TAHIMIK na nakaupo lamang si Sakura sa silyang nasa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga si Sebas na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hawak-hawak niya ang isang kamay nito habang masuyo niyang hinahaplo-haplos ang buhok nito. It’s been three days simula nang mangyari ang pag-kidnapped sa kaniya ng kaniyang ate, maging ang aksidenteng nangyari kay Sebas at sa Ate Sora niya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang kaniyang asawa. Nalaman na rin niya ang malalang nangyari sa kaniyang kapatid. Ikinuwento sa kaniya ng kaniyang ina at nina Abraham at Goran. Nasaktan man siya nang husto dahil sa nangyari sa kanila at sa ginawa ng kaniyang ate sa kanilang mag-asawa, ngunit labis din siyang nasasaktan at nalulungkot dahil sa sinapit nito. Naputol ang dalawang hita nito at ang

