REJI POV
"Basta Reji, nadismya ako sayo. You did not do something to work on your weakness. Para akong nag sayang ng malaking pera sa loob ng apat na taon. I am not saying na investment kita ngunit sinayang mo ang pagod ko sa ibang bansa. Pero sana ay wag mo nang pakawalan pa si Lira.
Alam ko na marami akong mga nasabi sayo na ayaw mong marinig pero kuung may isang bagay man akong gustong sabihin na magugsutuhan mo, ito ay ang pag boto ko para kay Lira sayo. Alagaan mo siya at wag mo na siyang pakawalan pa. Marahil ay magtatanong ka rin sa kanya kung ano ang pinag usapan namin kanina ngunit ako na ang nagsasabi sayo, wala kaming pinag usapan na masama.
Sa katunayan ay ang sarap pa nga ng naging kwentuhan namin. Maganda siyang babae at alam kong matalino at magalang pa kaya boto ako para sa kanya sayo."
Mapapangiti na nga sana ako ngunit naalala ko na peke lamang ang relasyon namin ni Lira. Ayos lang ba itong si Dad? Paano niya nasabi na maganda si Lira eh panget nga ng pagmumukha ng babae na yun. Wala pa rin siya sa kalingkingan ng totoo kong girlfriend kaya gagawa ako ng paraan para makapag break up sa kanya kapag nakuha kona ang gusto ko.
Binigyan ko ng pekeng ngiti ang papa ko na walang kaalam alam sa mga mangyayari. Basta, magugulat na lamang siya sa mga takbo ng pangyayari.
"Sige pa, maraming salamat sa pagtanggap niyo sa girlfriend ko at kahit na nakatikim ako ng isang malutong na sampal sa inyo ay naiintindihn ko ang pinag gagalingan ng inyong galit. At ngayon na makaka graduate na ako ng pag aaral ko ay titiyakin ko sa inyo na mag hahanap ako kaagad ng trabaho para ako na ang babawi sai inyo."
"Alam ko yun, pero wag mong isipin na investment kita. May ipon naman ako kahit papaano. Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho ay may naitabi rin ako para sa sarili ko.
Syempre natanda na rin ako at sa ganitong edad, mahirap man aminin ngunit nilalapitan na rin ako ng mga sakit. At yan nga ang kinakatakot ko, baka diyan mabuos ang lahat ng ipon ko kaya hangga't maaari ay iniingatan ko rin ang sarili ko."
"Dad, syempre nahihiya ako sa inyo. Di ba nga parati niyong sinasabi sa akin dati na ang totoong tatay ko ay naglaho na lamang ng parang bula. Kinu kwento niyo pa na galit na galit ang mama ko noon. Kaya ako, mahina man sa ingles ay marunong din tumanaw ng utang na loob sa lahat ng sakripisyo niyo a akin. Kaya i compute niyo na ang lahat ng mga nagastos niyo sa pag aaral ko para mabayaran ko na ang lahat hehe!"
Pabiro ko man sinabi ang huling talata ko ngunit totoo yun. Kahit na ganito ako ay ang taas pa rin ng pride ko at hindi ko hahayaan na ipag sawalang bahala ang lahat ng mga sakrpisyo ng tatay ko sa ibang bansa. Alam ko na may mga pag subok siyang mga napag daanan doon na mas ninais niyang huwag sabihin sa akin.
Marami pa naman akong mga nababasang confession sa sss tungkol sa mga ofw stories kaya mulat din ako sa hirap ng mga pinagdadaanan nila.
"Hahaha! Puro ka drama diyan Reji. Siya nga pala, plano mo bang mag abroad na lang din ha? Mataas ang sahod mo sa ibang bansa kaysa dito na kakarampot. Ang sahod nga ng manager dito ay sahod lang yan ng dishwasher sa ibang bansa ngunit depende pa rin. But I am not going to force you to take this path kung ayaw mo naman. Wala tayong pilitan dito."
Mag abroad? Kahit na gaano man kataas ang sasahurin ko sa abroad ay ayaw ko pa rin. Gusto ko na magkasama kami parati ni Jessy. Ito lang naman ang nag iisang pangarap ko sa buhay. Nais ko rin na umangat ang aking buhay ngunit ang pag abroad ay isang bagay na hindi sumagi sa isipan ko.
"Pass ako Dad ngunit baka pwede na tayong mag gym ng sabay. Hanap ka na rin ng trabaho rito katulad ng trabaho mo sa ibang bansa."
"Magpapahinga ako ng ilang buwan kasi grabe din ang naging stress ko sa trabaho ko doon. Ngunit kung papalarin ay maghahanap ako ng trabaho. Kung gusto mong mag gym ay pwede siguro na mag bukas na lang tayo ng sarili nating gym dito pero yan ay kung ayaw mong mag trabaho."
Ito rin ang isa sa mga magagandang katangian ng stepdad ko. Kahit na alam namin parehas na hindi kami magkadugo at pinag aral niya ako ay gusto niya na ang gusto ko para sa sarili ko ang nasusunod.
"Pass na rin po muna ako sa pagbubukas ng gym ngunit kung gusto niyo na mag hanap ng gym na pwede niyong pasukan ay pwede ko kayo tulungan na mag hanap. Pangarap ko rin kasi na magkaroon ng magandang katawan katulad ng sa inyo eh. At siya nga pala, matanong ko rin sana kayo kung ilang buwan po ba bago ako magkaroon ng ganyang klase ng katawan ha? Ang sarap siguro na magkaroon ng mga abs.
Hindi yung puro lang pogi. Magandang combination nga yan kung tutuusin eh. At ngayon na nandito kayo, alam ko na matutulungan niyo ako tapos bonding na rin sana natin yan pag nagkataon hehe!"
"Nako, no pain no gain. Ako nga eh, sa totoo lang ay inabot din ako ng eight months bago nagkaroon ng ganitong klase ng katawan anak. Ang hirap mag gym at mag hubad ng mga gamit. Iba pa ang disiplina sa pagkain kayta nga noong nagka abs na ako ay tuwang tuwa ako. Asawa na lang ang kulang."
"Oo nga pala pa... pwede naman kayo na magkaroon ng asawa. Forty pa lang po kayo kaya may asim pa. Eh mukha rin kayong bagets sa paningin ko kaya mag chicks na rin kayo para at mag anak habang pwede pa!"
Naging seryoso ang kanyang mukha, "Gusto mong dibdiban kita ha? Wala na akong ipapalit pa sa mama mo at mas lalong ayaw ko nang magkaroon pa ng anak!"