“AI!” tawag niya sa kaniyang asawa nang mabuksan niya ang pinto ng opisina nito at nang makapasok siya roon. Kaagad namang nag-angat ng mukha si Sebas at tiningnan siya, “yes, wife?” tanong nito at kaagad na huminto sa ginagawa nitong trabaho. Nang makalapit siya rito ay kaagad namang kinabig ni Sebas ang kaniyang baywang kaya napaupo siya sa kandungan nito. Hinalikan pa nito agad ang kaniyang pisngi nang maipulupot niya rin sa leeg nito ang kaniyang mga braso. “Yes, wife? May kailangan ka ba?” malambing pang tanong nito sa kaniya. “Or do you want us to make love again?” ngumiti pa ito sa kaniya nang nakaloloko habang nagtataas-baba pa ang mga kilay. Bigla naman niya itong pinandilatan ng kaniyang mga mata. “Mmm! Ikaw talaga. Lagi ka na lang make love. Hindi ka na nagsawa sa akin!” ani

