ni Nanay baka iniwan ko din ang dalawang plastik bag na 'yon. Napagkasunduan namin na dito kami magluluto sa bahay nila para hindi malaman ni Inay ang surprise namin sa kanya. Naayos na rin doon sa likod ng bahay namin kanina ang venue ng 50th Birthday Party niya bago pa siya nagising. Pinagtulungan namin nina Cheena at Blessie. Naka-set up na ang lahat. Pagkain na lang ang kulang. Imbitado rin ang lahat ng nakatira dito malapit sa Mt. Quasinta. Iilan na lang kami ang nanatiling nakatira dito na hindi lumipat sa pabahay ni Mayor sa bayan. Mas masarap kasi dito tumira. Tahimik at sariwa ang lahat. Hangin, tubig, pagkain. Wala na akong mahihiling pa maliban sa isang bagay na kahit kailan ay hindi na mangyayari pa. Kaagad akong natigilan ng lumingon sa akin si Jordan. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagalpak ng malakas na tawa matapos ko makita ang itsura niya. Nagsama-sama na ang pawis, luha at sipon pati uling sa kanyang mukha. Nanggigigil na binato niya sa akin ang hawak na pamaypay ng halos gumulong ako sa lupa kakatawa sa kanya. "Tuwang-tuwa ka pang ingrata ka!" singhal niya sa akin habang nagpupunas ng towel sa kanyang mukha. "Iwanan ko talaga 'to, bwesit ka, ilabas mo na ang kalan!" "Ang ingay n'yong dalawa--bakit ang daming usok?!" sunod-sunod na napaubo si Tay Josue pagkabukas niya ng pinto ng kusina. Tumakbo ako palabas ng lapitan ako ni Jordan. Sunod-sunod akong napaubo habang malakas na tumatawa pa rin at nagpupunas ng luha sa aking mga mata. "Aray--!" hiyaw ko ng bigla siyang sumulpot sa aking harapan sabay hatak ng buhok ko. "Saan mo nilagay ang kalan?" pagigil na tanong niya sa akin. "Anong oras na Jillian! Napaka-childish mo. Hindi ka na nakakatuwa." "Nandun sa likod--aray!" hiyaw ko ng muli niyang hatakin ang aking buhok. Pakiramdam ko malapit ng matanggal sa anit ko. Ang sakit, bwesit! "Enjoy na enjoy ka--" "Bakit? Pinahirapan mo naman ako kanina ah." "So, gumaganti ka?" "Ayaw kong umamin pero parang ganun na nga--Awww! Jordan!" "Ang tagal ko kayang nag-antay sayo doon sa labas ng SM. Tapos hindi mo pa ako tinulungan--" "Sinabi ko naman na sayo na baka nagkasalisi nga tayo kaya hindi kita nakita. Doon lang naman ako nagpaikot-ikot sa labas. Ang tagal kong nakatayo doon sa harapan ng SM. Tsaka may bumangga sa akin na bastos na lalaki noong papunta na ako sayo kaya natagalan ako. Narinig mo naman sigurong napasigaw ako diba?" paliwanag ko ulit sa kanya. Pabalang niyang binitawan ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas ang nananakit kong anit. "Malay ko ba kung bakit bigla ka na lang tumili kanina. Tsaka may boses ng lalaki akong narinig kaya baka dahil sa kanya kaya ka tumili." "Binangga niya ako diba? Malamang napatili ako sa gulat. Tsaka kailan ba ako napatili sa kilig sa isang lalaki aber?" "Noong nanood ka ng Live show ng PRINX Boy Band sa youtube." bigla akong natigilan sa sinabi niya. Kaagad nag-flashback sa aking utak ang mukha no'ng lalaki kanina. Para kasing magkamukha sila. Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "O ano? Nasapol ka?" Napakurap-kurap ako. "Iba naman 'yon." katwiran ko pa. "Asus... Ayaw ko pa rin maniwala sa palusot mo." nakairap niyang sabi sa akin. Inirapan ko rin siya. "O e, bahala ka. Kung ayaw mong maniwala 'di wag. Hindi kita pinipilit." "Jillian, tapos na 'to. Saan ko ba 'to ilalagay?" sabad na tanong ni Kevin. Bitbit ang isang malaking tray na puno ng inihaw na manok. Kaagad napabaling sa kanya si Jordan. "Ilagay mo na muna doon." sabi ko sabay turo sa mesang nilagay ko sa gilid sa labas ng kusina malapit sa pintuan. Sinundan niya ng tingin ang tinuro ko saka ngumiti sa akin. Binalingan niya ang kaibigan kong tulala at nakanganga pang nakatingin sa kanya. "Hi Jordan." sabi niya sabay talikod at tinungo ang mesa. "OH MY CHEESE... Bakit nandito ang anak ni Yorme?" hindi makapaniwalang tanong ni Jordan habang nakasunod ang tingin kay Kevin. Marahas niya akong nilingon. "Kailan pa kayo naging close?" I rolled my eyes. "Close agad? Kailan ba ako naging close sa lalaki aber?" "E bakit nandito siya?" nagtatakang tanong niya habang nakaturo pa ang kamay niya kay Kevin. "Don't tell me..." Nakatirik ang mga matang pinagkrus ko ang mga braso sa harapan ng aking dibdib. "Yeah, right. Nandun sila--" "Sila?! Meaning kasama si fafa Austin?!" patiling tanong niya sa akin at nagpapadyak pa sa subrang kilig. Napanguso ako. Hindi ko alam kung anong kinakikiligan niya sa mga damuhong na 'yon. Inaamin ko gwapo sila. Ang gaganda pa ng mga katawan. Anak mayaman. Pero saksakan naman ng presko at yabang. Proud na proud pang hinahabol sila ng mga kababaehan. Akala mo naman ikinagwapo nila 'yon. Pare-pareho lang sila ni Itay. Mga babaero. Mga sinungaling. Mga manloloko! Kaklase ko sila noong college ako. Pagka-graduate namin sinabihan ako ni Mayor Sarmiento na pwede akong pumasok sa munisipyo pero kaagad akong tumanggi ng malaman kong nagtatrabaho din doon ang anak nito. Simula kasi ng makilala ko si Kevin araw-araw na lang akong pinepeste. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa akin. Nakakabwesit dahil hanggang ngayon nakasunod pa rin. Kahit ilang ulit ko ng binasted hindi pa rin tumitigil. May sa bato ata ang mukha ng lalaking 'yon. Ang tigas! Hindi tinatablan ng mga masasakit kong salita. Sasakit lang lalo ang ulo ko kung papatulan ko pa ang kakulitan niya. Kagaya na lang ngayon. Ang daming dalang iihawin na karneng manok at baboy. May lechon baboy pa daw na darating. May pa-cake pa. Nakatatlo tuloy si Nanay na cake. Pero kahit naiinis ako sa kanya at sa mga alipores niya, hindi ko maiwasang matuwa dahil 'yong maliit na suprise sana namin ni Jordan kay Nanay, parang magiging bongga tuloy sa dami ng handa. May inimbita pa silang dalawang clown at may pa videoke pa. Siguradong magiging maingay muli nito mamaya ang tahimik naming bahay. "Oo nandun sa likod. Kanina pa. Nag-iihaw ng manok." "Oh my gosh!" patiling bulalas nito. "Pinagluto mo lang sila?!" Napanguso ako. "Anong silbi ng pagpunta nila dito kung hindi tutulong?" Malakas siyang napahalakhak. "Iba ka talaga." sabi niya sabay hampas sa aking braso. Binatukan ko siya agad. "Aray--" "Doon na lang tayo sa labas magluto." sabi ko saka nilampasan siya. Naglakad ako patungo sa likod ng bahay. Ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad sa aking harapan. Napahinto ako sa paghakbang ng makita kong mga nakahubad ng pang-itaas na damit sina Austin at Kenneth. Tumutulo ang pawis sa katawan habang busy sa pag-iihaw ng mga manok at baboy. