Kabanata 41 A L E X A Nanghihina akong napaupo nang lumabas siya ng opisina. Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang gusto niyang mangyari. Hindi ko din maintindihan kung bakit niya sinabi iyon. Ibig sabihin ba nito ay ayos na kami? Hindi na niya ako pag-iinitan? Hindi ko alam. Ang gulo ng lahat. Hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos pagkatapos ng nangyari. Balak kong lumabas muna sana upang magpahangin sandali ngunit nakatanggap ako ng tawag mula kay Cheska bago pa ako makalabas ng opisina ko. Kinabahan ako dahil hindi naman ito madalas na tumawag sa akin kahit noon. Agad kong sinagot ang tawag ng kapatid ko. “Hello?” “Ate, I’m sorry. Patawarin mo ako…” Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa bungad niya sa akin. Halata sa boses niya na umiiyak siya at nag-aalala ng husto. “An

