“JOY, nasaan si Sebas?” tanong ni Sakura sa dalaga nang makabalik na siya sa ICF pagkatapos niyang mag-lunch sa labas kasama sina Marya. “Nasa office niya po, Ma’am Sakura,” sagot nito. “May ka-meeting ba siya ngayon?” “Wala po, ma’am. Pero may bisita po siya ngayon.” Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay, “bisita? Sino?” curious na tanong niya. “Kaibigan niya po, ma’am. Lalaki.” Napatango siya, “ah,” aniya. “Thank you, Joy!” pagkasabi niyon ay naglakad siya papunta sa opisina ng kaniyang asawa. Saglit siyang kumatok sa pinto bago niya pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Kaagad namang napatingin sa direksyon niya si Sebas nang pumasok siya. Ganoon din ang ginawa nang kausap nitong lalaki na nakaupo sa visitor’s chair. “Sakura!” kunot ang noo na sambit ng lalaki at bigla

