CHAPTER 14

1015 Words
REJI POV Sakto pagkatapos kong maglinis ng bahay ay siyang dating ni Dad dito sa loob. Nagla laptop din kasi ako sa lamesa at tamang nood ng anime sa cellphone ko. Halata nga sa kanyang mukha na siya ay pagod. Kinakabahan pa rin ako sa kanya. Malakas pa rin ang kutob ko na sasapakin niya ako sa mukha. Baka ayaw niya lang itong gawin sa haeapan ni Lira "Pahinga muna kayo niyo pa. Ako na ang bahala na mamaya sa kakainin natin," sambit ko. "Lumapit ka nga sa akin!" sagot niya, dito na ako mas lalong kinabahan kasi nakita ko na ang galit sa kanyang mukha. Bagamat natatakot ako ay mas pinili ko pa rin na lumapit sa kanya. Nang makaharap ko na siya ay isang malakas na sampal ang pinakawalan ng kanyang kaliwang kamay sa aking pisngi. Ang sakit nito at ang lutong pagkakasampal niya. Ang tagal na rin bago ako nakatikim ng sampal sa kanya. Maswerte na nga ako na sampal lang ang inabot ko imbes na bugbog. "Ano ha? Di ba ilang beses ko nang sinabi sayo na wag kang mag syota! At ilang beses mong itinanggi sa na wala kang syota pero tingnan mo ang nangyari. Dinala mo pa siya dito sa bahay ha? Kung di pa ito nangyari ay mag sisinungaling ka na naman! Nag iisip ka ba ha? Paano kung mabuntis mo ang girlfriend mo? Malamang ay may balak ka pa sa kanya. Wag ka nang mag sinungaling pa! Kilalang kilala na kita!" Napayuko ako kasi tama ang sinabi ni papa sa akin kasi totoo ito. Balak ko talaga na kuhain n ang virginity ng girlfriend ko para maiwanan ko na siya subalit ginawa ko na ang lahat kagabi ngunit ayaw talaga ni Lira na ibigay ang sarili niya. Napaka arte, akala niya ay ganun siya kaganda. Wala siyang binatbat sa totoo kong gf na si Jessy. "Dad, sa bibig na po ni Lira nanggaling na walang nangyari sa amin. Doon pa lang ay ay dapat mawala na ang pagdududa niyo eh and I am so sorry kung nagawa kong mag sinungaling sa inyo sa loob ng ilang taon. Sadyang naging mapusok ako at pare ito ng kabataan ko. Kayo din naman ay nanggaling sa ganitong edad kaya alam ko na naiintindihan niyo ako!" sambit ko ng tumingin ako sa kanya. "Hoy! Tantanan mo ako sa kakasabi mo ng ganyan ha! Ang pag uusap natin ay tungkol sa katigasan ng ulo mo Reji. Kung nabubuhay nga lang ang mama mo, natitiyak na maging siya ay maiinis din sa ganyan mong pag uugali. At wag mong iisipin na hindi naman tayo magkadugo kaya ayos lamang ang ginagawa mo. Legally adopted kita at mahalaga sa akinna makapag tapos ka ng pag aaral mo." Ngumiti ako kasi tapos na rin ako ng pag aaral kaya may ipagmamalaki na rin ako sa kanya. "Pa wag kayong mag alala sa akin kasi nakapag tapos na ako ng pag aaral ko!" nagmamalaking sabi ko pa sa kanya. "You are just about to graduate kaya wag ka munang magmamalaki sa akin. At tsaka sige nga, di ba boboo ka sa English? Mabuti at natiyaga kang turuan ng girlfriend mo eh bugok ka pagdating sa subject na yan. Hirap na hirap ka nga marunong magsalita ng Ingles at baka dumugop pa ang ilong mo!" Yung tuwa ko ay naging tawa na ngayon kasi nakikita ko na papunta na kami sa kalokohan. Masakit man mapag salitaan na bobo ako sa English ay aminado ako na totoo ang sinabi niya. At hindi lang sa larangan ng English, kahit sa ibang mga subjects namin sa school ay hirap din ako. "Oo pa, hayaan mo na, tanggapin na natin na weakness ko ang pagsasalita ng English. Eh hindi naman talaga yan kaylangan sa totoong buhay. Kaylan ba naging basehan ang pagsasalita ng English para masabi na asensado na ang isang tao?" "Ano ka ba ha? Kaylangan yan sa totoong buhay. Karamihan ng mga company interview ay English dito sa Pinas. Kapag tinanong ka ng interviewer ng ganyan din ang isasagot mo. Dapat nga ay nagpa practice ka na para makapag hanap ka kaagad ng trabaho at naandar ang bills natin dito sa condo unit!" Kumamot ako a ulo ko. Nahihirapan na tuloy akong magsalita. Kaylangan ko ng utak ni Lira ngayon para may coach ako pero wala siya dito ngayon. "Ako na ang bahala pa. Nandiyan ang girlfriend ko at magpapatulong ako sa kanya. At tsaka pogi naman ako eh, baka nga kindatan ko pa lang ang interview ay sabin na sa akin na 'you are hired pogi,' tapos na ang problema ko kaagad hehe!" Pinalupot niya ang kanyang malalaking braso sa kanyang dibdib. Talagang batak na batak siya ng pag gi gym niya. Pogi rin naman siya pero alam naming dalawa na mas lamang ang kapogian ko sa kanya. Kabisado ko na ang pagkuot ng noo niya kaya alam kong hindi siya sang ayon sa sinabi ko. "Anong pinagsasabi mo mo ha? Wag mo akong pilosopohin ng ganyan. Nag aral ka ng apat na taon. Sa totoong buhay, hindi palaging puro pa pogi lamang. Kaylangan na maging madiskarte ka. Hindi porket gwapo ka ay makaka pasok ka kaagad kasi iniisip mo na kaya mong landiin ang interviewer mo. Sige nga, assuming na ako ang interviewer, let me ask you to introduce yourself to me!" Ang seryoso ng pagkakatanong niya tapos may American accent pa nga. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat eh. Kaya nga dapat ay natulog na lang pala ako kanina upang hindi na sumakit ang ulo ko. "Dad... you should go to sleep now... you tired..." Kahit na ganyan lang ang sinabi ko ay sumakit na ang ulo ko. "See? Sayang ang apat na taon mo sa college. Simpleng katanungan ko sayo tapos ganyan an isasagot mo ha? Nakaka dismaya ka sa totoo lang. Baka yung tulong na sinasabi mo kay Lira ay yung pinapakopya ka niya." "Dad... itataga ko sa bato na kahit minsan ay hindi ko yan ginawa. Ang sabi niya, paano ako nito kapag ganyan ang gagawin ko? Kaya ginagabayan niya ako sa lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD