CHAPTER 47

2274 Words

PAPALUBOG na ang araw sa kanluran kaya nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa buong paligid. Malamig na ang simoy ng hangin na nanggagaling sa malawak na karagatan. At mula sa ’di kalayuan ay matatanaw at maririnig ang mahinang paghampas ng maliliit na alon sa dalampasigan. Mula sa malayo ay matatanaw rin ang mga taong nag-i-enjoy pa rin sa beach at ang iba naman ay nasa dagat pa at naglulunoy. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sakura sa ere kasabay niyon ang pagyakap niya sa kaniyang sarili habang nakapatong sa kaniyang mga balikat ang makapal na shawl. May isang oras na ata siyang nakaupo lang sa buhangin at tinatanaw ang mga taong nagkakasiyahan mula sa malayo. It’s been two weeks since she left Sebas’ office. At simula nang araw na iyon ay hindi na siya umuwi sa kanilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD