“SEÑORITO!” Biglang napalingon si Sebas nang marinig niya ang boses ng lalaki na tumawag sa kaniya. Nakita niya si Kokoy, ang personal alalay ng pinsan niyang si Judas. Nangunot ang kaniyang noo. “What?” tanong niya. “Dumating na po si Señorito Esrael. Gusto raw po kayong makausap,” wika nito sa kaniya. Banayad siyang bumuntong-hininga ’tsaka muling napatingin sa loob ng cottage. Nagtaka pa nga siya kung bakit nakabukas ang ilaw sa loob niyon e, wala namang ibang tao ang nagtutungo roon. Ah, baka may staff ng hotel ang nagtungo roon kanina at naglinis tapos naiwanang nakabukas ang ilaw. Hindi na siya nag-abalang pumasok doon, sa halip ay kinapa niya ang switch na nasa gilid ng hamba. Nang mapatay niya ang ilaw ay ’tsaka niya ini-lock ulit ang doorknob at isinarado ang pinto ’tsaka bum

