CHAPTER 16

1026 Words
LIRA POV Excited na ako para asa araw na ito kasi magde date na kaming dalawa ni Reji sa isang restaurant sa mall. Pero nag adjust na ang aming date kasi parehas kaming busy sa kanya kanyang buhay. Kasi ngayong araw, ako ang naka toka na mag luto ng breakfast namin dito sa bahay para makapag pahinga din ang mama ko kasi alam ko na kaylangan din niya nito lalo pa't limang araw na siyang nagluluto sa kusina. Ayaw ko naman na siya ang parating nakilos dito sa bahay lalo na't may katandaan na rin siya. Sa pagkikita nami ngayong araw ni Reji ay nag ayos pa rin ako kasi ayaw ko na maging panget sa harapan niya. Parati ko siya gusto na ma starstruck sa akin kasi mas nakaka kilig ito eh. At yung everytime na magkikita kami ay madalas din niyang pisilin ang mga pisngi ko. Minsan nga ay masakit ngunit mas nakaka kilig din kasi. Basta, I feel always about the clouds kapag mag kasama kami. At ngayon na malapit na ang graduation ay malapit na rin kaming maging legal sa side ko kasi ipapakilala ko na siya sa parents ko. Bahala na, kagabi ko pa ito pinag iisipan ngunit sawa na akong mag tago ng relasyon namin. Ilang taon din kaming nagpaka sasasa sa masarap na bawal kasi nga pasaway din ako at parte ng kabataan ko ang pagiging mapusok kahit na nagtitino ako sa pag aaral ko. Sa side niya ay boto na ang papa niya sa akin kaya isang tinik na ang natanggal sa lalamunan ko. Mag bibigay pa rin naman ako sa parents ko pero I am alreaady an adult who needs nang lumandi kasi nga ay nasa wastong edad na rin ako. Hindi ko lang pinalampas ang pagkakataon na dumaan ang isang Reji sa buhay ko. Ang ganda siguro nitong balik balikan kapag tumanda na kami. Naligo na ako ngunit nagpaligo rin ako ng pabango sa katawan. Aba syempre mas gusto akong amoyin nito ng boyfriend ko para doble ang bango at mas lali pa siyang ma attract sa akin. Pag babae ko ay nakita ko si papa sa lamesa at nakain siya. Napatitig pa nga siya sa akin ngayon. "Pulang pula ang lipstick mo ngayon ha? Saan ang punta mo!" tanong niya. "Pa, wala ako sa school ngayon kaya ayos lang na kapalan ko ang lipstick ko. At tsaka makikipag kita ako sa mga friends ko sa school kasi may bonding kami. Eh malapit na ang aming graduation kaya susulitin na namin kasi kapag nag work na kami ay hindi na magiging madalas ang aming pagkikita!" "Ganun ba? Sige na, nag usap na rin kami ng mama mo at sinabi ko sa kanya na ako ang aakyat sa stage para sana ako na ang magsabit ng medals mo!" Gusto ko sana si mama ang mag sabit ng medal sa leeg ko kasi sa kanila ay siya naman talaga ang may mas matinding sacrifice ngunit bahala na silang dalawa as long as pumunta sila parehas kasi magtatampo ako nito once na may wala sa kanila. "Wala pong problema sa akin basta kasama ko kayo doon pero wag ka sanang iiyak ha?" "Iiyak? Sa amin ng mama mo ay siya ang iyakin kaya nga ako ang nais niyang mag punta ng stage. Syempre iiyak siya kapag nakita ka niya doon! Nakaka proud yan sa amin na parehas nag sacrifice para lamang makapag tapos ka ng pag aaral. At makaka bayad na rin kami ng mga utang namin." "Utang? Bakit pa, wala na tayong utang sa ibang tao ha? Di ba nabayaran na natin ang lahat ng mga pinag kakautangan natin nitong nakaraan?" tanong kong may pagtataka. Naging seryoso ang kanyang mukha, "Oo nilihim namin sayo ang tungkol dito kasi ayaw namin na maapektuhan ang pag aaral mo. Ngunit ngayon ay dapat mong malaman na may utang ang mama mo na isang daang libong piso sa iba't ibang mga tao kaya sana ay tulungan mo muna kami kasi wala naman ibang mag tutulungan dito kung di tayo tayo lang din di ba?" Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko sa bibig ng papa ko. Kaya pala ganoon na lamang makapag salita ang mama ko kahapon ng mag usap kami. Now it makes sense to me kaya dapat na pag sumikapan ko na makahap kaagad ng trabaho upang may pambayad na kami sa lahat ng mga pinag kakautangan namin. "Okay fine! Sige pa, don't worry kasi maghahanap din ako kaagad ng trabaho as soon as matapos ang aming graduation. Ayaw ko rin kasi na nakatengga ako sa bahay habang nagalaw ang mga bills natin dito sa bahay at may utang kayo." "Oo kasi alam mo bang gabi gabi rin namin iniisip ang mga pinag kakautangan natin. Natatakot na nga kami na ipa baranggay na lamang tayo. Kaya nakiusap kami na bigyan pa tayo ng palugid. Buti at naintindihan nila ang sitwasyon na pinagdadaanan natin kaya maswerte pa rin tayo!" Umalis na ako pagkatapos namin mag usap ni papa ngunit habang ako ay nandito sa loob ng jeep ay dala dala ko pa rin ang bigat ng nararamdaman ko. Nakaka wala ng good mood yung ganitong klase ng sitwasyon. Ang hirap din talaga maging mahirap lalo na kung wala ng ibang masasandalan sa mga problema. Napapa isip na tuloy ako, saan kaya ang trabaho na mataas kaagad ang sweldo para naman ay mabilis umangat ang aming buhay. Honored student naman ako at masipag kaya siguro ay mabilis akong makaka pasok sa isang company and then pwede pa akong mag demand ng mataas na sahod kaagad. Kasi hindi rin biro ang mag aral ng apat na taon sa college. Literal na nag sunog ako ng kilay at never akong bumagsak sa isa kong subject. In that way naman ay mas mabilis kaming makakapag bayad ng mga utang. No choice ako, isasantabi ko muna ang sarili kong kaligayahan alang alang sa pamilya ko. Pagdating ko sa mall ay wala pa si Reji. Hindi rin siya nag seen sa message ko ng sabihin ko na on the way na ako kanina. Malamang ay busy pa siya but I am willing to wait!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD