ESTÉE POINT OF VIEW Umagang-umaga pa lang ay abala na si Alec sa living room. Akala mo’y may board meeting na sineseryoso ang bawat sulok ng espasyo. May hawak siyang iPad, habang nakabukas ang laptop sa harapan niya, kasabay pa ng isang nakalatag na blueprint ng kwarto sa second floor. Pagkababa ko mula sa hagdan, agad niyang narinig ang yapak ko at bumaling sa direksyon ko na parang isang sundalong alerto. “Good morning, my queen and my baby,” bungad niya habang patakbo akong sinalubong. Hinawakan niya agad ang baywang ko at mabilis na lumuhod para halikan ang tiyan ko. “Did you two sleep well?” Ngumiti ako, sabay himas sa buhok niya. “We did. Pero ikaw yata ang hindi natulog. Anong ginagawa mo diyan?” Tumayo siya at ipinakita ang tablet sa akin. “I’m designing the nursery. I’ve bee

