Kabanata 43 A L E X A Sinubukan ni Gabriel na pigilan kaming umalis. Gusto niyang manatili kami ni June sa bahay na binili niya para sa amin. Aniya’y siya na lang daw ang aalis dahil hindi siya mapapanatag kung lilipat kami ng bahay. Alam ko naman na iniisip niya lang din ang kapakanan namin pero buo na ang desisyon ko. Hindi pwede na lagi kaming aasa sa kanya. Isa pa, wala naman talaga akong karapatan sa pamamahay na iyon dahil hindi naman totoo ang kasal namin pero hindi ako nanghihinayang doon. Sa totoo lang mas gumaang pa nga ang loob ko nang malaman na hindi kami totoong kasal ni Gabriel. Ibig sabihin lang noon ay hindi kailanman naging kabit ang kapatid ko. “You don’t really need to leave, Alexa. I bought this house for you. Para sa inyo ito. If anyone had to leave the house, it'd

