Kabanata 48 A L E X A Humakbang siya palabas ng elevator pero agad na huminto sa harapan nito. Kaya hindi rin ako makapasok sa loob ng elevator dahil nakaharang siya sa daraanan ko. “Excuse me,” sabi ko nang hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Nang hindi siya umimik o tumabi man lang ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Agad akong sinalubong nang nagtatanong niyang ekspresyon. Muli akong nag-iwas ng tingin at ako na itong nagkusang gumilid upang makadaan siya ng maayos ngunit hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bakas pa rin sa kanyang ekspresyon ang pagtataka sa kung anong bagay, kaya sinagot ko na ang katanungan sa kanyang isipan bago pa man niya ito maisatinig. “I'm not trying to stalk you or anything. Leanne sent those pictures. I'

