ISANG linggo ang matulin na lumipas. Isang linggo pang nanatili sa ospital sina Sebas at Sakura upang patuloy na ma-monitor ni Caspian ang kanilang kalagayan. Si Sora naman ay no’ng isang araw lamang din nagkaroon ng malay tao. Gusto sana ni Sakura na puntahan ang kaniyang ate upang kumustahin ang kalagayan nito, pero hindi pumayag si Sebas, lalo na ang magulang niya. Ang papa niya na mismo ang nagsabi sa kaniya na hindi na siya lalapit pa kahit kailanman sa ate niya. Masakit man tanggapin na sa ganoong paraan at sitwasyon nauwi ang relasyon nilang magkapatid, pero wala siyang magagawa... at least for now. Hahayaan na muna niyang maging payapa ang mga puso nila pagkatapos nang mga nangyari. Pare-parehong nalagay sa panganib ang mga buhay nila kaya naiintindihan niya ang kaniyang asawa kung

