Selene Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at para akong lalagnatin. Nagising ako sa liwanag na na nagmumula sa sinag ng araw, tanghaling tapat pa lang naman kaya sobrang tindi ng sikat ng araw sa labas. Nakatulog na pala ako dito sa couch at paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko si Gov Louis na nasa tabi ko at mahimbing din ang tulog niya habang nakasandal sa sa akin. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko at parang may kung anong nakadagan sa akin, siya lang pala iyon. Tss! Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya, sadyang nakapaamo naman pala talaga ng mukha niya lalo na kapag tulog. Sana ay makuha ng anak ko ang napakaamo niyang mukha. Napailing ako at napahinga ng malalim, akmang tatayo na sana ako pero nagulat ako nung hilahin akong muli ni

