BIGLANG naalimpungatan at napabalikwas si Sebas. Mabilis ding nangunot ang kaniyang noo nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nasa kusina siya at nakahiga siya sa malamig na marmol na sahig. “Ahhh!” napadaing siya at napahagod sa kaniyang batok. “What just happened?” tanong niya sa sarili nang kumilos siya upang tumayo na. Nakakaramdam pa siya ng pagkahilo kaya napakapit siya sa gilid ng kitchen counter. Wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kaniya at kung bakit siya nakahiga sa sahig at nawalan ng malay. Basta ang kaniyang naaalala ay nagising siya kanina at lumabas siya sa silid nilang mag-asawa at bumaba sa kusina para sana kumuha ng tubig dahil nauuhaw siya. At nang nasa kusina na siya... Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at sinalakay siya nang labis na k

