TUNOG ng ventilator ang maririnig sa loob ng emergency room habang ginagamot ng doctor at mga nurses si Sebas at Sora samantalang nakahiga naman sa isang stretcher si Sakura at ililipat na sa isang kwarto. Nang bumukas ang pinto ng emergency room ay kaagad na napatayo mula sa pagkakaupo sa bench na nasa gilid ng pasilyo sina Goran, Abraham at Alihan. Bakas pa rin sa mukha ng tatlong binata ang labis na pag-aalala para sa hipag maging kay Sebas. “Where are you taking her?” kunot ang noo na tanong ni Goran sa nurse. “Ililipat po siya sa private room, sir.” Sagot ng babaeng nurse. “How about Sebas?” tanong din ni Alihan. “Patuloy pa rin pong ginagamot ni doc.” Anang babae. “Excuse me po, sir.” Pagkuwa’y itinulak na ng dalawang nurse ang stretcher papalayo. Kaagad namang napasunod si

