LIRA POV
Para akong masusuka sa alak na ininom ko. Nakaramdam nga ako ng pagkahilo nang ilapag ko ang baso. I really don't like this kind of drink. I'd rather drink a wine than drink a beer.
Paano kaya nasisikmura ng mga kaibigan ko ang ganitong klase ng inumin. Ang hirap nito panindigan at ginawa ko lang ang bagay na ito dahil gusto kong makisama sa mga kaibigan ko.
Ngunit ng tumunog ang flash ng camera ni Jessy, dito na ako nagulat ng husto.
"What is going on, Lira? Are you talking video of me?" tanong ko.
"Ano ka ba ayos lang yan para may remembrance tayo, I am going to upload it sa group chat nating tatlo so impossible itong kumalat sa school. You know me girl, I always keep my promise to you."
Hinayaan ko na si Jessy sa ginagawa niya since she never broke her promise to me. Pinilit pa nga nila ako ng pinilit hanggang sa marami na akong nainom. Two bottles of beer and I am already drunk kaya nagpaka wild ako katulad nila.
Sumayaw kaming tatlo ng sumayaw habang nailaw ang mga disco balls at ang ganda ng mga music na pinapa tugtog. We dance to the tune of music, we are young, so damn wild, and free.
At habang nagsasayaw pa nga ako ay kinukuhaan ako ng video nitong si Jessy. I don't care about that anymore. Naging subsob ako sa trabaho ko sa loob ng mahabang panahon and now, I think that I am allowed to party kasi tapos na ang pagsusunog ko ng kilay. It's time na maenjoy ko ang edad ko.
Mas lalo pa ngang dumami ang mga tao dito sa stage na sumasayaw at naglaho ng parang bula ang mga kaibigan ko. Napasarap din ako masyado sa pagsasayaw ko kaya hindi ko namalayan na naglaho sila.
Nahihilo pa ako ngayon. Hahanapin ko pa nga lang sana ang mga kaibigan ko nang biglang may humampas sa pwetan ko. Nawala ang kalasingan ko at tumalikod ako upang sampalin sana ang gumawa nito sa akin ngunit pagtalikod ko, si Reji pala ito. Ang tangkad talaga niya, wala pa ako sa kalingkingan ng kanyang balikat.
At kahit na kaylan ay ang gwapo niya, hindi ako nagsasawa na siya ay titigan, he really has a perfect face. Wala pa akong nakikitang lalaki na tatapat sa mukha ni Reji. Sa lahat ng mga lalaking nakita ng dalawa kong mga mata, he is the most handsome one. Kahit nga siguro itabi siya sa mga artista, his face will always stand out among the rest. Kaya napapatanong ako sa sarili ko, do I really deserve him sa dami ng mga babae sa mundo?
"Lasing na lasing ka na ha?" tanong niya.
Napayakap na ako sa kanya matapos niyang magsalita. I am so dizzy at kapag hindi ako yumakap sa boyfriend ko ay matutumba ako nito.
"I am not drunk, naka inom lang," sambit ko. "Bakit ka nga pala nandito ha? At tsaka ikaw ba ang humampas sa pwet ko?"
"Nag aalala ako sayo kaya ako nag punta rito. Halatang lasing ka na babe, tara na, ihahatid na kita sa bahay niyo!"
Ngayon na lasing ako ay mas lalo pang nagiging malinaw sa akin kung gaano ko kamahal ang boyfriend ko. And I am having butterfly in my stomach, ang bango pa ng boyfriend ko na nakasuot lamang ng simpleng tshirt pero ang lakas ng kanyang dating.
"Later na! I am still having fun here. Mag sayaw muna tayong dalawa okay? Just this once, after kong magpaka subsob sa pag aaral. Wag na magalit please, nagpaalam naman ako sayo eh!"
Mas lalo ko pa ngang hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya na para bang ayaw ko na siyang pakawalan. This is just me being so clingy to my boyfriend at ang sarap sa pakiramdam na mayakap ang mainit niyang katawan at malanghap ang mabango niyang perfume.
Hinawakan niya ako sa pisngi ko at nagulat ako ng buhatin niya akong bigla. And now, we are face to face to each other. Kitang kita ko ang flawless niyang mukha.
"Bakit mo ako binuhat babe? Nasa loob tayo ng bar!" sambit ko matapos kong magulat.
Muli niyang hinampas ang pwet ko pero mas malakas na ngayon.
"Eh ano ngayon? Sa bibig mo na rin nanggaling na nasa loob tayo ng bar at wala tayo sa loob ng school natin. And we can do whatever we want here!"
All of a sudden ay bigla niyang hinalikan ang bibig ko. Napadilat ng husto ang mga mata ko sa tamis ng halik niya. Yung isasayaw niya ang labi niya sa labi ko habang pinapalo niya ako sa aking pwetan, ito ang unang beses na ginawa namin ito.
Normal na sa amin ang madalas na naghahalikan ngunit ibang klase yata ang halik ngayon ng boyfriend ko. Tila ay hayok na hayok na siya at ayaw nang tantanan ang pag mukhbang sa labi ko.
Nadala na ako sa kanyang ginagawa kaya nasarapan na rin ako. Pinalupot ko ang mga paa ko sa likod niya at hinawakan ko ang kanyang mga pisngi while we are kissing each other.
"Hoy ano ba kayong dalawa? Bakit kayo nagkakandungan dito ha?"
Mabilis akong binaba kaagad ng boyfriend ko at napakapit ako sa kanya. Nakita namin si Jessy na nasa harapan namin at kahit na tanging disco ball lamang ang nagsisilbing ilaw rito ay nakikita ko ang nakasimangot niyang mukha.
"Jessy... nandito ka pala..." sambit ng boyfriend ko.
"Malamang Reji! Ako ang kasama ng gf mo. Anyare sayo ha? Bakit nandito ka sa loob? Akala ko ay kasama mo ang barkada mo ha?"
Niyakap ako ni Reji mula sa likuran ko at tsaka niya ako muling hinalikan sa pisngi ko. Mas lalo pa akong kinikilig sa kanya ngayon. Pero itong si Jessy ang sama pa ng tingin sa amin at nagulat ako ng bigla na lamang siyang umalis.
Napatingin tuloy ako sa boyfriend ko, "Anong nangyari sa kanya ha?" tanong ko pa.
"Hayaan mo na! Baka naiingit siya kasi wala pa siyang boyfriend?"
"Huy grabe ka sa kaibigan ko! Meron na rin yan for sure, she is just waiting for the right time para sabihin sa amin."