bc

Barely Heiresses: Mabel

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.2K
READ
friends to lovers
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
small town
first love
gorgeous
naive
like
intro-logo
Blurb

Naligalig ang mundo ni Mabel nang malamang may cancer ang kanyang ina. She couldn't live without her-literally. Buong buhay niya ay nakaasa siya sa kanyang ina, mula sa maliliit hanggang sa malalaking bagay. Wala siyang alam na gawin sa buhay.

Lalong naligalig ang mundo ni Mabel nang malamang kailangan niyang magtungo sa Sagada upang makilala ang kanyang lolo at pitong kapatid sa ama. Natatakot siya sa kanyang bagong mundo ngunit kinailangan niyang iwan ang ina upang patuloy na masuportahan ang pagpapagamot nito.

Sa Sagada ay nakilala ni Mabel si Kellan Conolly, ang lalaking hindi lang lumigalig sa kanyang mundo, nagdulot pa ng tsunami. Si Kellan ang lalaking unang inibig ng kanyang puso. Naging napakasaya niya sa piling ng binata. Inakala niya na sila na ang nakatadhana para sa isa't isa.

Ngunit paano niya ibabalik sa dating ayos ang kanyang mundo ngayong nalaman niyang hindi na pala malaya si Kellan na mahalin siya?

