MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere habang nakaupo siya sa gilid ng bowl at hawak-hawak niya ang Pregnancy Test na binili nila ni Marya kanina sa drugstore. Mariin siyang nakapikit at ang kabog ng kaniyang puso sa mga sandaling iyon ay mas lalo pang lumakas. Hindi niya malaman kung excited ba siya o ano! Halos limang minuto na rin siya sa loob ng banyo na nasa loob din ng opisina ni Marya. Ewan, pero parang natatakot siyang magmulat ng kaniyang mga mata upang tingnan kung ano ang resulta sa ginawa niya. Muli siyang humugot nang malalim na paghinga at dahan-dahan iyong pinakawalan sa ere. Pagkaraan ng ilang segundo pa ay nagpasya na rin siyang imulat ang kaniyang mga mata at dahan-dahang iniangat ang kamay niyang nasa kandungan niya upang tingnan ang Pregnancy Test. A

