“WIFE, come on. Let’s go down stairs. Nariyan na sina mama.” Kaagad naman siyang nagmadaling lumabas sa banyo nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang asawa. Naghihintay na ito sa kaniya. Naglakad siya palapit dito. “Are you done, baby?” Tumango naman siya. “Yeah.” “Let’s go.” Nang hawakan at ipinagsalikop ni Sebas ang kanilang mga palad ay mabilis din niyang iniyakap sa braso nito ang isang kamay niya at saka sila naglakad palabas sa kanilang silid. Sakto rin namang palabas na si Goran sa isang kwarto na nasa dulo ng pasilyo. “Who came?” tanong nito. “Mama and Papa,” sagot ni Sebas sa kapatid. “Why?” “I don’t know. Bumibisita lang ata,” kibit-balikat na sabi pa nito. Nakasunod lang sa kanilang mag-asawa si Goran nang tunguhin na nila ang hagdan Nang nasa may puno na sila