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI mapaniwalaan ni Lucinda na kaharap na niya si Don Alfonso Banal, Sr. Hindi niya mapigilan na matamang pagmasdan ang matanda. Kahawig nito ang anak. Nasisiguro niya na ganoon ang magiging hitsura ni Alfie pagtanda. Kinapa ni Lucinda ang sariling damdamin. Nararamdaman pa rin niya ang kirot ng sugat na mahigit dalawang dekada na niyang iniinda. Nasasaktan pa rin siya tuwing sumasagi sa kanyang alaala si Alfie na Alfredo Manansala ang pagpapakilala sa kanya noong unang beses silang nagkita. Minahal niya nang buong puso si Alfie. Inakala niyang ito na ang lalaking nakalaan para sa kanya. Nang sabihin ni Lucinda na dinadala niya ang anak nito, ang buong akala niya mapapasaya niya ang nobyo. Inakala niyang umpisa na ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang dalawa. Inasahan niyang pakakasalan siya nito. Inakala niyang magsasama sila habang-buhay kasama ang supling na bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit maling-mali si Lucinda. Bigla na lang umalis si Alfie at hindi na nagbalik. Nag-iwan lamang ang lalaki ng sulat na humihingi ng kapatawaran dahil hindi siya mapapanagutan. Walang gaanong eksplanasyon kung bakit. Hindi niya matanggap noong una. Matibay kasi ang paniniwala niyang minahal siya ni Alfie. Naramdaman niya. Hinanap pa nga niya ang nobyo. Kumbinsido siyang kailangan lang nilang mag-usap upang maayos ang lahat. Ngunit wala palang Alfredo Manansala. Hindi pa nagtatagal mula nang malaman ni Lucinda ang totoong pangalan ng lalaking inibig niya nang lubos matagal na panahon na ang nakararaan. How she hated him! She hated him for leaving her just like that. She hated him for ruining her life. Itinakwil siya ng kanyang mga magulang nang malamang nagdadalang-tao siya at walang amang mananagot. Konserbatibo ang pamilyang pinanggalingan niya. Importante sa mga ito ang malinis na reputasyon sa komunidad. Isa siyang malaking kahihiyan kaya mas pinili ng mga magulang na itakwil siya. Sumagi sa isipan ni Lucinda ang pagpapalaglag sa dinadala, patawarin siya ng Panginoon. Noong mga panahong iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Katatapos lang niya sa pag-aaral at wala pang gaanong alam sa buhay. Ngunit sa bandang huli ay mas nanaig ang pagmamahal niya sa anak. Nagpakalayo-layo siya sa kanyang pamilya. Mag-isa siyang nanganak sa isang ospital sa Tarlac. Nagsumikap siya nang husto upang mabigyan ng maayos na buhay si Mabel. Sa anak niya ibinuhos ang lahat ng pagmamahal na mayroon siya. “Ang sabihing nasorpresa ako sa tawag mo ay kulang,” anang pormal na tinig ni Don Alfonso. Mataman din nitong pinag-aaralan ang kanyang hitsura. “Noong makipagkita sa `yo ang aking abogado ay nilinaw mong ayaw mong magkaroon ng ugnayan sa pamilya ko ang anak mo. Iginiit mong hindi anak ni Alfie ang anak mo.” Ganoon pa rin ang paniniwala ni Lucinda. Walang karapatan si Alfie sa anak niya dahil siya ang mag-isang nagtaguyod kay Mabel mula nang ipanganak niya. Siya ang nagpakahirap magtrabaho upang mapakain sa araw-araw ang anak. Siya ang napupuyat tuwing nagkakasakit ang bata. Siya ang nagpaaral. Siya ang kumalinga, ang naging ina at ama. Wala si Alfie noong mga panahong kailangan na kailangan ng anak niya ng ama. Nang sabihin ng abogado ng mga Banal na sadyang ipinahanap siya ni Alfie at ang anak nila, nagalit siya. Nabuhay ang pagkamuhi na inakala niyang matagal nang naibaon sa limot. Muling kumirot ang mga sugat na nilikha ni Alfie. Bakit ngayon lang? Bakit kung kailan hindi na naghahanap ng ama si Mabel? Kahit na nang sabihin ng abogado na comatosed sa kasalukuyan si Alfie ay hindi nagmaliw ang galit niya. Galit na sinabi ni Lucinda sa abogadong sugo ng ama ni Alfie na hindi nila maaaring lapitan o kausapin ang kanyang anak. Walang karapatan ang sinumang Banal na lapitan ang anak niya. Noong mga panahong iyon ay buo ang paniniwala niya na hindi na kailangan ni Mabel ang sinuman sa pamilya Banal. Noong panahong iyon ay hindi pa niya alam na may cancer siya. Kakatwa kung gaano kabilis nabago ng cancer ang mga pananaw ni Lucinda sa buhay. Sa loob lang ng ilang araw ay nakuwestiyon na niya ang sarili sa kanyang pagiging ina. Naitanong niya kung naging mabuti ba siyang magulang sa kanyang anak. Nang unang beses na sabihin ng doktor na may cancer si Lucinda, ang unang reaksiyon niya ay tumanggi. Ipinangako niya sa sariling hindi siya magpapadaig sa cancer. Hindi niya maaaring iwan ang anak na sigurado siyang hindi mabubuhay nang wala siya. Ngunit naisip din niya ang posibilidad na baka magapi siya ng malubhang sakit. Paano na si Mabel? Hindi niya mailarawan sa kanyang diwa ang magiging buhay nito. And that scared the hell out of her. “Lucinda?” untag ni Don Alfonso. “Are you all right?” Umiling si Lucinda. Mahirap para sa kanya ang kapasyahan na tawagan at harapin ang don. Hindi sang-ayon ang puso niya sa kanyang naging pasya ngunit ang sabi ng kanyang isipan ay tama ang ginagawa niya. Tama ang naging pasya niya para kay Mabel. