“ARE you okay, wife?” Napalingon siya sa pinto ng banyo nang pumasok doon si Sebas. Kagigising lamang din nito. Bakas sa mukha ng kaniyang asawa ang pag-aalala para sa kaniya nang makita siyang nasa lababo at kanina pa tila nasusuka pero wala namang may lumalabas sa bibig niya. Muli niyang binuksan ang gripo at naghilamos. “Yeah, I’m fine.” Tipid na sagot niya. “Are you sure?” tanong pa ulit ni Sebas nang tumayo ito sa tabi niya at inayos ang buhok niyang medyo nababasa ng tubig sa gripo. Pagkatapos ay kinuha nito ang morning towel na nasa gilid ng lababo at ito na mismo ang nagpunas ng kaniyang mukha. “You are pale. Are you sick or something, baby?” tanong nitong muli. Banayad naman siyang bumuntong-hininga pagkuwa’y mabilis na ipinulupot sa katawan ni Sebas ang kaniyang mga braso a

