MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sakura sa ere habang nakaupo siya sa mahabang sofa na nasa loob ng opisina ng kaniyang asawa. Halos twenty minutes na simula nang makapasok sila roon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin sa kaniyang isipan ang announcement na sinabi ng kaniyang asawa sa mga empleyado nito kanina. Oh, kinikilig pa rin ang kaniyang puso. Tila nasa alapaap pa rin siya at idinuduyan dahil sa kaligayahang nag-uumapaw sa kaniyang puso sa mga oras na iyon. Hindi niya talaga inaasahan na ia-announced ni Sebas nang umagang iyon ang tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. Mula sa trabahong ginagawa niya, tinapunan niya ng tingin ang kaniyang asawa na busy rin sa trabaho nito ha