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na hindi naman niya ipinapaubaya ang anak, nais lang niya ng security para dito. Nais niyang makasiguro na anuman ang mangyari ay hindi maiiwanang mag-isa ang pinakamamahal niyang anak. Nais niyang magkaroon pa rin ito ng pamilyang tatakbuhan, pamilyang kakalinga at magmamahal. “What’s wrong?” tanong ng don, mababakas ang simpatya sa tinig. “Cancer. I have cancer.” Natigilan si Don Alfonso. Lumaganap ang katahimikan. Nalumbay ang mukha ng matandang lalaki.  Pinilit naman ni Lucinda na magpakatatag kahit na nangilid na ang mga luha sa kanyang mga mata at nagbabantang bumigay. Humugot siya ng malalim na hininga. “Ang s-sabi ng abogado ay hindi lang si Mabel ang anak ni Alfie sa la—mula sa pagkabinata.” Sinikap niyang gawing kaswal ang tinig. Masakit para sa kanyang malaman na hindi lamang siya ang babaeng naloko ni Alfie, ngunit tapos na iyon. Kailangan marahil niyang pasalamatan kahit paano si Alfie sa pagbibigay ng mga kapatid kay Mabel. Hindi mag-iisa ang anak niya kung sakaling kunin na siya ng Panginoon. Tumango si Don Alfonso. “Hindi nabiyayaan ng anak si Alfie sa legal niyang asawa pero may mga anak siya noong binata siya. Mga anak na sinikap niyang hanapin bago ang kanyang aksidente. Ako na ang nagpatuloy sa paghahanap sa mga apo ko. Nasabi na marahil sa `yo ni Attorney Ferrer na nais kong makita ang apo ko at nais ko ring makasama niya ang iba pa niyang mga kapatid. Gusto kong maging malapit sa isa’t isa ang magkakapatid sa kabila ng pagkakaroon nila ng magkakaibang ina at magkakaibang kinalakhan. Umaasa rin ako na baka sa pamamagitan ng presensiya nila ay magising mula sa pagkakatulog si Alfie. He really wanted to be with his children. Plano niyang bumawi sa lahat ng mga naging pagkukulang niya. Subalit igagalang ko ang anumang desisyon mo, Lucinda. Alam kong hindi birong pasakit ang idinulot ni Alfie sa `yo.” “Nagbago na ang isip ko,” aniya sa maliit na tinig. “T-talaga?” pagkumpirma ng matanda. Tila biglang nagkaroon ng sigla at pag-asa ang mga mata nito. Tumango si Lucinda. “Walang kasiguruhan sa mga mangyayari sa akin, Don Alfonso. Labag man sa kalooban ko—galit pa rin po ako sa anak ninyo—pero kailangan kong ipaubaya sa inyo si Mabel. She’s... she’s... how do I say it? She’s a Mommy’s girl. I spoiled her too much. Wala siyang gaanong alam sa buhay. Wala siyang alam. She can be naive and gullible. Kasalanan ko kung bakit ganoon siya. Masyado ko siyang pinrotektahan, masyadong minahal. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong tumayo sa sarili niyang paa. Sinanay ko siya na palagi akong nasa tabi niya at handang umalalay sa lahat. I don’t let her do things, I do everything for her. Kahit na sa pagdedesisyon, ako ang gumagawa. Ikinulong ko siya sa pagmamahal ko. “But she’s not a brat, Don Alfonso. She’s sweet and loving and adorable. Hindi niya kasalanan na wala siyang gaanong alam sa buhay. Kasalanan ko. Sinanay ko siya. Hindi ko siya hinayaang matuto. Noong bata siya, natagalan bago siya natutong maglakad dahil sinanay ko siya na laging kinakarga. Hindi ko kasi matagalan na makita siyang bumabagsak at nasasaktan. Hindi ko siya hinayaang maglaro sa labas dahil ayokong nasusugatan siya. Ayoko rin na matukso siya ng ibang bata dahil sa kawalan niya ng ama. Hanggang sa lumaki siya, sinikap ko siyang protektahan sa lahat ng bagay. Ni hindi pa niya naranasang magka-crush dahil palagi kong sinasabi na kalaban niya ang mga lalaki, sasaktan lang siya ng mga lalaki. Dahil sa pagkamuhi ko sa kanyang ama, napagkit sa isipan niya na pare-pareho ang lahat ng mga lalaki. “Kaya naman labis akong nag-aalala sa anak ko. If I die... I don’t know what will happen to her. I don’t know how she’ll deal with life. Kaya po iginiit ko na makaharap kayo, Don Alfonso. Gusto kong makasiguro na anuman ang mangyari sa akin ay may pamilyang mapupuntahan si Mabel. Ayokong mag-isa siya. Gusto kong patuloy siyang magkaroon ng magandang buhay. Gusto kong marinig ang pangako ninyo na hindi n’yo siya pababayaan, hindi itatakwil kapag may nagawang hindi katanggap-tanggap sa inyong pamantayan. Gusto kong mahalin ninyo siya at intindihin. Sana ay maituro ninyo sa kanya ang mga bagay na hindi ko naituro.” “Ipinapasa mo ba sa akin ang pangangalaga sa anak mo?” “Kung sakali lang po na may hindi magandang mangyari sa akin.” Hindi pa rin lubos na maipaubaya ni Lucinda ang anak. Tumango-tango ang don. “You should know something. May iniinda rin akong sakit, Lucinda. Cancer. Sa baga. Kaya hindi ko maipapangako na maaalagaan ko siya sa mahabang panahon. Baka mauna pa ako sa iyo, Lucinda.” Ilang sandaling natulala si Lucinda. Tila hindi niya ganap na maiproseso sa kanyang isipan ang isiniwalat ng matanda. Kapagkuwan ay bigla siyang napabulalas ng iyak. Bakit ginagawa ito ng Panginoon sa kanya? Ano ang nagawa niyang mali upang parusahan nang ganoon ang anak niya? Inabot ng matanda ang kanyang kamay. “Huwag kang umiyak, Lucinda. Magtutulungan tayo. Apo ko si Mabel. Kakayanin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Hindi natin kailangang mag-alala sa magiging kalagayan niya. Bago ako bawian ng buhay ay sisiguruhin kong nasa maayos na kalagayan na ang mga apo ko.” Tinuyo ni Lucinda ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi marahil dapat ngunit kusang nagtiwala ang kanyang puso sa mga sinasabi ni Don Alfonso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook