KAHIT maraming iniisip, pinilit pa rin ni Mabel na gawin ang mga dapat niyang gawin. Pag-alis ni Kellan ay nagtungo siya sa kanyang silid at kinausap nang matagal ang kanyang ina at si Aisa. Pinilit niyang gawing masigla ang tinig. Ayaw niyang malaman ng ina ang kasalukuyang pinagdaraanan. Ayaw niyang mag-alala ito. Nais niyang patuloy paniwalaan ng mommy niya na masaya siyang umiibig at walang anumang problema. Pagkatapos ng pag-uusap ni Mabel at ng kanyang ina ay sinamahan niya ang mga kapatid sa hapunan. Sinikap uli niyang magmukhang masigla. Iniwasan niyang isipin si Kellan. Pagkakain ng hapunan ay nagbalik siya sa kanyang silid ay umupo sa harap ng wooden weaving loom. Pinagod niya ang sarili sa paghahabi. Maagang nagising si Mabel kinabukasan. Matamlay siyang bumaba sa kusina at n

