“AI, WHAT ARE YOU DOING?” kunot ang noo na tanong ni Sakura sa kaniyang asawa nang pagkapasok niya sa kanilang silid ay nakita niya si Sebas na nag-i-stretching sa gilid ng kanilang kama. Saglit lang itong lumingon sa kaniya pagkatapos ay mabilis na yumuko at nag-push up. Kunot pa rin ang kaniyang noo at nagtatakang naglakad palapit sa kanilang kama at umupo siya sa gilid niyon habang nakatingin pa rin sa kaniyang asawa. “I’m doing a warm up, wife.” “A warm up? Why?” nagtataka pa ring tanong niya. “One. Two. Three.” Nagbilang pa ito habang nagpu-push up. Mayamaya ay huminto ito at tumingin ulit sa kaniya at ngumiti. “I’m just preparing myself, wife.” “Puwede bang diretsahin mo ako, mister ko?” aniya. Pagkatapos nitong mag-push pa ng ilang beses, tumayo na ito at kinuha ang maliit na

