“MY GOD! I was so worried about you, Sakura!” Malalim at banayad na paghinga ang pinakawalan niya sa ere habang magkatabi silang nakaupo ng kaniyang mama sa mahabang sofa, samantalang nakaupo naman sa single couch ang kaniyang ate na ngayon lamang niya nakita pagkatapos ng mahigit isang taong pamamalagi nito sa abroad. “Alam mo ba na no’ng tinawagan ako ni mama na nawawala ka raw ay bigla akong umuwi rito sa Pilipinas kahit may importante akong meeting sa Paris!” Saad din sa kaniya ng kaniyang ate. Tipid siyang ngumiti sa mga ito. “Sorry po, ma, ate,” aniya. “Nag-away ba kayo ni Sebas kaya umalis ka bigla?” tanong ulit ng kaniyang ina. Latag na ang gabi. Magpapahinga na sana siya pagkatapos ang pakikipag-usap niya kanina kasama sina Marya, pero dumating din naman ang kaniyang mama k

