Kabanata 47 A L E X A Mula nang mangyari iyon ay hindi ko na ulit nakita si Liam sa bar. Ilang linggo na rin ang nakakalipas at hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam man lang. Ano bang inaasahan mo, Alexa? Babalik pa iyon pagkatapos ng mga sinabi mo? Malamang hindi na ‘yon magpapakita pa sa’yo. Baka nga kinamumuhian ka na noon. Ayos lang iyon. Mas mabuti na sigurong ganoon. At least, tuluyan na niya akong makakalimutan. “Ah, ma’am Alexa, may naghahanap po sa inyo sa labas. Kaibigan niyo raw po,” anang isa sa mga waitress nang pagbuksan ko ito ng pinto ng opisina. Kumunot ang noo ko sa pag-iisip kung sinong kaibigan ko ang nagpunta dito upang makausap ako. “Nasaan siya?” tanong ko. “Nasa VIP room po. Hinihintay kayo.” Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ko. Kung bibisitahin ak

