MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sakura sa ere nang pagkatapos niyang mag-PT ay negative pa rin ang resulta kagaya sa unang ginawa niya roon sa coffee shop ni Marya. Laglag ang mga balikat na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng bathtub ’tsaka siya naglakad palapit sa lababo. Malungkot na tumitig siya sa kaniyang repleksyon sa salamin nang mailapag niya sa marmol na lababo ang PT na hawak-hawak niya kanina pa. Baka nga siguro hindi siya buntis. Pangalawang test niya na ito pero ganoon pa rin. Negative pa rin ang result. Baka siguro normal lang na makaramdam siya ng mga signs ng pagbubuntis dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadatnan. Ten days na siyang delayed. Nag-search naman siya sa internet, at ang sabi ay maraming tao talaga ang nakakaranas ng tila mg

