HIMAS-HIMAS ang maliit pa namang tiyan ay nakasimangot na naglalakad si Sakura papunta sa opisina ng kaniyang asawa. Mahigit dalawang buwan pa lamang ang kaniyang pagbubuntis kaya hindi pa gaano kalaki ang kaniyang tiyan. Pero ang pinoproblema niya ngayon ay itong paglilihi niya. Isang linggo na siyang nasa stage ng kaniyang paglilihi kaya medyo nahihirapan siya sa sitwasyon niya. “Hi po, Ma’am Sakura! Good afternoon po.” Nakangiting bati sa kaniya ni Joy na kaagad tumayo sa puwesto nito nang makitang paparating siya. Ito na ulit ang secretary ng kaniyang asawa, dahil simula nang maging okay na ang kondisyon nila ni Sebas ay hindi na ito pumayag na magtatrabaho pa siya bilang secretary nito. Nasa bahay na lamang siya at ang pag-aasikaso na lang sa kaniyang asawa ang kaniyang ginagawa sa

