Kabanata 42 A L E X A Pareho kaming hindi halos makatulog ni Francheska sa pagbabantay kay June. Sinabihan ko naman siya na umuwi na muna para magpahinga dahil pwede naman na ako muna ang magbantay sa kapatid namin pero ayaw talaga niyang iwan si June. Halos hindi din siya kumakain tulad ko. Sino ba ang gaganahang kumain ng ganito ang lagay ni June? Hindi pa din siya nagkakamalay mula ng dalhin siya dito. Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa din siya nagigising. Bawat araw na lumilipas na hindi siya gumigising ay nababawasan ang pag-asa naming magigising pa siya. Ang sakit-sakit at sobrang hirap tanggapin. Gusto kong tatagan ang sarili ko para kay Francheska. Kung magiging mahina din ako baka mas lalong hindi na niya kayanin. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit paulit-ulit ni

