CHAPTER 62

1842 Words

NANLALAKI ang mga mata ni Sora habang nakatitig ito sa kapatid na wala ng malay. Nanginig pa ang kamay nitong may hawak ng baril habang nakatutok pa rin ito kay Sakura. Mayamaya, nang makarinig ulit ito ng sunod-sunod na putok ng baril ay nagmamadali na itong tumakbo palabas ng silid na iyon at iniwang wala ng malay ang kapatid. Nagpalinga-linga ito sa buong paligid. At nang matanaw nito si Sebas mula sa may dulo ng pasilyo na mag-isang naglalakad at nagpapalinga-linga rin ay mabilis na nagkubli si Sora sa likod ng pader at hinintay na makalapit si Sebas sa puwesto nito. Sakto rin namang dumating ang isang tauhan nito. “Ma’am Sora—” “Shhh!” anito at mabilis na pinigilan ang lalaki na hindi lumagpas sa pinagtataguan nito upang hindi ito makita ni Sebas. “Sakura? Wife? Where are you?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD