MULA sa pagkakahiga sa kama ay bumangon si Sakura at tiningnan ang oras sa suot niyang wristwatch. Alas onse pa lang ng umaga, pero pakiramdam niya ay sobrang tagal na niyang nakahiga sa kama at nagpapalipas ng oras. Wala naman kasi siyang gagawin ngayon. Simula no’ng malaman ni Sebas na buntis na siya, kumuha ang kaniyang asawa ng mga kasambahay para hindi niya na kailangang kumilos at magtrabaho. May taga-luto sila, taga-laba at taga-linis. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere at pagkuwa’y naglakad siya palapit sa closet at nagbihis siya. Pagkatapos ay bumaba siya sa sala. “Ma’am Sakura, aalis po kayo?” tanong ng isang kasambahay. “Yeah. May pupuntahan lang ako,” sagot niya. “Pakitawag naman sa driver at pakisabi na ipahanda ang sasakyan.” “Okay po, ma’am.” At kaag