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanila ngunit tuluyan na akong naestatwa ng pagbaling ko sa kaliwa ay nagtama naman ang paningin namin ni Kevin na naghuhubad ng kanyang pang-itaas na damit. Nagulat pa siya pagkakita sa akin. Napalunok ako ng makita ko ang namumutok niyang muscles sa braso. Parang mas lalong lumaki pa ata 'yon kaysa no'ng nag-aaral pa kami. Lumapad lalo ang kanyang mga balikat. Pati ang dibdib lumaki. Nahiya ako bigla sa dibdib kong lumaki lang dahil sa push up bra. Napamulagat ako ng mapadako ang tingin ko sa tiyan niya. Damn, he got toned abs! T'ngna. Kailan pa ba ako natutong magpantasya sa isang lalaki? Napakislot ako ng may biglang tumabi sa akin pero hindi ko magawang magbawi ng tingin kay Kevin na walang kurap-kurap ding nakatitig sa akin. "Evidence number one... mulagat ang mata." narinig kong sabi ni Jordan. "Evidence number two... tulala." dugtong pa niya. Kaagad akong napabaling sa kanya. Matiim niya akong tinitigan. Animo'y inspector sa aking harapan. "Evidence number three... nakanganga. Evidence number four... laglag panga. Evidence number five... tulo laway. BOOM--! Never ngang kinilig at nagkagusto sa lalaki." umiiling na sabi ni Jordan. Wala sa sariling naitikom ko ang aking bibig sabay punas pero wala naman akong nahawakan na laway. Tumawa siya sa ginawa ko habang umiiling. Sinamaan ko siya ng tingin. "N-Nagulat lang ako sa aking nakita. Masyadong marumi 'yang utak mo." inis ko pang sabi sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Binalingan ko ang mga kaibigan ni Kevin na lahat ng nakangising nakatingin sa amin. Sinamaan ko din sila ng tingin. "Bakit ba kasi puro kayo nakahubad? 'Di na kayo nahiyang ibalandra 'yang mga katawan niyo. Magsibihis nga kayo!" "Hanggang ngayon ang sungit-sungit mo pa rin?" nakatawang sabi ni Austin. "Dapat Minchin ang pinangalan sayo ni Nay Julie. Hindi bagay sayo ang Joyce Jillian." "Oo nga noh. Dapat Minjil. Parang mas bagay--woooo!" Kaagad napatalon palayo si Kenneth sabay karipas ng takbo ng batuhin ko ito ng panggatong na kahoy. Sapol sana ang gitna nito kung hindi nakailag. Lalo akong nabwesit ng sabay-sabay pang napahagalpak ng malakas na tawa ang mga ito kasama si Jordan na para bang may nakakatawa sa ginawa ko. Muli akong dumampot ng kahoy. Nagulat pa ako ng biglang napatakbo palayo si Austin pati si Jordan. Tumabi kay Kevin na ngayon ay parang natataeng pigil-pigil ang pagtawa. Ngumisi ako. "Ano ha? Kahoy lang pala ang katapat niyo e. Ang lalaki niyong tao mga duwag naman pala kayo." sabi ko sabay turo gamit ang kahoy kay Jordan. "Isa ka pa. Ang dumi--" "Chilax bess! Ang hot mo naman masyado. Niluluko ka lang naman." sabad niya. "Oo nga. Tsaka tirik na tirik ang araw dito sa labas kaya--" "Kaya nagsipaghubaran kayo?" sabad ko sa sinasabi ni Kenneth. "Uh-huh. Tsaka mangangamoy usok kami mamaya kaya hinubad namin 'yong damit." katwiran pa nito. "Hindi mo naman kasi agad sinabi na kami ang magluluto nitong mga dala namin." sabi naman ni Kevin. Kaagad nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ah... so, kasalanan ko ngayon? Sino ba kasing nagsabi sa inyo na magdala kayo ng pagkarami-rami ng ganyan?" "Ako." sagot niya. "O naman pala e. Ikaw nagsabi kaya ikaw din magluto." unreasonable ko pang sabi sa kanya. "Napaka-ungrateful mo talaga. Hindi ka man lang marunong magpasalamat." hinampong sabi ni Austin. "Oo nga Bess. Ang daming binigay nila--" "O e 'di tulungan mo na rin sila." sabi ko sabay ngiti. "Iuuwi ko na 'yong mga naluto sa bahay. Iaayos ko na do'n sa likod para pagkatapos n'yo simulan na natin 'yong party." "Sige. No problem. Kami na ang bahala dito." ngiting-ngiti na sabi ni Jordan. