18

1459 Words

DON’T eat breakfast. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Kellan kay Mabel. Kaagad napangiti si Mabel. Ang ganda-ganda na kaagad ng araw niya. Pakanta-kanta pa siya sa shower. Nag-effort siyang magpaganda. Paglabas niya ng mansiyon ay kaagad niyang nakita si Kellan sa motorsiklo nito. Sadya siya nitong inaabangan. Nakangiting lumapit si Mabel kay Kellan. Sa palagay niya ay tumakbo pa siya upang mabilis na makalapit sa binata. Wala siyang pakialam kahit nagmukha siyang atat na atat. Sa atat na atat naman talaga siya. Mukhang natuwa rin ang lalaki na makita siya. Kaagad lumapad ang ngiti nito pagkakita sa kanya. “`Morning,” bati ni Kellan. “Good morning!” masiglang ganti ni Mabel. Hindi na niya hinintay na sabihin nitong umangkas siya. Mabilis na niyang ginawa iyon. Kaagad pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD