Kabanata 45 A L E X A Lumabas ako ng sasakyan ko. Kanina ko pa ito sinusubukang paandarin pero ayaw nitong mag-start kaya minabuti kong tigilan na. Wala akong choice kundi ang mag commute at papaayos ko na lang siguro ito mamaya. Hindi ako sigurado kung ano ang sira ng sasakyan ko dahil hindi naman ako maalam talaga sa mga ganito. Kung hindi pa ako pinilit ni Gabriel noon na kumuha ng sasakyan, hindi pa ako matututong gumamit nito. Pero tama naman si Gabriel dahil maganda din naman talaga kapag may sarili kang sasakyan. Lalo na noong sa Manila pa ako nakatira at ang trabaho ko ay nandito sa Tagaytay. Ang hirap din mag-commute lalo sa panahon ngayon. “May problema ba?” Nagulat ako nang paglabas ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Liam na para bang kanina pa siya nakaabang sa aki