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata ng makita kong parang kinikilig pa siya sa kinatatayuan niya katabi si Austin. Mahigpit na magkahugpong ang mga kamay niya sa harapan. Nagbo-beautiful eyes pa siya sa akin sabay senyas ng mata sa kanyang katabi habang mariin na kagat-kagat ang mga labi. Apaka landi talaga ng baklang toow! "Tulungan na kita Minjil--este Jillian pala." nakangiting sabad ni Kevin sabay lapit sa akin. Inirapan ko siya. "Hindi na. Kaya--" "I insist." sabi niya saka dali-daling akong nilampasan habang sinusuot ang kanyang damit. Nagkibit-balikat na lang ako saka sinundan siya. Naabutan ko siyang inaayos sa loob ng malaking palanggana ang mga stainless na kalderong may laman ng pagkain. "Bakit diyan mo nilagay?" nagtatakang tanong ko sa kanya pagkahinto ko sa harapan niya. Tiningnan niya ako at muling pinagpatuloy ang ginagawa. "Sabi ni Nay Dolor dito na ilagay para isahang dalahan lang. Tsaka para 'di matapon at maghalo-halo." "O--key." sambit ko saka tinulungan na siya sa paglagay sa loob niyon. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa bahay. Bitbit namin ang palanggana sa magkabilaang gilid nito. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay namin. Sinenyasan ko rin siyang 'wag lumikha ng ano mang ingay habang inaayos ang pagkain sa mahabang mesa at baka marinig kami ni Inay. Malakas pa naman ang radar no'n. Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nina Cheena at Blessie pero wala ni katiting na boses ni Inay. Malalim akong napabuntong hininga habang iginagala ang aking paningin sa buong paligid pagkatapos ko maayos ang pagkain. Ang daming balloons na hugis puso. Pinaghalong pink, gold at silver. Dinisenyo namin ng mga kaibigan ko sa katawan ng punong kahoy pati sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. May malaking tarpaulin din doon ng nakangiting mukha niya. Ang bukod tanging pinakaiingatan kong picture niya ng mahabang panahon na nagpapaalala sa akin kung gaano kasaya ang pamilya namin noon. At umaasa ako na kahit wala na si Itay, muli kong masisilayan ang matamis niyang ngiti kagaya ng sa picture sa tarpaulin. Kahit suntok sa buwan ang hinihiling ko, still, hindi pa rin ako nasisiraan ng loob na muling ibalik ang saya ng tahanan namin. Pero kahit ganun, ang hirap. Madaling sabihin pero subrang hirap palang gawin lalo't hindi ko rin alam sa sarili ko kung mangyayari pa ba 'yon. Sa nakikita kong itsura ni Inay na kahit kaharap ko, nahahawakan ko, kasama ko araw-araw, pakiramdam ko para siyang patay. Walang buhay na nakatingin lang sa akin. Hindi makausap. Mainit ang ulo lagi. Ang layo-layo niya, subrang layo kahit abot kamay ko lang. "Jillian?" tawag sa akin ni Kevin. Napapitlag pa ako ng bigla kong maramdaman ang pagdantay ng kanyang kamay sa aking braso. Mabilis kong pinalis ang luhang tumakas sa aking mga mata saka nakangiting binalingan siya. "Why are you crying?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Uh--wala." muli akong bumuntong-hininga ng malalim. "Sasaglit lang muna ako sa loob. Kukuha ako ng petsil na may tubig. Titimplahan ko ng juice. Dalhin natin do'n sa tatlo. Dito ka lang ha. 'Wag kang susunod sa loob. Baka makita ka ni Inay. Magtaka pa 'yon bakit nandito ka." sabi ko sabay talikod. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD