030

3164 Words

Kabanata 30 A L E X A Alam kong hahanapin ako ni Leanne kaya nagtipa ako ng message para sa kanya habang pauwi ako sa amin. Nagdahilan na lang ako at nagkunwaring may raket ako ngayong araw na nakalimutan ko lang. Ilang beses siyang tumawag sa phone ko pero hindi ko sinagot iyon hanggang sa magsawa na din siyang tumawag ulit. Alam kong magtatampo siya dahil sa biglaan kong pag-uwi pero mas kaya kong indahin ang pagtatampo niya kaysa harapin siya ngayon. Kailangan ko ng oras para makahinga kahit sandali lang. Ayaw tanggapin ng isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa kanilang dalawa ni Liam. Parang hindi ko yata kayang tanggapin ito… Galit na galit si Liam kanina nang iwan ko siya at sigurado ako na kapag nalaman ni Leanne ang tungkol sa amin ay magagalit din ito sa akin. Wala akong choice

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD